NFWYE Twenty

228 7 0
                                    

1 month later.........

JAYDEN's POV

"Love, anong gusto mong gawin ngayon?" Tanong ko kay Zoe. Hindi naman siya umimik bagkus ay ipinagpatuloy lang niya ang pagyakap sa'kin habang abala kami sa panonood ng 13 reasons why.

Mukhang hindi ata niya narinig ang sinabi ko dahil nung tinignan ko siya ay nakatutok lang siya sa pinapanood namin. Nakasara kasi yung coffee shop ko kaya naman dumiretso ako kay Zoe para naman magkaroon pa kami ng maraming oras na magkasama.

Sobrang na miss ko kasi siya dahil hindi siya gaanong bumibisita sa coffee shop. Ewan ko ba kung anong pinagkaka-abalahan niya. Nagtatampo narin ako minsan dahil sa hindi niya pagbisita sa'kin ng madalas pero agad rin naman 'yon nawawala dahil nga nagpapaliwanag naman siya kaagad.

"Love?" Tawag ko muli sa kanya pero hindi na naman niya ako pinansin.

Dahil sa inis ko ay agad kong kinuha ang remote saka ko pinatay ang tv. Nagseselos na talaga ako sa pinapanood niya, kanina ko pa siya tinatawag at kanina pa ako nagpapa- pansin pero walang epekto yun sa kanya. Tuloy parin siya sa panonood kaya naman hindi ko na mapigilan ang sarili kong hindi mainis.

Napatingin siya sa'kin saka niya tinaas ang isa nyang kilay. Tignan mo 'to, nakuha pang magalit samantalang sobrang nagtatampo na ako sa kanya. Kumawala siya sa yakap saka siya nagsalita "Love, ba't mo naman pinatay?" Tanong niya sa'kin pero hindi ko siya sinagot.

Bumuntong- hininga na lamang ako saka ko muling binuksan ang tv. "Oh, ayan masaya kana?" Sarkastiko kong tanong saka ako tumayo at naglakad palabas ng bahay.

Hay, daig ko pa ang babae kung magtampo ako. Pero sino ba naman lalake ang hindi magtatampo kapag yung girlfriend ay mas inuuna ang panonood kesa sa boyfriend niya!.

Maya- maya pa ay naramdaman ko na lamang ang pagyakap niya sa'kin mula sa likuran. "Sorry na, love. Peace na tayo." Pa- sweet pa nyang pagmamakaawa. Tinanggal ko ang kamay nyang nakayakap sa'kin saka ako lumayo sa kanya.

"Ipagpatuloy mo nalang yung panonood mo. Tutal nageenjoy ka naman dun, diba?."

Hindi siya nakasagot sa sinabi ko. Siguro naman ramdam na niya ang pagtatampo ko sa kanya dahil sa boses ko. Para kasing manhid pa siya kanina dahil siya pa nga ang nainis e.

"Sorry na, love. Bati na tayo" Muli nyang pagmamakaawa pero hindi ko siya pinansin. Lalo akong lumayo sa kanya saka ko na naisipan na umalis na lamang. Dali- dali akong naglakad palayo sa kanya at papunta sa kotse ko.

Nung maramdaman kong sinusundan niya ako ay binilisan ko ang paglalakad ko. Pumasok na agad ako sa kotse ko saka ako nagmaneho ng mabilis. Pero bago pa ako umalis ay tinignan ko muna siya mula sa side mirror nitong kotse.

Umiiyak siya habang nakaluhod. Hay, pinaiyak ko na naman siya. Dahil hindi ko na makayanan ang nakikita ko ay nagmaneho na ulit ako pero hindi na mabilis. Nalulungkot talaga ako sa nakita ko pero wala akong magagawa kundi ang ipakitang nagtatampo ako sa kanya.

Nakokonsensya tuloy ako dahil muli ko na naman pinaiyak ang taong mahal na mahal ko. Ngunit hindi ko naman sinasadyang saktan siya sadyang may rason lang ako.

"Ano, nagawa mo ba?" Tanong sa'kin ni ate nung makarating ako sa lugar na pinag- usapan namin.

Nandito ako sa lugar na importante sa amin. Ang lugar kung san kami madalas magpunta, dito sa lugar kung san namin pinapanood ang paglubog ng araw

NFWYE Book2: Loving My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon