Joyce Pov
Nandito na ulit ako sa States.
Ang dami na ng pinagbago."Mommy yong gift niyo po sa akin?" sabi ko kay mommy.
"Later "sabi niya.
Later? Hindi natatapos ang later. Kailan yon?
"Ma, saan ba tayo pupunta? Sobrang ang ayos natin ngayon. May party ba tayong pupuntahan?" tanong ko.
"Birthday Party" maikling sabi niya kasi busy sa papaganda niya.
Birthday Party? Sino naman ang may birthday?
"Let's go" sabi ni daddy.
"Tara baka malate pa tayo" sabi ni mommy.
Dapat nasa bahay lang ako eh kasi naman ang kulit ng mga kasama ko. Kahapon pa nila ako kinukulit na dapat daw akong pumunta sa party, I mean nong isang araw pa pala.
.
.
.
.
.
.
.
.
Joerilyn PovAndito ako sa States ngayon si mommy kasi pinilit akong pumunta dito, at hindi ko alam kung bakit.
Tinatanong ko kung bakit, ang sagot lang niya basta. E hindi naman yon sapat na explanation ang basta.
At ngayon pinilit na naman niya akong mag party. Haaaay. Anong gagawin ko sa party na yon? Mag chikahan sa mga friends niya? Close ba kami ng mga friends niya? Sa pagkakaalam ko hindi.
Kasulukuyan lang ako nasa labas kasi daw hindi pa pwedeng pumasok ang mga tulad ko. Mamaya na daw pag magsimula na. Hindi ko alam kung bakit hindi pa ako pwedeng pumasok sa loob?
Ito naman kasing si mommy sinama ako tapos hindi rin naman ako makakapasok. Hindi siguro ako invited. Nakakahiya pag gaanon. Pumunta ako dito pero hindi naman pala ako invited. Ang kapal naman ata ng mukha ko.
Pero ok na yon kasi kung invinted ako, anong gagawin ko sa loob? Kumain lang? Diet ako ngayon.
"Joerilyn"
Biglang may tumawag sa akin.
"Rhona? Bat andito ka?" taka kong tanong sa kanya.
Anong ginagawa niya dito? Invited ba siya?
"Well pinilit ako ng parent ko pumunta dito at nag attend lang kami sa birthday ng kaibigan ni mommy. Invited ka din?" tanong niya.
"Oo, tulad ko pinilit din ako. Pero buti na lang andito ka para naman may kakilala na ako dito. " sabi ko.
"Hindi ka rin pinapasok?" tanong niya.
"Yeah" sabi ko.
"Bakit kaya?" Taka niyang tanong na parang naiisip pa siya.
Natatakot ako sa maiisip niya.
"Rhona at Joerilyn" takang tawag ni Almie at Theresa.
"Andito rin kayo?" taka kong tanong.
"Hi guyz" kakadating na si Hannah.
"Anong nangyayari?" tanong Theresa.
"Uy, bat andito kayo?" sabi ni Jymi.
"Pinilit. Invited " sabi naming lima.
"Oh!" gulat na sabi ni Joyce nakakarating lang din.
"Kinakabahan ako" sabi ni Jymi.
"Me too" sabi naming anim.
"Pumasok na tayo" sabi ni Tita mommy ni Joyce na nakangiti.