Chapter 20

44 1 0
                                    

Joyce Pov

Nagkita kaming mga girls sa gate. Sabay-sabay kasi kaming papasok sa loob ng school. Trip lang namin, at syempre squad goals. Maiintindihan ako ng mga readers na maraming kaibigan. You feel me, right mga readers?

"1 2 3 festival na" sabay naming sabi sabay tilian.

Mukha na kaming mga baliw dito, pinagtinginan na kami ng mga tao.

Pumasok na kami sa school at ang busy ng lahat at ang daming ganap.

Pumunta muna ako sa gym dahil doon ilalabas ang role play. Sana magiging ok lang lahat.

Nag-aayos na ako ngayon ng biglang may tumakip ng mata ko.

Amoy ko pa lang alam ko na eh.

"May patakip-takip ka pa eh, alam ko naman kong sino ka" sabi ko at humarap ako sa kanya.

Tinignan niya lang ako. Ano ba yan natutunaw kaya ako dito kahit hindi ako yelo.

"Bakit?" taka kong tanong.

Niyakap niya lang ako.

"I love you" sabi niya.

"I love you too" sabi ko.

"I love you more" sabi niya.

Aba.

"I love you most"sabi ko

Nagngitian lang kami sa isa't-isa. Mga baliw na ba kami ngayon? O natural lang ito?
.
.
.
.
.
.
.
.
Jymi Pov

Horror booth ang meron kaming mga girl. Ewan ko ba sa mga lalaking ito. Kung ano-ano naiisip eh. Kami sa horror at sa boys ay marriage booth. Sila lahat nagplano kahit ni isang opinion sa girl ayaw nilang makinig. Sila na ang magaling. Mga ewan.

"Oh Bakit naka busangot ka diyan. Hindi bagay sayo" rinig kong sabi ni Joerilyn kay Rhona.

"Si babe kasi. Ayaw akong pansinin. Ayaw sumagot sa mga tawag ko o mga text ko. Nakaka bwisit . Siguro nakahanap na yon ng iba na ipapalit sa akin" sabi ni Rhona at mukhang iiyak na.

Ang drama niya diba?

"Wala ka bang tiwala sa boyfie mo" sabi ni Theresa.

"Kung ano-ano yang pinag-iisip mo" sabi ni Hannah.

"Hindi naman sa walang tiwala. Ang gwapo kasi ng babe ko. Baka ang dami ng dumikit sa kanya. Sa mga estudyante dito, ako mas walang tiwala. Tingin pa lang may binabalak ng hindi maganda" sabi niya na kulang na lang iiyak na.

"Talaga gwapo ako?"

Lahat kami tumingin sa nagsalita. Si Jm pala, may dalang bulaklak at teddy bear. Yon naman pala, nag effort.

"For you babe. Sorry kasi diko sinasagot yong mga tawag at yong text mo. Gusto ko lang makita kung ano yong itsura ng babe ko pag namiss ako"sabi ni Jm.

Ang PDA naman ng dalawang ito.

"Loko ka" sabi ni Rhona na nakasimangot.

"Sorry na, kaya nga nagdala ako ng teddy bear at bulaklak na maganda tulad mo" sabi niya.

Ang sarap itulak palabas ng dalawang ito.

"Oh siya tapos na ang palabas. Kung gusto niyo ng PDA moment pwede sa labas kayo. Nakaka distract kayo. Horror booth po ito, reminders lang hindi PDA Booth" sabi ni Almie.

"Bitter nito" sabi ni Theresa.

"Sige labas na kayo" taboy ni Almie.

Kaya lumabas yong dalawa.
.
.
.
.
.
.
.
.
Almie Pov

I'm Falling Inlove with a StrangerWhere stories live. Discover now