NFWYE Two

258 10 0
                                    


JAYDEN POV

You did it, Jayden. Bulong ko sa sarili ko nung makaalis na si Zoe. Akala ko hindi ko kakayanin pero buti nalang talaga tinulungan ako ni Jaddie.

"Ang problema nalang ay baka dahil sa sinabi mo makipaghiwalay siya sayo" Ani Jaddie.

May point siya. Sh*t. No. Hindi pwede. Hindi ko kakayanin. Mahal na mahal ko si Zoe and I swear I'm nothing without her. Ayoko man gawin 'to pero kailangan eh dahil wala na akong maisip na plano. Tinanong ko na lahat ng mga kakilala kong lalake na expert tungkol sa pag-ibig at halos lahat sila ay etong plano na 'to ang sinabi nilang gawin ko. Hay, kung alam lang niya kung ba't ko 'to ginagawa.

Hindi ko man alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya ngayon pero isa lang ang alam ko. Naguguluhan siya kung sino si Jaddie. Maniwala man kayo o hindi, I'm not flirting with Jaddie at wala rin kaming relasyon. Mamamatay muna ako bago makipagrelasyon sa pinsan ko. Yeah. Pinsan ko siya at kauuwi lang niya galing Japan.

Plano ko nga sanang sabihin nun kay Zoe na may pinsan ako kaso lagi ko naman nakakalimutan na sabihin 'to sa kanya kaya naman hindi ko na  naipakilala si Jaddie sa kanya. Kauuwi lang niya two days ago at nung malaman niya ang tungkol sa araw na 'to ay nagdesisyon syang tulungan ako.

"Kinakabahan ako" Sabi ko. Nakakahiya man aminin pero para akong tanga na palakad-lakad at sobrang kinakabahan para sa mangyayari mamaya.

"Hay naku. Wag ka ng mag-alala dahil sigurado akong magiging maganda ang kakalabasan nito" Sagot naman niya.

Linabas ko na lamang ang phone ko saka agad kong tinawagan si Yenny kasama si Samantha at sunod ko naman tinawagan sina Rex at ang mga kasama niya. Hindi kasi ako mapakali dahil konting oras nalang ay sisimulan na ang plano.

"Alam mo wag kang kabahan dyan. Mabuti pa tulungan mo akong kainin 'tong adobo. Ang sarap eh baka maubos ko pa" Napatigil na lamang ako sa pag-iisip saka agad akong tumingin kay Jaddie at dun ko nga napagtanto na abala na pala siya sa adobong binigay ni Zoe.

Umiling iling ako. Hindi ko man lang namamalayan na sa kakaisip ko sa plano ay hindi ko na napagtanto na kanina pa pala kumakain si Jaddie. Lumapit naman ako sa kanya saka ko syng tinignan ng masama.

"May sinabi ba akong kainin mo 'to?. Sa'kin binigay 'to kaya dapat ako lang kakain" Saad ko.

"Ang damot mo naman. Ibigay mo na 'to sa'kin bilang kabayaran sa pagtulong ko sayo"

"Tch. Patay gutom ka talaga pero sige na nga" Sagot ko. Magsasalita pa sana siya ng may biglang nag-text sa kanya kaya naman agad syang napatingin sa phone niya saka ulit siya tumingin sa'kin.

"Nagtext sa'kin sina Yenny at inaayusan na nga nila si Zoe" Aniya at napangiti na lamang ako. I'm pretty sure that my love would be so beautiful. Kahit naman simple lang at walang make-up ay maganda parin siya. Mukhang kailangan ko talagang magpagwapo para sa kanya.

ZOE POV

Pauwi na ako sa bahay  at umiiyak parin ako. Nasasaktan ako. Nasasaktan dahil hindi ko alam kung ba't naging ganun na lamang ang pakikitungo ni Jayden sa'kin. Nagsawa na ba siya? Hindi na ba niya ako mahal? Hindi ko na ba siya napapasaya kaya yung babaeng yun ang kasama niya?.

Nung nasa tapat na ako ng bahay ay agad kong pinark ang kotse ko at papasok na rin sana ako sa bahay nung biglang sinalubong ako nina Yenny saka si Samantha.

"Okay ka lang?" Tanong nila at ngumiti na lamang ako. Nagulat na lamang ako nung bigla nila akong hilahin papasok sa kotse ni Yenny.

Magsasalita na sana ako nung inunahan ako ni Samantha. "Pupunta tayo sa bahay ko para ayusan ka namin. Zoe, wag kang umiyak dahil papangit ka kaya dapat magpaganda ka nalang".

Hindi nalang ako nagsalita at hinayaan ko na lamang sila. Hindi ko alam kung anong plano nila pero bahala na sila. Siguro kailangan ko munang magpakasaya ngayon at kalimutan ko muna ang pagiging cold ni Jayden sa'kin.

~👑~

" Okay na. Ang ganda mo" Sabi ni Yenny sa'kin pagkatapos nila akong ayusan. Hindi ko talaga alam kung anong trip nilang dalawa at naisipan nila akong imake-over.

"Hahatid kana namin" Saad naman ni Samantha kaya tumango na lamang ako. So ganun nalang? Pagkatapos nila akong ayusan ay papauwiin nalang ako? Akala ko pa naman eh magba-bonding kami.

Nung maihatid na ako nila Yenny at ni Samantha ay agad na rin silang umalis. Papasok na ako ng bahay ng mapansin kong nakapatay ang ilaw dahil nga kitang  kita ko dito sa labas. Siguro wala pa si ate.

Nung binuksan ko ang pinto ay agad kong binuksan ang ilaw at nung ako'y makapasok na ay agad kong sinara ang pinto.

"Hi Zoe" Nagulat na lamang ako ng nasa harapan ko si Darryl. Ba't siya nandito? Anong ginagawa niya dito?

Tatanungin ko sana siya nung may binigay siya sa'king papel kaya naman napatingin ako dito.

Garden.

Yun lang ang nakasulat. Tatanungin ko sana si Darryl kung tungkol san 'to pero bigla nalang syang naglaho na parang bula.

Naglakad na lamang ako papunta sa Garden ,kahit hindi ko alam kung ano bang ibig sabihin nung nakasulat sa papel pero dahil nga garden ang nakasulat ay baka naman kailangan ko ngang pumunta dun.

Naglalakad ako nun ng may tumawag sa'kin at dun ko nga nakita si Yenny saka si Samatha. Andito sila? Akala ko ba umalis na sila?

"Bawal magtanong" Saad agad ni Samantha nung magtatanong na sana ako. Kagaya ni Darryl ay may binigay rin sila sa'kin , ang pagkakaiba nga lang ay isa itong maliit na envelope. Nung binuksan ko 'to ay dun ko nakita ang papel na may sulat.

Anong pakiramdam na ikaw yung unang tumawag? Masaya. Nakakahiya man sabihin pero kulang nalang talaga ay magtata-talon ako dahil sa saya ko. Others might say that I'm weird, kaliit na bagay eh ang OA ko na pero kasi hindi lang ako sanay na ikaw ang unang tumatawag ,kasi nga araw-araw ay ako yung nauuna.

Yung saya na yun ay kailangan kong pigilan dahil baka sumablay ang plano kaya naman kahit ayokong sigawan ka ay nagawa ko parin. Gustong gusto kong suntukin ang sarili ko nung sinigawan kita, sh*t ayokong sinisigawan ko ang taong mahal ko.

Nung mabasa ko ang sulat ay napaiyak na lamang ako. Isang tao lang ang alam kong gagawa neto. Jayden.

NFWYE Book2: Loving My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon