ROAD 3

43 4 6
                                    

Chapter 3: Mission




"Luh grabe sa rules si kuya." Napaatras ako sa sinabi nya.




"Oo naman talaga, ihihigpit ko ang rules sayo" Sabi nya habang naglalakad kami sa hallway. Recess na ang mga estudyante kaya okay lang muna magkausap kami.





"Taena simulan mo na mga rules, dami mo pang dakdak dyan!" Naiinis ako, naiinis ako kung 'di lang drop ako sa science di ko 'to gagawin pesteng buhay to!




"Excit--"



"Oo excited ako dahil gutom na ko!" Sigaw ko  sa mukha niya, kaya napatingin saamin yung mga estudyante. Wow ha! Tusukin ko mga mata nila!


"Haha easy nga, Ito na rule no.--"



"Pwede ba, sa canteen nalang tayo mag usap habang kumakain please" Inis na sabi ko sakanya, nyeta na drop na nga ako tapos may ganito pa s'yang nalalaman. Bigti ko 'to!





-Canteen-





"Woooooww! ang daming pagkain, salamat ha BAIT mo pala." Dami ng pagkain.



"Oh, Pwede na ba tayo mag simula?" Sabi nya. Kaya tumango nalang ako


"Rule 1." Sabi nya habang nakatingin saakin at naka number one ang finger nya.


"Wag mong sasabihin na ako nag utos sayo na kumbinsihin s'ya na mag mini concert dito sa school nyo" Sabi nya habang nakatitig sakin, Hala yang titig mo, pang laglag pantay jusko! Naka cap pa parang mas gwapo pa pala 'to kay Up ha, Choss. Loyal ako mga peste kayo



"Bakit 'di mo sya kinukumbinsi?" Tanong ko sakanya habang kumakain ako.






"Dahil papatayin nya ako."





"Aba, Naniwala ka naman, tanga tanga mo rin eh no, manager ka nya 'di ka n'ya pwedeng patayin dahil kailangan ka nya. Bobo!" Sigaw ko sakanya kaya napatingin ako sa paligid nakatingin na sila samin. Eto na nga ba sinabi ko chismis eberywer.



"Hala sino ka sama nya"


"Luh ,sino kaya yan mukha fafa"

"Landi nya ha!



Aba kung saksakin ko sila nitong tinidor.



"Ano sisigaw sigaw ka pa?" Singhal n'ya lakas nang loob nyang mag ganyan dahil naka cap sya at Jacket! Sarap ibaon sa lupa nang buhay pa.


Inirapan ko nalang sya at pinatuloy nya yung mga rule.




"Rule 2, Makumbinsi mo sya before the mini concert sa school nyo."



"Eh, Bakit nga hindi nalang ikaw ang gumawa at ano ba ang mangyayari kung 'di matutuloy concert nya dito sa school namin?" sagot ko sakanya




"Gusto nyo ba mawala na sa industry si Up at mawawalan ka na ng Up sa buhay mo" Sabi nya habang naka lagay ang kamay nya sa chin nya.



"Luh, Bakit mamatay na sya, Ano sakit nya? Bakit ganun 'di mo sinabi agad? Hala kelan pa? May taning na buhay n'ya? Kelan nyo nalaman na na may ta---"



"Araaaaay!!!" Sigaw ko dahil binatukan nya ako.




"O.a mo parang tanga, dahil na nagaaral na s'ya baka wala nang project ang dumating sa kanya. Pag natuloy ang concert at malamang sa malamang most watch yan aba, Mag kakaproject ulit si Up at concert over the world" Pag eexplain nya.



"So ibig sabihin mo, Nakasalalay sakin ang future ng alaga mo?" Tanong ko sakanya.



"Exactly, Pag nagawa mo yun, 'di kana matutuluyan ma drop sa klase ni Mr. De Castro" Sabi nya with actions. Pakshet!



"Yun lang nyeta sarap mong batukan! Wala lugi ako peste ka!" Singhal ko sakanya.



"Okay, okay ano ba gusto mo bukod dun?" Sabi nya.


"Lahat ba nang gusto ko susundin mo?"



"Yeaaaah" Sabi nya naman.




"Penge ako nang album ni Up simula nung pinakunang era hanggang ngayon" Sabi ko at iba na ang mukha nya ngayon..



"Ano!" Sigaw nya




"Ano kokontra? 'di ko gagawin yun!" Sigaw ko din sakanya habang nakatutok ang tinidor sakanya.


"Okay deal!" No Choice, Tatanga tanga ayaw ako mawala.


"Good, s'ya sige start ako bukas, walang aaligid at ako nalang mag sasabi sayo kung mission accomplished." Sabay kindat, Oh diba lande hahaha. Huk!! Hinawakan nya pulusuhan ko.




"Bak-kit?" Sabi ko sakanya.




"May rule number 3 pa!" Sabay hinila niya ako papunta sa upuan n'ya kaya magkatabi kami. Bigla nyang nilapit ang mukha n'ya sa tenga ko. Aba! libog nang lalakeng to.



"Rule number 3, Bawal mainlove dahil AKIN KA LANG." Bigla syang umalis at namulsa s'yang naglakad. Peste ano sinabi n'ya? Hala nakatulala lang ako dito sinampal ko sarili ko at inalog alog.


"Wag kang maniniwala dun Cherray, Pinagtitripan ka lang nya, okay?" Sabi ko at sabay lakad na papuntang classroom. Haaaaaaaaaaysss, Ba't ba late nalang ako palagi?



"Lord, Gabayan nyo po ako sa pag pasok sa impyerno" Sabay hawak nung door knob and twist sabay silip and si Miss Ortega, Shit.




"Good morning Miss, Sorr--"


"It's okay go to your seat, Mister Lim explain to me." Sabi ni Miss.

"Mister Lim?" Nagtatakang tanong ko bigla akong napatingin kay Up. Ewan ko bigla nalang dumiretso mata ko sakanya. Aaah gets ko na si Xander.



"Ah opo miss sige sige" Pekeng tawa ko sabay. Opo sa tabi ni Up. Bigla tumaas lahat nang dugo sa mukha ko dahil nginitian nya ako.

"Okay class, Get your papers and ballpen" utos ni Miss kaya kumuha ako.





Pag kakuha nang ballpen bigla eto nahulog dahil 'di ako na katingin habang nilalagay iyon sa table ko, Bigla ko naman yun kinuha sa ilalim pero iba ang nahawakan ko kamay ni Up at nagkatinginan pa kami sa ilalalim, Ang ganda nang mata nya, yung ilong, yung labi. Hala! close up bess, Kiiiiiss! JOKE!!








"Ah haha T-hank y-ou." Sabi ko at kinuha ko ang ballpen sabay umayos na ng upo. Tinignan ko ulit si Up at nagsmile s'ya, Hala? bakit ganun kanina binubully nya ako pero ngayon ang tahimik nya. Tumingin nalang ako sa blackboard at nagsulat.



Gosh!




"You're always welcome" Bulong saakin kaya medyo na kiliti ako sa tenga, Luh tinignan ko s'ya pero nagsusulat na din sya. Ang gwapo nya talaga, jusko pag naka sideview. Ba't kasi nag sa-salamin s'ya.



"Baka matunaw ako." Sabi nya kaya naka balik ako sa reyalidad at nag sulat na.








Paano kaya kita makukumbinsi? Naka salalay future and carreer mo saakin. Hayss

Mission of a Fangirl Where stories live. Discover now