NFWYE Fifteen

155 5 2
                                    

(A/N: Medyo may pagka- spg pero konti lang naman.)

JAYDEN's POV

Tinignan ko kaagad ang orasan pagkatapos namin makausap yung dad ni Aubrie. Hindi naman pala ganun kasungit yung dad niya, palangiti rin pala siya. Hay, lagpas tanghalian na. Siguro nakakain na si love pero sana lang talaga wag syang magpagutom.

Agad ko naman tinignan ang phone ko at dun ako lalong nag- alala nung makita kong may 20 missed calls at 16 unread messages. Hindi ko naman kasi inaakala na matatagalan ako dahil nga ang buong alam ko lang ay mag- uusap lang kami ni Aubrie tas makakauwi na ako pero hindi e.

Sinubukan ko syang tawagan para sana humingi ng tawad kaso parang nakaturn- off ata phone niya kaya walang sumasagot. Siguradong hinihintay niya ako dahil pinangako ko sa kanya na babalik ako kaagad pero nakakainis lang talaga dahil nasira ko na naman ang pangako ko. Paano pa niya ako pagkakatiwalaan?

"Aubrie, uwi na ako" Paalam ko sa kanya ngunit mabilis niya akong pinigilan.

"Wag. Dito ka muna." Utos niya.

No. I can't stay here. May taong naghihintay sa'kin at ayokong paghintayin yung taong 'yon. Kaya siguro kahit pilitin ako ni Aubrie ay kailangan kong hindi pumayag na dumito muna dahil nangako ako kay love at gusto ko 'yon tuparin.

"Sorry, I can't stay. Hinihintay ako ni Zoe." Saad ko at akmang aalis na ako nung magsalita si tito Austin, yung dad ni Aubrielle na naging dahilan kung ba't ako napatigil sa paglalakad.

"Just stay, iho. Gusto ko kasing makilala ka muna mabuti." Aniya

"Sorry po , kailangan ko na talagang umuwi."

"Iho, stay here." Utos niya na may halong pagkainis na sa kanyang boses.

Wala na akong nagawa dahil mukhang magagalit na si tito Austin kaya naman kahit ayoko ay kailangan kong pumayag na lamang. Parte narin 'to ng pagpapanggap.

Nakita ko ang pag- ngiti ni Aubrie nung napapayag ako ng dad niya. Ano bang gulo 'tong pinasok ko? Kung pwede ko lang ibalik ang oras ay pipiliin ko na talagang hindi nalang makipagkita kay Aubrie, pero wala na e. Nagawa ko na. Nakagawa na ako ng kasalanan. Siguradong lalong magagalit si Zoe sa'kin pag nalaman nyang nagpanggap akong boyfriend ni Aubrie.

"Thanks for staying" Pagpapasalamat ni Aubrie kaya't ngumiti na lamang ako.

"Wala 'yon. Pinilit ako ng dad mo kaya no choice ako."

"But I promise you, you'll have fun here. Tara dun tayo sa pool. Gusto kong mag-swimming." Saad niya saka niya ako hinila papunta sa pool nila. Medyo may kalakihan rin kasi 'tong bahay nila kaya naman medyo malaki- laki rin ang sariling pool nila dito.

"Tara swimming tayo?"

"Wala ako sa mood magswimming ngayon. Ikaw nalang" Pagtanggi ko. Hindi naman sa masyado akong killjoy, ang kaso lang kasi ay parang may mali. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

"Okay. Pero alam kong magbabago ang isip mo pag ginawa ko 'to sa'yo" Tatanungin ko na sana siya nung bigla nya akong itulak na ikinagulat ko. Now, I don't have any choice. I'm already wet.

"What the hell!. Ba't mo 'yon ginawa?" Pasigaw na tanong ko. Oo, bestfriend ko si Aubrie at mahalaga rin siya sa'kin pero nagalit ako dahil sa ginawa niya. 

"No choice ako e" Aniya at napapailing na lamang ako sa kakulitan niya. Nagulat pa ako nung maghubad siya ng damit. Unti- unti nyang tinatanggal ang suot nyang short kaya unti- unting nagpapakita ang makinis at maputi nyang---- Sh*t. What am I thinking?. Tinanggal niya ang short niya at ganun rin ang soot nyang damit kaya ngayon ay nakatwo piece na lamang siya.

I must admit, hindi ko matanggal ang mata ko sa katawan. Ang kinis at ang ang puti ng balat niya kaya kung maglalakad syang nakatwo piece lang, lahat ng lalake ay siguradong mapapatingin sa kanya.

"Done checking me out?" Bulong niya sa'kin nung makalapit na siya sa pwesto ko.

Tumingin na lamang ako sa ibang direksyon. This is so wrong. Ba't ko siya tinititigan? Darn it!. Am I cheating? Yes, I like her body. She got a perfect shape body but I have a girlfriend. Si Zoe lang dapat ang isipin ko, hindi yung katawan ni Aubrie.

"Try me" Bulong pa niya.

Unti- unti nyang inilapit ang mukha niya sa'kin habang tinatanggal niya ang suot kong damit. Nung matanggal niya 'to ay dun niya na ako hinalikan. Naramdaman ko na lamang na unti- unti na nyang tinatanggal ang suot kong pang- ibaba pero bago pa niya 'to matanggal ng tuluyan ay naitulak ko na siya ng malakas.

"Jayden. I thought you want me?" Tanong niya na medyo may pagkalandi na sa boses niya.

Lalo akong nainis sa sinabi niya. No, I never want her. Oo, inaamin ko. Her body shape really got me. Alam kong parang linoloko ko na si Zoe sa ginawa ko pero that was a mistake. Nagustuhan ko man titigan ang katawan niya pero hindi ko nagustuhan ang paghalik niya sa'kin. I just can't do anything when she started undressing me not because I want her but because I'm shocked. Natulala ako at sa mga oras na 'yon ay parang hindi ko magawang igalaw ang katawan ko dahil narin siguro sa pagkabigla.

"Aubrie, hindi ko gusto yung ginawa mo. " Paninimula ko saka ko pinunasan ang labi ko. "Wala kang karapatan na halikan ako dahil isang tao lang ang pinapayagan ko at yun ay si Zoe. Hindi ko alam kung ba't mo yun ginawa pero gusto kong malaman mo na pinatunayan mo lang sa'kin kung anong klaseng babae ka. " Saad ko pa.

"Jayden, I- I'm sorry" Paghingi niya ng tawad.

"It all make sense, now. Kaya mo ako pinapunta na walang kasama para masolo mo ako, ganun ba?. Aubrie, hindi ganyan ang pagkakakilala ko sa'yo. You tried to seduced me knowing that I already have a girlfriend!."

"I- i'm sorry"

"Lahat 'to plinano mo, hindi ba? Tinulungan mo ako kay Zoe, hindi dahil isa kang tunay na kaibigan kundi dahil gusto mo lang magpakitang gilas. Gusto mong isipin ko na mapagkakatiwalaan kita, hindi ba?. Aubrie, gulong- gulo ako kanina nung sinabi mong magpanggap ako na boyfriend mo dahil unang- una , wala kang nabanggit sa'kin na may company pala kayo. I was just too stupid to believe that you were saying the truth. "

"Really, Jayden. Really?. Kaya ko 'yon ginawa dahil gusto kita. Nung bata pa tayo, gusto na kita." Paliwanag niya.

"Makasarili ka, Aubrie."Saad ko saka ako umalis sa pool. Naglalakad na ako paalis nung muli akong mapatigil dahil sa isinigaw niya.

"Good luck, Jayden." Aniya kaya napalingon ako at nakita kong may hawak- hawak syang phone.

Oh sh*t, does that mean----

"Yes, Jayden. Tama iniisip mo. I already send a video to the love of your life. A video of us kissing while you were half naked. Guess what, she's so mad at you, right now. "

Darn it!. No!. It can't be.!

NFWYE Book2: Loving My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon