NFWYE Nineteen

192 4 0
                                    

ZOE's POV

Nung mailigpit ko na ang kahon ay agad na akong bumaba habang hawak- hawak ko ang sulat ni Jayden para sa'kin. Pagkababa ko ay dun ko naabutan si Yenny na nakatingin parin sa phone niya.

"Anong tinitignan mo?" Tanong ko kaya napatingin siya sa'kin.

Mukha kasing malalim ang iniisip niya kaya tinanong ko siya. Pakiramdam ko may problema siya ngunit alam kong hindi na 'to tungkol sa nalaman ko. Alam narin naman niya na hindi ako galit sa kanya.

"Wala 'to" Sagot niya ngunit alam kong nagsisinungaling lang siya.

Kaibigan ko siya kaya alam ko kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi. At sa nakikita ko ngayon ay alam na alam ko na hindi siya nagsasabi ng totoo. Halata naman kasi sa mukha niya na may problema siya.

"Yenny, ano ba kasing problema mo?" Kalmado kong tanong.

"Si babe kasi hindi ako pinapansin. " Sagot niya

"Anong problema niyo ni Darryl?" Tanong ko.

"Kinwento ko kasi yung nangyari sa inyo ni Jayden at sinabi kong magboboy hunting tayo para mabawasan ang lungkot mo pero syempre, joke lang yun. Ayun nagselos at hindi ako pinapansin, kaninang umaga pa" Kwento niya kaya natawa na lamang ako.

May pagkabaliw rin kasi 'tong bestfriend ko kaya ayan nag- away na naman sila ng pinsan ko. Seloso rin kasi si Darryl at masasabi kong mas seloso siya kesa kay Jayden.

Pero bilib ako sa kanilang dalawa dahil hindi sila gaanong nag- aaway. Kapag kasi nag- aaway sila ay susuyuin agad nung isa yung isa dahil ayaw nilang patagalin ang pag- aaway nila.

Napangiti na lamang ako dahil masaya akong nahanap na ni Yenny ang lalakeng magmamahal sa kanya ng sobra- sobra.

"May pupuntahan ka ba?" Tanong niya sa'kin nung mapansin nyang nagpalit ako ng damit.

"Yeah" Sagot ko

"Saan?"

"Kay Jayden" Agad kong sagot at mukha naman syang nagulat sa sinabi ko.

Siguro kasi hindi niya inaasahan na pupuntahan ko si Jayden pagkatapos ng lahat. Alam kong nagtataka siya kaya pinaliwanag ko sa kanya kung ba't ko siya pupuntahan at mukhang nakumbinsi naman siya sa sinabi ko .

Tinanong pa nga niya ako kung ba't ko pa daw siya ipaglalaban kaya naman ipinaliwanag ko sa kanya ang tungkol sa sulat. Alam ko kasi na may rason si Jayden patungkol sa video. Klarong- klaro na siya ang hinahalikan ni Aubrielle pero hindi ko na 'yon pinansin, ang mahalaga ay madinig ko ang side niya.

Minsan kasi kailangan kong ibaba ang pride ko para narin hindi lumala ang pag- aawayan namin dalawa. Marami na kaming napagdaanan kaya ngayon pa ba kami susuko?

Sigurado na ako na isa lang 'tong pagsubok para sa amin. Sinusubok lang kami para malaman kung gaano katagal namin kayang ipaglaban ang isa't- isa. Maaaring unti- unti ng sumusuko si Jayden pero kung kinakailangan magmakaawa ako sa kanya para wag siyang sumuko ng tuluyan ay gagawin ko.

Panahon na para ako naman ang gumawa ng move para hindi na siya tuluyan mawala sa buhay ko.

"I'll be back, soon" Saad ko saka ako lumabas para pumunta sa kotse ko at nagmaneho na ako ng mabilis.

JAYDEN's POV

"Lagi nalang ba ganito ang maabutan ko basta papasok ako dito sa kwarto mo?" Galit na tanong sa'kin ni Ate, pagkapasok niya sa kwarto ko.

Hindi ko na lamang siya sinagot dahil sawa narin naman akong sagutin siya sa araw- araw na pumapasok siya dito sa kwarto ko. Basta kasi papasok siya ay lagi niya akong pinapagalitan.

Hindi pa ba kasi siya sanay na makitang ganito kagulo ang kwarto ko?. Sa makalipas na dalawang linggo lagi na lamang akong nagkukulong dito sa kwarto habang nakapalibot sa'kin ang mga bote ng alak na iniinom ko.

Akmang iinom na naman ako ng alak nung pinigilan niya ako "Iinom kana naman? Jayden, pwede bang umayos kana." Pakiusap niya

"Hayaan mo ako."

"No, Jayden. Umayos ka naman. Ano? Lagi kana lang magiging lasing dahil araw- araw ka ng umiinom? Bakit? Gusto mo na bang mamatay?" Tanong niya

Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Dun ko narin naramdaman ang pagbagsak ng mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Sana nga mamatay nalang ako dahil nawalan na ng kwenta ang buhay ko. Walang ng rason para mabuhay pa ako pero sa tuwing iniisip kong magpakamatay ay laging sumasagi sa isipan ko ang mga ngiting nagpapaalala sa'kin kay Zoe.

Lagi kong naaalala ang tanong ko sa kanya simula nung iwan ko siya. 'Hindi ka pa ba napapagod?'.  Simula nun ay hindi na ako nagpapakita sa kanya. Kahit gustong- gusto kong sagutin ang mga tawag niya sa'kin ay pinipigilan ko lamang ang aking sarili. 

Oo na, ako na tanga. Ako yung nang- iwan pero ako rin ang nagdurusa. Iniwan ko siya dahil natatakot ako. Natatakot ako na baka pag nalaman niya ang ginawa kong kagaguhan ay basta na lamang niya akong iwan. Kaya ako na ang nang- iwan para kapag nagsawa na siya ay hindi ko maririnig sa kanya ang mga masasakit na salita.

Lagi ko nalang syang pinapaiyak, lagi nalang syang nasasaktan kaya lumayo ako. Hindi niya deserve ang masaktan. She don't deserve someone like me. Marami pang ibang lalake dyan na hindi siya kayang paiyakin, makakahanap rin siya ng taong hindi ko kagaya.

"Jayden, ayusin mo naman ang buhay mo. Balikan mo na si Zoe." Saad ni ate pero nanatili akong tahimik.

"Wag mong hintayin ang araw na sawa na siya sa kakahintay sa'yo. Wag mong hintayin ang araw na tuluyan na syang nawala sa'yo. Puntahan mo siya, magpaliwanag ka dahil baka isang araw ay pagsisihan mo ang pang- iiwan mo sa kanya."

"Baka nga nagsawa na siya sa'kin." Sagot ko naman

"Jayden, mahal ka ni Zoe. Kaya kung ako sa'yo, aayusin ko na ang sarili ko at pupuntahan ko na siya bago pa siya maagaw ng iba."

Kaya ko bang tiisin na makita syang hawak- hawak ng iba?. Pinunasan ko ang luha ko saka ko isa- isang linulot ang mga alak na nagkalat. No!. Hindi ko kaya.

"Kakausapin ko na siya" Sagot ko, napangiti naman si ate sa sinabi ko.

"Good pero bago yan, maligo ka muna. Wag na wag kang haharap sa kanya ng ganyan ang itsura mo baka kasi lalo ka nyang ayawan" Natatawang sabi ni ate.

"Sinong aayawan ko?"

Nagulat ako nung marinig ko muli ang boses ng taong pinakamamahal ko. Labis ang naramdaman kong tuwa nung makita kong papalapit na siya sa'kin. Pero bago pa siya makalapit sa'kin ay tumakbo na ako papunta sa kanya at agad ko na syang yinakap.

"Galit ako sayo, okay?" Seryoso nyang sabi kaya napatingin ako sa kanya

"Napanood mo na yung video?"

"Yeah. Mukha ngang nag- enjoy ka sa halik" Sarkastiko nyang sabi

"Love, hayaan mo akong magpaliwanag. Nadala lang talaga ako pero maniwala ka hindi ko 'yon ginusto. Naitulak ko kaagad siya bago pa niya maisagawa ang gusto niya. Love, patawarin mo ako. Sorry kung hindi ako nagpaparamdam sa'yo sa makalipas na dalawang linggo.  Gagawin ko ang lahat para mapatawad mo ako. Gagawin ko a----" Bago pa ako ulit magsalita ay hinalikan na niya ako na nakapagpatigil sa'kin.

"Sshhh, it's okay. Sabi mo nga sa sulat, wag na wag kong pangungunahan ang lahat. Jayden, lumaban tayong pareho. We'll fight together, okay? Walang bibitaw."

Muli ko syang yinakap at napaiyak na naman ako ng tuluyan. God knows how I missed hugging this woman infront of me.

"Tama ate mo, maligo ka muna. Ang baho mo na" Natatawa nyang bulong sa'kin.

NFWYE Book2: Loving My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon