NFWYE Thirteen

181 4 0
                                    

"Love, salamat sa pangalawang pagkakataon na binigay mo." Pagpapasalamat ko kay Zoe habang nakayakap ako sa kanya.

"No worries, love. Salamat dahil hindi ka agad sumuko." Aniya.

Agad akong napaisip sa sinabi niya. Sa totoo lang, dapat ako 'yon magpasalamat dahil kung sumuko na kaagad siya sa'kin ay hindi ko kakayanin. Pero alam kong wala akong dapat ikatakot dahil alam kong sapat na ang pagmamahalan namin sa isa't- isa para mapagtagumpayan lahat ng problema namin.

"Paano ko susukuan ang tanong mahal na mahal ko?" Tanong ko saka ko siya iniharap sa'kin para halikan ang kanyang noo.

Hinawakan niya ang aking kamay saka niya isinandal ang ulo niya sa balikat ko. "Anong oras natin pupuntahan si Aubrielle?"

"Mamayang hapon."

"Love, parang ayokong pumunta" Napatingin naman ako sa kanya nung sinabi niya 'yon. Nagseselos parin ba siya?.

Hay, ano bang kailangan kong gawin para patunayan sa kanya na wala syang dapat ikaselos dahil nga ikakasal narin naman si Aubrie at isa pa, wala akong gusto sa kanya. Matalik lang talaga kaming magka-ibigan noon at hanggang ngayon. Magagawa ko bang ipagpalit ang taong mahal na mahal ko? Syempre, hindi.

"Love, kung ayaw mong pumunta edi ika- cancel ko nalang yung lakad sana natin' tatlo" Sagot ko pero di na siya nagsalita pa, bagkus ay tumahimik na lamang siya.

Humarap siya sa'kin saka niya ako tinanong "Love, nagiging possessive na ba ako?"

"Possessive ka man o hindi, wala akong pakialam. Love, ikaw ang magdedesisyon para satin' dalawa para pagdating ng araw ay handa kana para maging asawa ko. " Sagot ko at napangiti naman siya.

"Love, naman. Binobola mo lang ako e. Hindi ka pa nga sigurado kung ako ba talaga ang mapapangasawa mo. "

"Sigurado na ako. Hindi ko kakayanin kapag hindi ikaw ang makakasama ko panghabang- buhay. I love you, Zoe. I really do."

"I love you, too" Sagot niya na nakapag- pangiti sa'kin.

Sigurado na ako na si Zoe ang babaeng papakasalan ko. Sa dami ba naman ng pinagdaanan namin ngunit lahat 'yon ay nalagpasan namin kaya't masasabi kong si Zoe na ang nakatadhanang babae para sa'kin. Siya lang, wala ng iba.

Napatigil lamang ako ng mapansin kong may natanggap akong text message na galing kay Aubrie. Agad ko naman 'yon binasa dahil baka importante.

"Come meet me now at your cafe. I'm waiting outside. Wag mo nalang isama si Zoe"

Napakunot noo ako nung mabasa ko ang nilalaman ng text message. Akala ko ba mamayang hapon pa kami magkikita na kasama si love?. Plano ko pa nga sanang i- cancel nalang ang lakad namin dahil parang ayaw pa ni Zoe na makipagkita sa kanya.

"Love, sino yan?" Tanong ni Zoe.

Umiling- iling ako. Hindi pwedeng sabihin ko kay Zoe na makikipagkita ako kay Aubrielle dahil siguradong magagalit siya. "Wala 'to. Hindi importante. Wrong send siguro." Pagsisinungaling ko.

Hindi ako sanay na maglihim sa kanya pero kailangan ko talagang gawin 'to dahil kung hindi ay baka mag- away na naman kami. "Pero kailangan ko ng umalis, love"

"Ganun kabilis? Pwede bang dito ka muna?" Tanong niya

"Kung pwede lang sana kaso importante 'tong pupuntahan ko" Sagot ko. Sana lang talaga gagana 'tong mga palusot ko.

"Okay" Pagpayag niya pero bakas sa boses niya ang kalungkutan. Kahit naman ayoko syang iwan ay kailangan ko parin gawin dahil kaibigan ko si Aubrie at alam kong may pag- uusapan kaming importante.

Hinalikan ko siya sa pisngi saka ko hinawakan ang mukha niya "Love, wag ng magtampo. Babalikan kita agad, promise. I love you so much, I'll be back." Saad ko saka ako nagmadaling umalis.

May tampo na naman siya sa'kin. Kung pwede lang sanang isama ko nalang siya ay gagawin ko kaso kagaya nga ng sabi ni Aubrie na dapat ay ako lang ang pumunta. Kanina pa nga ako napapaisip kung ano bang problema ni Aubrie.

Nung makarating na ako sa cafe ay agad ko na syang nakitang naghihintay sa'kin sa harapan ng shop. Dali- dali akong pumunta sa kanya at kitang- kita ko ang pag- ngiti niya nung makita niya ako.

"Ba't nakasara 'tong shop mo? Diba dapat sa ganitong oras ay nakabukas na 'to?" Tanong niya

Nakalimutan ko nga palang sabihin sa kanya na hindi muna ako magbubukas ng shop ngayon dahil plano ko talaga na maglaan muna ako ng oras para kay Zoe.

"It's because of Zoe, huh?" Tanong niya at tumango na lamang ako bilang sagot.

"So, do you want to go somewhere para mag- usap? I mean, baka hindi ka pa nagbrebreakfast?"

"No need. Dito nalang tayo, hindi rin naman ako magtatagal dahil kailangan ko pang balikan si Zoe." Saad ko

"Kamusta na pala kayo ni Zoe?" Tanomg niya.

"Okay na kami" Nakangiti kong sagot.

"Ang bilis naman." Saad niya ngunit hindi ko naintindihan ang sinabi niya dahil pabulong.

"Anong sabi mo?" Tanong ko at napatingin naman siya sa'kin. Hindi na niya sinagot ang tanong ko ngunit nag- alala ako sa kanya nung makita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

"May problema ba?" Tanong ko ngunit hindi niya ako sinagot. "Tell me, Aubrie. Nag- aalala ako sa'yo"

Kita ko ang pagliwanag ng mukha niya nung sinabi ko 'yon kaya't nagtaka ako. "Nag- aalala ka sa'kin?" Tanong niya.

Ofcourse, I do, but don't get me wrong. I'm worried about her not because I like her or something but because she's like my sister. Hindi man kami magkadugo ay itinuturing ko na syang parang kapatid. Pero syempre walang makakapantay sa pag- aalala ko kay Zoe.

"Yeah, parang kapatid na kita e." Sagot ko.

"You really love her, huh?" Tanong niya. Nagtaka naman ako dahil ba't bigla niyang itatanong yang klaseng tanong na yan sa'kin?.

But to answer her question, ang isasagot ko ay sobra. I really love her so much. Ikakamatay ko ata kapag nawala sa'kin si Zoe. She's my life.

"I do. So ano ngang sasabihin mo sa'kin?" Pag- iiba ko ng usapan."

"Jayden, nagkaproblema sa business namin" Aniya

"Anong nangyari?"

"I can't explain right now pero unti- unti ng nalulugi ang kumpanya at kailangan ko ng tulong mo" Pagpapaliwanag niya.

"What kind of help?" Tanong ko

"There's only one way to save the company at yun ay arranged marriage. Ipapakasal daw ako ni daddy sa anak ng business partner niya pero ayokong magpakasal sa iba kaya sana matulungan mo ako."

Arranged marriage? Akala ko hindi na uso 'yon pero hindi ko alam na uso pa pala 'yon.

"Paano yung fiance mo?" Tanong ko, naalala ko kasi yung araw na sinabi niya sa'kin na ikakasal na daw siya.

"Ah- eh. Don't mind him. Nasa ibang bansa siya ngunit hindi siya pwedeng pumunta rito dahil nagkakaproblema rin yung company nila dun" Sagot niya kaya naguluhan ako.

Ano ba talagang nangyayari? Ba't parang hindi nagkakatugma yung sinasabi niya ngayon sa sinabi niya nun? Ang kwento niya kasi nun sa'kin ay nagbakasyon daw yung magiging fiance niya dito para makita siya pero ba't ngayon sinabi nyang wag ko syang intindihin dahil may problema rin yung fiance niya sa company nila?. At saka ba't hindi niya nasabi sa'kin na may kumpanya pala sila. I didn't know about that. Ang gulo.

"Aubrie? Can you please tell me the whole thing?. Naguguluhan ako" Sagot ko

"Jayden, kausapin mo si dad, please." Pakiusap niya

NFWYE Book2: Loving My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon