Chapter 27

43 0 0
                                    

Joerilyn Pov:

Andito na kami sa Toys Kingdom, namimili ng laruan. Sa totoo lang sarap kasama ang mga bata.

Bigla kong may nadinig nabulubulungan.

"Yan ba yong sikat na model sa bansa"

"Nasa ibang bansa yon paanong andito yon"

"Oo nga at parang may pamilya na siya. Ang saya ng pamilya niya"

"Bagay pa naman sila"

"Sana magtagal sila"

Tinignan ko si Martz nakikinig din sa mga bulungan nyong mga babae.
.
.
.
.
.
.
.
Martz Pov

Kanina ko po nadidinig na maraming nagbubulungan tungkol sa amin.

Ito namang kasama kong babae na nangangalang Joerilyn. Ngayon pa nadinig.

Pero agree ako sa mga nagbubulungan. Bagay na bagay nga kami ni Joerilyn.

Ang gwapo ko kaya.

"Tito daddy uwi na po tayo. Inaantok na po ako" sabi ni Britney.

"Naku pagod ka na ba baby?" tanong ni Joerilyn.

Tumango si Britney. Mukha ngang pagod na nga siya.

Binuhat ko sya.

Papunta na kami sa Parking lot. Pinasok ko na siya kotse.

"Sabay ka na sa amin" sabi ko.

"Hindi na, may dala akong kotse. Ingat na lang kayo" sabi niya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Joerilyn Pov

Pinasok na ni Martz si Britney sa kotse. Mukha ngang pagod sya.

"Sabay ka na sa amin" sabi nya.

"Hindi na, may dala akong kotse. Ingat na lang kayo"sabi ko.

"Hmmm sige. Ingat ka din" sabi niya.

Aalis na sana ako ng bigla niyang hawakan yong braso ko at sabay hila sa akin.

Pero ang mas kinagulat ko ay yong yakapin niya ako.

Yong parang hindi ka na makagalaw, dahil sa yakap niya na buong katawan mo ay parang na kuryente na hindi mo alam kung bakit. Bakit nga ba?

Binitawan na niya ako.

"Sige ingat ka" sabi niya at pumasok na siya sa kotse niya at umalis.

Naiwan akong tulala doon. Ay ang OA lang eh.

Natauhan ako ng tumunog ang cellphone ko.

"Bakit naman to napatawag?"taka kong tanong sa sarili ko.

"Hello"ako.

"Joerilyn"sabi ni Rhona.

Dahil sa boses niya dahilan ng sobrang kaba ko. Anong nangyayari?

"Ok ka lang?"ako.

"Pumunta ka dito sa bahay"sabi niya lang.

Binaba na niya ang tawag. Ano ba kasing nangyayari?

Pumasok kaagad sa Kotse ko at pinaandar ito.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Joyce Pov

Bakit ba ang boring ngayon? Ang mga kaibigan ko mukhang busy. Si mokong busy. Yong totoo araw ba nila ngayon, kaya busy sila? Bakit ako hindi?

Pagulong-gulong ako sa kama. Parang ewan na ako. Mukha na akong engot nito.

Napatigil ako sa kabaliwan ko ng may kumatok.

"Maam may naghahanap po sa inyo"sabi noong katulong.

May naghahanap sa akin?

"Sino daw?"sabi ko.

"Mga kaibigan niyo po"mahinang sabi noong katulong.

Mukhang di na ako mabobored andito na sila.

Binuksan ko ang pinto bumungad sa akin ang mga mukha ng mga kaibigan ko na parang namatayan.

"Anong nangyari sa inyo? Pasok nga kayo"sabi ko.

Umupo na sila sa kama ko.

Naghihintay ako sa sabihin nila kasi alam ko may sasabihin sila sa akin.

Tinignan nila ako na sobrang titig sila ng sobra sa akin.

"Joyce bakit?"sabi ni Hannah.

"Ang alin?"taka kong tanong.

"Kaibigan mo nman kami diba? Naging magkapatid na nga tayo diba? Kung saan yong isa andoon din ang lahat. Pero bakit Joyce parang wla sayo pagiging kaibigan natin,ang mga pinagsamahan natin"sabi ni Rhona.

"Hindi"diko na ituloy yong sasabihin ko nang magsalita si Theresa.

"Bawat ngiti at tawa namin ay unfair sayo. Sobrang unfair sayo kasi hindi namin alam na nag-iisa kang nahihirapan,mag-isang lumalaban."sabi niya.

Doon ko na intindihan kung ano ang ibig nilang sabihin. Kaya unti-unti ng tumulo ang mga luha ko.

"Joyce kaibigan mo kami. Andito kami handang tulungan ka at kahit kailan hindi kami mawawala sa tabi mo."Sabi ni Almie.

"Gagawin namin ang lahat para lang mapasaya ka.Pero paano namin yon gagawin kahit isa hindi mo sinsabi sa amin"sabi ni Joerilyn.

Tama sila. Ang selfish ko nga, ayoko lang nman kasi na pati sila maghihirap ng dahil lang sa akin.
Ayaw ko prolimahin nila yong mga bagay na dahilan ng pahihirap ko.

"Sorry. Alam ko na mali na naman ko sa lahat. Sorry kasi hindi ko iniisip na andyan kayo. Ayoko lang kasi na maramdaman din niyo, yong nararamdaman ko"sabi ko sabay turo sa dibdib ko.

"Ayoko mawala yong mga ngiti at tawa niyo, ng dahil lang sa akin. Ayokong makita niyo, malaman niyo na may masakit ako na ang hihina ko. Na hindi ko kayang harapin lahat, dahil sa takot ko. Sorry sa tuwing nakikita ko yong mga ngiti at tawa niyo, nahihirapan kong sabihin say inyo. Kasi ang saya-saya niyo na tapos pagsinabi ko mawawala yang saya na nararamdaman niyo"sabi ko.

"Umalis ako noon hindi dahil sa naaksidente ako dahil lang sa kailangan kong magpakagamot. Sorry kasi hindi ko sinabi sa inyo kahit matutulungan niyo ako.Sorry"sabi ko.

Niyakap nila ako ng sobra.

"Hayaan niyo muna na ako ang magsabi sa kanila"sabi ko.

Tumango lang sila.

____________________________________
Keep reading

I'm Falling Inlove with a StrangerWhere stories live. Discover now