NFWYE Three

257 9 10
                                    

Patuloy lang ako sa paglalakad nung mapasin kong may babaeng papalapit sa'kin kaya naman napatigil ako. Teka---anong ginagawa niya dito? Magrereact na dapat ako nung bigyan niya din ako ng sulat. Kaya naman binasa ko ulit ang nakasulat.



Siguro sa oras na ito iniisip mo kung anong ginagawa ng babaeng nasa harapan mo ngayon. Love, maniwala ka man o hindi pero yang babaeng yan? Alam kong magkakasundo kayo. She's also important to me because she's my cousin. Yeah, she's my cousin. Kaya wag kang magselos ,okay? Kasi ikaw lang ang babaeng mamahalin ko.



Tumingin naman ako sa babaeng nasa harapan ko at ngumiti naman siya saka nagsalita. "Mahal ka nun. By the way I'm Jaddie" Pagpapakilala niya saka siya umalis. Habang pinagpapatuloy ko ang paglalakad ay dun ko naman nakita si ate at may binigay rin syang sulat sa'kin.




Love, last na 'to promise. Hayaan mo akong sabihin sa'yo kung gaano kita kamahal. Love, mahal kita. Mahal na mahal kita at sa tingin ko nga ay mas mahal kita kesa sa ate mo nunLove, sorry kung minsan eh nagiging seloso ako eh kasi naman pagdating sa'yo nagiging makasarili ako. Dapat kasi akin ka lang. Akin na akin lang. Ikaw yung taong nakakapag-pangiti  sa'kin tuwing may problema ako, yun bang makita ka lang eh nawawala na lahat ng pagod at problema ko. Ikaw lang kasi love ay sapat na. Kahit ata palibutan ako ng napakaraming magagandang babae ay isang babae lang ang hahanapin ko. At yun ay IKAWWala atang makakatalo sa'yo , kaya nga mahal na mahal kita eh.



Napatawa na lamang ako sa huling sulat na binigay sa'kin. Kahit kelan talaga napakasweet at napakabolero ni Jayden. Kaya nga mahal na mahal ko rin siya eh.


Naglakad ulit ako, hanggang may makita akong isang upuan at sa tingin ko ay kailangan kong umupo dito. Kaya naman umupo ako at dun na biglang may nagsimulang tumugtog.


NFWYE Book2: Loving My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon