NFWYE Six

195 8 0
                                    

A/N: Dahil matagal tagal akong hindi nakapag update ay babawi ako.
***

JARED's POV

"YEAH, ENOUGH! ENOUGH BECAUSE I'M SO DONE! SH*T THIS FEELING. AND JUST SO YOU KNOW, I'M BREAKING UP WITH YOU!" Sigaw ni Zoe sa papalayong lalake pero alam kong sapat na ang lakas ng boses ni Zoe para marinig siya ng lalake.

Agad akong tumakbo palapit sa kanya nung makita kong mapaupo siya dahil sa sakit. Kung may magagawa lang talaga ako para matanggal ko ang sakit na nararamdaman niya kaso wala eh dahil alam kong isang tao lang ang makakapag- alis nun at yun yung taong dahilan ng pag- iyak niya.

Ang kulit niya talaga. Sinabi ko na nga kanina na hayaan nyang magpaliwanag yung Jayden na 'yon at wag syang magpapadala sa emosyon niya pero wala eh. Walang naitulong ang advice ko sa kanya.

Hindi ko rin naman siya masisisi eh. Hindi ko man alam kung gaano kasakit ang nararamdaman niya ay naiintindihan ko siya. She felt like a second option and that's what hurts the most.

Pagkalapit ko sa kinaroroonan niya ay agad ko syang yinakap. Rinig na rinig ko ang paghikbi niya habang yakap- yakap ko siya kaya naman kagaya kanina ay ako na naman ang naging sandalan niya.

Napabuntong hininga na lamang ako. Siguro sadyang hanggang dito lang ako. I'll always be her crying shoulder.

Habang patuloy siya sa pag- iyak ay lalo akong nasasaktan. Nasasaktan ako dahil wala man lang akong magawa para mabawasan man lang ang sakit na nadarama niya. Nasasaktan ako dahil ayokong nakikita ko ang taong 'to na umiiyak. She's just too important for me.

"Zoe, why didn't you let him explain his side?"

"I did but it's just too complicated. Kahit ata mag explain siya ay hindi parin yun magiging sapat. Jared, mahirap ba akong intindihin?. Can't he understand my point?. Alam mo yung mas masakit? Yun yung iniwan na naman niya ako sa pangalawang beses at mas pinili pa niya ang babaeng 'yon. Jared, nasasaktan na ako and I need to break up with him even though it hurts like hell. "

Ramdam ko ang hinanakit sa boses niya kaya't lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya. Minsan nga naman sobrang unfair ng tadhana. Sa dinarami- rami ng babae dito sa mundo, bakit siya pa? Bakit hindi nalang hayaan ng kupido o ng tadhana na maging masaya siya?.

And yes, she's right. It hurts like hell. Sobra- sobra akong nasasaktan dahil sa pinapakita niya ngayon. I let her go for her own sake pero bakit kailangan pa niya 'tong pagdaanan?. Gusto ko lang naman na maging masaya siya. Hindi pa ba sapat ang sakit na pinagdaanan niya noon?.

Nagparaya na ako noon dahil alam kong hindi ako ang magpapasaya sa kanya pero bakit sa nakikita ko ngayon ay parang hindi siya masaya?. Tama ba ang desisyon kong magparaya?  O sadyang pagsubok lamang lahat 'to para sa kanilang dalawa?.

"Zoe, wag ka kasing padalos- dalos. Give him a second chance." Saad ko

Sabi nila kapag talagang mahal mo ang isang tao ay ang kapakanan nila ang iisipin mo. Learn how to let go kaya kahit masakit kailangan kong ipagtulakan siya sa taong alam kong makakapagpasaya sa kanya. At yun ay si Jayden.

"A second chance? No. I won't." Pagmamatigas niya

"Zoe, masasaktan kalang dahil sa ginagawa mo. Hindi naman ata big deal yung ginawa niya sa'yo."

"Jared, please. Pati ba naman ikaw ay hindi ako naiintindihan?" Tanong niya

"That's not what I mean. Zoe, I just want you to be happy"

"And you think giving him a chance will make me happy?" Tanong niya na nakapagpatigil sa'kin.

Will it? Hindi ko alam. Wala na akong maisip na ibang paraan. Alam ko naman na siya lang ang makakapagpasaya kay Zoe kaya kahit paulit- ulit ko pang kulitin si Zoe na bigyan ulit siya ng pangalawang pagkakataon ay gagawin ko. I will do everything just for her.

"Yes" I answered.

Pinaharap ko siya sa'kin at nadurog ang puso ko ng makita ko na umiiyak parin siya. Sobra- sobra na syang nasasaktan pero wala man lang akong magawa kundi ang bigyan siya ng payo na alam kong hindi niya rin naman susundin.

"No, no, no" She said and by that, nawalan na siya ng malay.

Napaluha na lamang ako habang buhat- buhat ko siya papunta sa kotse ko. Nung maihiga ko siya sa passenger seat sa likod ay agad ko ng pinaandar ang kotse.

Habang nagdadrive ako ay naramdaman kong nag- vibrate ang phone which means someone's calling me. Agad ko 'yon kinuha sa bulsa ko saka ko sinagot ang tawag. It was Yenny.

["Red, kamusta na siya?"] Tanong niya mula sa kabilang linya

"Nahimatay siya" Sagot ko at narinig ko pa ang pagmura niya.

["What!? Walang hiyang Jayden na yan. So where are you, now? Are you driving?"]

"Ummm, yeah. Dadalhin ko nalang siya sa condo ko. Dun muna siya magpapahinga. She's tired. Tired from crying.

["No. Dalhin mo siya dito sa condo ko. Lalabas na lamang ako para matulungan kita sa pagbuhat sa kanya. Dun mo nalang siya bantayan."]

"Okay. Bye"

["Bye"].

Tinago ko na lamang ang phone ko saka ako nagfocus sa pagdadrive. Kagaya ng pinag- usapan, dinala ko siya sa condo ni Yenny, pagkarating ko dun ay tinulungan niya ako pa buhatin si Zoe.

Habang binubuhat ko siya ay hindi ko maiwasan na mapaisip na wala akong kwentang kaibigan. Wala man lang akong magawa para mabawasan man lang ang sakit na kanyang nadarama.

Agad namin syang hiniga sa sofa at umupo narin kami.

"Bakit kailangan pa nyang masaktan?"

"Love hurts." Simpleng sagot niya

"I know pero hindi pa ba sapat lahat ng pinagdaanan niya noon?. Can't she just be happy?."

"Jared, alam ko naman na nasasaktan ka eh pero anong magagawa natin? Parte na yan ng pagmamahal. "

Tumahimik na lamang ako saka ko siya tinignan.

"Do you think it's a good idea if I talk to Jayden?" Biglang tanong ko kaya't napatingin sa'kin si Yenny.

"Hindi ko alam. It's up to you. Kung alam mong yan ang makakabuti sa kanilang dalawa edi gawin mo. Hindi naman kita pipigilan." Aniya kaya't napatayo ako.

"I'll go. Take care of her. Paggising niya, sisiguraduhin kong ayos na ang lahat. Hindi ko man masyadong kilala yang Jayden na yan ay kakausapin ko na lamang siya. I'll do it for my love."

"Mag- ingat ka" Tumango na lamang ako saka ako lumabas ng condo niya. Sana lang talaga ay andun parin si Jayden sa cafe.

Nag- drive ako ng mabilis papunta sa cafe at salamat sa diyos dahil andun parin siya at pansin kong mag- isa na lamang siya habang tulala na naka-upo. Agad ko syang pinuntahan.

"Jayden, right?"

Napatingin siya sa'kin saka tumango. "What are you doing here?" Tanong niya.

Ngumiti ako saka ako nagsimulang magsalita. "I'm here for Zoe."

Kita ko ang paglungkot ng mukha niya nung sinabi ko ang dahilan ng pagpunta ko.

"Bakit?"

"She's mine, now." Sagot ko na nakapagpatigil sa kanya saka niya ako tinignan ng nakakamatay ng tingin.

NFWYE Book2: Loving My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon