7:00 AM
Zoe's POVNagising na lamang ako dahil sa ingay na naririnig ko. Kanina pa kasi tunog ng tunog yung door bell at kanina ko pa 'yon naririnig pero sadyang pinipilit ko lang na wag 'yon pansinin dahil nga inaantok pa ako.
Napagod ako kagabi dahil sa kakaiyak at hanggang ngayon ay pagod pa rin ako. Tumingin muna ako sa orasan para tignan kung anong oras at lalo akong nainis nung mapag- alaman kong maaga pa. Inis akong bumangon at binuksan yung pintuin.
"Ang aga- aga pa, mang---" Napatigil ako nung makita ko si Jayden na nakabihis pa talaga ng maganda na para bang may pupuntahan siya na importante pero nangibabaw talaga ang itsura niya. Ang gwapo- gwapo nyang tignan sa suot niya at mas lalo pa syang naging cool dahil sa suot nyang eyeglasses.
Oh, gosh. Ano ba 'tong pinagsasabi ko? Diba galit ako? Tch.
Napatingin ako sa hawak- hawak nyang flowers at kung ano- ano pa. Ano 'to? Parang manliligaw lang? Manghaharana? Saka teka--- ano bang ginagawa niya dito sa ganitong oras? Ang aga- aga pa e.
"Anong ginagawa mo dito?" Inaantok ko pang tanong. Hay, kailangan ko pa talaga ng tulog.
"Sorry kung nagising kita. Excited lang kasi akong makita ka at maibigay 'tong dala- dala ko. May cupcake akong ginawa, yung paborito mo." Nakangiti pa nyang sagot.
Kinuha ko na lamang ang mga dala niya at isasara ko na dapat ang pinto nung bigla niya akong pinigilan. "Hindi mo ba ako papapasukin? " Pagpapacute nyang sagot. Tinaasan ko na lamang siya ng kilay saka ko siya pinapasok.
Napapailing na lamang ako dahil nakangiti pa rin siya at wala atang pakialam sa pagiging mataray ko. Seryoso, anong nakain netong lalakeng 'to at laging nakangiti?.
"Salamat dahil pinapasok mo ako" Pagpapasalamat pa niya pero hindi ko siya pinansin
"Alam mo ba, nageffort pa akong gumising ng maaga para ipagbake kita ng paborito mong cupcake at saka nagsulat pa ako ng letter para sa'yo. Ganun kita kamahal, Zoe. " Paliwanag pa niya
Lalong lumakas ang pagtibok ng puso ko nung sinabi niya 'yon. Ang lakas talaga ng epekto niya sa'kin pero nagkunwari na lamang ako na parang wala akong pakialam sa sinabi niya pero sa totoo lang ay kinikilig ako. I just want to hug him right now and tell him how much I love him but no--- I can't. Not now. Hindi pa ngayon ang tamang oras para dyan.
"Eh sino ba naman kasing nagsabi sa'yo na mageffort ka?" Pagmamataray ko pa.
Umiling- iling siya "Wala. Zoe, alam kong mali ang ginawa kong pag- iwan sayo pero eto tatandaan mo, kahit kailan hindi ka magiging second option kasi ikaw ang laging una. You'll always be my first priority. Patawad kasi hindi mo 'yon naramdaman pero pangako ko sa'yo na kapag bibigyan mo ulit ako ng pangalawang pagkakataon ay lagi kong ipaparamdam sayo na ikaw lagi ang una. I love you, Zoe. Please, give me a chance to prove that I really love." Seryoso syang nakatingin sa'kin habang sinasabi niya ang mga salitang 'yon.
I love you too, Jayden but I can't give what you want.
Sabi nila malalaman mo daw na talagang mahal ka ng isang tao kung handa syang maghintay kahit gaano pa katagal. And that's what I need. I need Jayden to show that he can wait.
Sa simpleng pagbigkas niya lang ng salitang mahal kita ay agad ko ng nakakalimutan ang kasalanan niya. Napakadaling magalit sa kanya pero ganun rin kadaling patawarin ko siya. Oo, inaamin ko. Gustong- gusto ko na syang bigyan ng isa pang pagkakataon pero may kailangan lang talaga akong alamin.
Is he willing to wait?
"T-tapos kana? Pwede na ba akong matulog?"
Napakagat labi ako dahil parang halata sa boses ko na naapektuhan talaga ako sa sinabi niya. Pinilit kong maging mataray pero para atang hindi ko na kaya dahil nauutal na ako.
Kitang- kita ko ang pagkadismaya sa mukha niya kaya mabilis kong inalis ang pagkakatingin ko sa kanya. Dahil alam kong baka hindi kona ituloy ang plano ko kapag nakita ko pa ang lungkot sa mga mata niya.
Please, Jayden. Pwede bang ngumiti kana lang dahil gustong- gusto na kitang yakapin dahil sa lungkot sa 'yong mukha.
"Sige. Sorry talaga kung nagising kita." Paghingi niya ulit ng paumanhin.
Naglakad na lamang ako papunta sa kwarto ko nung hindi ko mapigilang hindi siya lingunin. "Aalis kana ba?" Tanong ko
"H-hindi. Dito lang ako. Hihintayin kitang magising." Sagot niya at lihim akong napangiti. Tumakbo na lamang ako papunta sa kwarto ko dahil alam kong namumula na ang pisngi ko dahil sa kilig.
Wala na. Buking na buking kana, Zoe.
Ba't ko pa kasi 'yon tinanong?. Yan tuloy, sobrang halata na ayaw ko syang umalis.
Humiga na lamang ako sa kama saka ko pinikit ang aking mga mata. Paano pa ako makakatulog neto? Parang hindi na ata ako inaantok dahil sa nangyari.
JAYDEN's POV
Napalitan ng ngiti ang pagkadismaya sa mukha ko. Nung tinanong niya kung aalis na ba ako ay ramdam kong hinihintay nyang sumagot ako ng hindi.
Konting- konti nalang talaga ay mapapatawad na ako ni Zoe. Pagkaakyat niya sa ikalawang palapag ng kanilang bahay para pumunta sa kwarto niya ay dun na ako napangiti ng todo.
May pag- asa pa.
Naghintay muna ako ng ilang oras saka ako pumunta sa kusina. Ipaghahanda ko pa kasi siya ng breakfast niya. Bumabawi lang ako sa kanya dahil nga ginising ko siya ng maaga.
Pagkatapos kong maghanda ay dun na ako dumiretso sa kwarto niya. Natutulog pa rin siya hanggang ngayon. Siguro napagod siya kahapon at late ng natulog.
Umupo ako sa tabi niya at napapangiti na lamang ako habang tinitignan ko ang maamo nyang mukha. Kahit kailan ay hindi ko iisipin na iwan siya. Hinding- hindi ko siya ipagpapalit dahil alam kong siya na ang babaeng ihaharap ko sa altar.
Maya- maya pa ay nagising na lamang siya. Nakasimangot siyang tumingin sa'kin habang ako'y nakangiti. Ang cute talaga ng love ko "Breakfast in bed" Masigla kong sabi habang hawak- hawak ang inihanda ko.
"Hindi ako gutom" Sagot niya.
"Love, kailangan mong kumain ng almusal. Sabi nga nila 'breakfast is the most important meal of the day' "
"Fine! " Sagot niya.
Yes!. Hindi masasayang yung effort ko ngayon.
BINABASA MO ANG
NFWYE Book2: Loving My Enemy
Teen FictionIs their love enough to face the hard challenges? or would they give up? Book two of Never Fall With Your Enemy...Kindly read the book 1 before reading this para hindi kayo maguluhan