NFWYE Sixteen

175 6 2
                                    

"You just ruined my whole life" Ani ko kay Aubrielle at napatawa na lamang siya ng malakas. Kung totoong nakita na 'yon ni Zoe ay alam kong sobrang galit na siya sa'kin. Hindi na niya ako mapapatawad dahil sa nakita niya and I know for sure that she's crying, again and it's all because of me.

"That's what I want. To ruin your life and I'm proud that I finally did it." Saad pa niya

"Makasarili ka nga, talaga. Akala ko isa kang tunay na kaibigan. Aubrie, pinagtanggol pa kita nun kay Zoe dahil sa kawalan ng tiwala niya sa'yo. Mas inuna pa kita nun kesa sa kanya dahil kaibigan kita. Aubrie, ano bang ginawa ko sa'yo para parusahan mo ako ng ganito?" Naiiyak ko pang tanong?.

Naging mabait ako sa kanya. Ni minsan ay hindi ko siya pinagdudahan. Wala akong ginawa kundi ang pagkatiwalaan at ipagtanggol siya dahil ang alam ko isa syang mabait na tao. Naging dahilan siya ng pag- aaway namin ni Zoe at ngayon, siya na naman ang dahilan.

"Jayden, I like you pero ba't ganun? Simula nung umuwi ako dito sa pinas ay laging si Zoe nalang ang bukambibig mo?. I came here because I thought I would have a chance pero anong napala ko?. Pag- uwi ko, makikita kitang may hinahalikan at may yinayakap na babae at sinabi mo pa na siya na ang babaeng papakasalan mo. I'm just too desperate that's why I did this. I want you, alone. "

"Si Zoe lang ang babaeng nagmamay- ari ng puso ko."

"That's why I'm doing all of this for you and for me. I'm doing this for us. Hindi si Zoe ang nararapat sa'yo kundi ako." Sagot niya.

Tama nga siya. Desperada na siya. Hindi ko lubos maisip kung ba't dahil sa pag- ibig ay magagawa niya 'tong bagay na 'to?. Napakasarili niya. Gagawin niya ang lahat para mapunta ako sa kanya kahit alam nyang may masasaktan siya.

"You're wrong. Zoe is the only one for me and you'll never be." Sagot ko na nakapag- patigil sa kanya.

Alam kong nasaktan siya sa sinabi ko pero ganun talaga, minsan kailangan mong ipaintindi sa isang tao na mali ang kanyang ginagawa. Gusto kong mapagtanto niya na hindi ako ang lalakeng nararapat sa kanya at kahit kailan hindi ko kayang suklian ang pagmamahal niya para sa'kin.

"No." Sagot niya.

Tch, ganun ba talaga siya kakulit?. Kahit basang- basa na ang damit ko ay naglakad parin akong palayo. Palayo sa kanya. Palayo sa taong minsan kong pinagkatiwalaan pero may tinatago palang masamang ugali.

"Sige, umalis ka. Pero sinisigurado ko sa'yo na hindi ka na mapapatawad ni Zoe. She'll hate you. Tandaan mo yan, Jayden" Pagbabanta niya pero hindi ko na siya muling liningon.

She'll hate me? I don't care. Love is always greater than hate. Kung kailangan suyuin ko siya ulit ay gagawin ko. Kahit umabot pa ng isang linggo, isang buwan o kahit isang taon.

Hindi masisira ni Aubrie ang pag- iibigan namin ni Zoe. Marami na kaming napagdaanan na mga problema kaya etong isang 'to ay siguradong malalagpasan namin. We'll fight together.

Naglakad ako papunta sa cafe dahil dun naiwan yung kotse ko. Ngunit talagang minamalas ako ngayon dahil nga medyo malayo- layo ang cafe sa bahay nila Aubrie. Kaya malayo ang lalakarin ko pero kailangan kong kayanin 'to. Hindi agad ako sumusuko.

Medyo gumagabi narin pero patuloy parin ako sa paglalakad. Kung pwede nga lang magtaxi nalang ako ay talagang 'yon na ang gagawin ko kaso hindi pwede e. Papapasukin ba naman ako ng taxi driver kung ganito ako kabasa at saka wala rin akong pambayad dahil nga naiwan ko yung wallet ko sa kotse, may phone nga ako pero low battery eh.

Ilang oras din ang inabot bago ako makarating sa cafe. Agad naman akong pumasok sa kotse ko, buti nalang hindi na ako masyadong basa. Nagmadali akong nagmaneho papunta sa bahay nila Zoe.

Pagkarating ko ay nanatili muna ako sa harapan ng kanyang bahay. Kinakabahan kasi ako dahil baka hindi na niya papasukin dahil sa videong nakita niya. Nakakainis naman kasi, kung kailan okay na okay na kami ay saka naman mangyayari 'tong bagay na 'to.

Ilang minuto rin ang lumipas bago ko napagdesisyunan na pumasok na sa loob. 'Kaya mo 'to, Jayden' pagpapalakas ko sa sarili ko.

Kakatok pa sana ako nung mapansin kong hindi naka- kandado ang pinto kaya nakapasok ako agad. Pagpasok ko ay hindi ko agad siya nakita. Asan kaya siya? Umalis ba siya? Pero malabo e, ba't hindi nakalock ang pinto kung umalis nga siya?

Nung hindi ko siya nakita sa sala ay dumiretso naman ako sa kusina ngunit wala siya dun. Napansin kong may nakahanda sa mesa kaya't napakunot- noo ako.

May nakahandang mga plato na may laman ng kanin at ulam. Napangiti na lamang ako nung makita ko ang linuto nyang pagkain. Yung paborito kong kainin, linuto niya. Ngunit agad din naman nawala ang ngiti ko nung may narealize ako.

Hindi nagalaw ang mga nakahanda kaya ibig sabihin nun hinintay niya ako. Pinilit nyang tiisin ang gutom niya para sa'kin dahil naghintay siya. Naghintay siya sa wala.

Dun ko nalang naramdaman ang mga luhang pumapatak na. Mahal na mahal niya talaga ako. Naghintay siya ng ilang oras.  Lagi ko nalang syang pinaghihintay, lagi ko nalang syang pinapaasa. Deserve pa ba niya ang tulad ko?

Umakyat na lamang ako sa ikalawang palapag ng bahay papunta sa kwarto niya. Pagbukas ko ng pinto ay dun ko siya nakitang natutulog.

She's sleeping like a princess.

Agad akong lumapit papalapit sa kanya. Siguro inantok narin siya sa kakahintay sa'kin. Nung maalala ko ang videong sinend sa kanya ni Aubrie ay dun ko agad kinuha ang phone niya na nasa tabi lang niya. Buti nalang alam ko ang password kaya mabilis ko 'tong nabuksan.

Tinignan ko kaagad ang messages niya pero wala akong nakitang galing kay Aubrie. Pero teka--- hindi alam ni Aubrie ang number niya kaya posibleng sa messenger niya ito sinend. Dali kong binuksan ang messenger at tama nga ako dahil nakita ko na nagmessage si Aubrie.

Agad ko naman binura ang video saka gumaan ang loob ko. Muntikan na pero buti nalang nakatulog si Zoe kaya hindi niya nakita.

Sorry, love.

NFWYE Book2: Loving My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon