#HisSide
Jayden's POVNapakaseloso ko na bang boyfriend?. Nakonsensya ako sa ginawa ko kanina dahil muntikan na kaming mag- away ni love. Hindi ko naman kasing maiwasan na hindi magselos dahil sa nakita ko. Kitang- kita ko ang pag ngiti ni love habang kinakausap niya yung lalake at ayoko nun. Selfish na kung selfish pero ang gusto ko ay ako lang dapat na nakakapag- pangiti sa kanya. Wala ng ibang lalake, ako lang.
Pero ang swerte ko talaga dahil napaka loyal ng girlfriend ko. Wala daw akong dapat ika selos dahil ako lang naman daw ang mahal niya. Hindi naman kasi sa wala akong tiwala kay love ang kaso lang kasi ay sa lalakeng kausap niya wala akong tiwala. Ramdam ko kasi na may gusto siya sa girlfriend ko.
Ba't ba kasi sobrang ganda niya? Yan tuloy maraming nagkakagusto sa kanya. Pero ang mahalaga ay ako lang ang nakakuha ng puso niya.
Nung ayos na ang lahat ay napagdesisyunan na namin na pumasok sa loob ng cafe dahil marami pang customer saka sabi niya ay babalikan pa niya yung lalake, ayaw ko man nung una pero syempre, siya ang boss ko kaya siya ang masusunod. Buo ang tiwala ko sa kanya.
Papasok na dapat kami nung may tumawag sa pangalan ko. Pagtingin ko ay agad akong napatakbo papunta sa taong tumawag sa'kin. Si Aubrielle, kababata ko. Grabe, na miss ko siya. Ilang taon na rin kasi simula nung huli kaming nagka- usap at nagkita.
Maya- maya pa ay inaya ko siya sa loob para dun kami magka- usap. Lumingon pa ako sa pwesto ni love bago kami pumasok sa loob pero nakayuko siya at hindi siya nakatingin sa'kin. Lalapitan ko na sana siya nung bigla akong hilahin ni Aubrielle kaya naman wala na akong nagawa kundi ang sumama sa kanya. Naisip ko rin na ipapakilala ko na lamang si love kay Aubrielle pag nakita ko na syang pumasok.
Umupo na lamang kami ni Aubrielle saka siya nagsimulang magkwento tungkol sa nangyari sa kanya noon. Sinabi niya sa'kin na nagtanong- tanong daw siya sa mga kaibigan ko kung asan ako kaya niya ako nahanap.
"Kamusta kana?" Tanong ko
"I'm perfectly fine, ikaw? Kamusta kana?" Tanong naman niya
"Eto, masayang masaya dahil nahanap ko na ang babaeng para sa'kin" Sagot ko naman.
Sigurado na ako na si Zoe ang babaeng makakasama ko pang- habang buhay. I see my future with her. Siya lang ang gusto kong pakasalan, wala ng iba.
"I see. Siya ba yung babae kanina sa labas?" Tanong niya kayat tumango ako. None other than.
"I'm so happy for you." Saad niya
"Thank you. Ikaw, kamusta na ang buhay pag- ibig mo?" Tanong ko.
"Glad you asked, so ayun nga. Kagaya mo, nahanap ko narin ang lalakeng para sa'kin. His name is Vaughn Ivan. Sa katunayan nga, magpapakasal na kami sa susunod na buwan." Kwento niya.
"Buti naman at ikakasal kana rin. Next time kami naman ni Zoe ang susunod" Sagot ko.
Nagkwento pa siya tungkol sa kanilang dalawa at napapatawa na lamang ako dahil nung una daw talaga ay umaasa lang siya sa lalake pero unti- unti naman na nahulog yung lalake sa kanya and now they're getting married.
Nagpaalam muna ako kay Aubrielle sandali dahil pupuntahan ko si love. Hindi ko siya nakita na pumasok kaya lumabas ako, nagbabakasakali na andun siya. Pagkalabas ko ay muntikan ko ng puntahan yung lalakeng kasama ni love dahil kitang kita ang pagyakap nung lalake kay Zoe.
"Love" Pagtawag ko kay Zoe pero hindi ito lumingon sa'kin bagkus ay naglakad na lamang siya palayo. Ano bang problema ni love?. May nagawa ba akong masama ?
Tinawag ko ulit ang pangalan niya na may halong pagkainis ang boses ko. Pero imbes na lingunin niya ako ay naglakad muli siya kaya naman bago pa siya makalayo ay tumakbo ako palapit sa kanya at agad ko syang hinawakan sa braso niya saka ko siya pinaharap sa'kin.
Nawala ang inis sa mukha ko nung makita ko na tumutulo ang kanyang mga luha. Ba't siya umiiyak?. Sh*t. Ayaw na ayaw kong mag- away kami ni love kaya naman binalak kong halikan siya para ipadama ko ang pagmamahal ko pero inilayo niya ang mukha niya nung akmang hahalikan ko na siya.
Tinanong ko siya kung may problema ba at ngumiti na lamang siya pero alam kong pekeng ngiti iyon. "Problema? Wala. At etong mga luhang 'to? Wala rin 'to. Tears of joy lang dahil sa nakita ko kanina. Ang saya-saya ko dahil basta mo nalang akong iniwan kanina."
Pag- iwan?. Sh*t. Mali siya ng pagkakaintindi. "Zoe, tungkol kanina--- I just wanna say, I'm sorry. Sorry kasi nadala lang ako ng emo---" Magsasalita pa sana ako nung inunahan niya ako.
"Nadala ng emosyon? Jayden, kinalimutan mo ako dahil sa babaeng 'yon."
"Zoe, patapusin mo muna kasi ako. Sorry kung pakiramdam mo nakalimutan kita. Yung babaeng 'yon, kababata ko." Paliwanag ko. Sh*t. Kasalanan ko ang lahat. Ang tanga mo Jayden!. Ang tanga- tanga ko.
"Kababata? Hanggang dun nga lang ba ang pagtingin mo sa kanya?" Tanong niya
"Zoe, please. Just let me explain. Wag mo naman pangunahan ng selos yang nararamdaman mo. Si Aubrielle yun, kababata ko siya. I met her in kindergarten. We became good friends after that tapos bigla silang pumunta sa ibang bansa. Zoe, na- miss ko siya dahil matagal ko na syang hindi nakita." Pagpapaliwanag ko pa. I'm trying to make things clear pero nadismaya ako dahil mukhang walang naitulong ang pagpapaliwanag ko.
"At dahil dun nakalimutan mong may girlfriend ka na kasama mo?" Tanong niya at dun ako napatigil. No. Kahit kailan hindi ko siya makakalimutan.
"It ain't me, love. Hindi pala ako ang first priority mo dahil para sa'yo isa lang akong second option. Makulit na kung makulit pero masakit eh. Masaya ka dahil muli mo syang nakita?, naiintindihan ko naman 'yun eh pero ang iwan akong mag-isa at basta na lamang akong kalimutan?. Yun ang hindi ko maintindihan. " Aniya.
"Zoe---"
"Tama ba naman kasing basta mo nalang iwan ang girlfriend mo at basta kana lang sumama sa ibang babae? Jayden, nag- expect ako eh. Nag assume ako na hahabulin mo ako at agad na magpapaliwanag pero ano? Mas inuna mo pa ang pakikipagtawanan sa babaeng 'yon?" Sagot pa niya.
What have I done!? Kasalanan ko ang lahat. Kung alam ko lang na inaasahan nyang babalikan ko siya kaagad edi sana ay binalikan ko na siya. Kasalanan ko talaga ang lahat. Dapat talaga agad ko syang binalikan para hindi siya magalit sa akin.
"Zoe, please. Just let me explain" Sabi ko ng may tumawag sa'kin. Lumingon ako at nakita ko si Aubrielle na nakangiti sa'kin kaya kahit nasasaktan ako dahil sa pag- aaway namin ni Zoe ay nginitian ko pa rin siya pabalik.
"Puntahan mo na siya. Your princess is waiting for you. No, I mean, the bitch is waiting for her prince kaya sige na, iwan mo na naman ako dito tutal second option lang ako, diba?" Saad niya kaya napatingin ako sa kaniya. Hindi ko maiwasan na hindi mainis sa sinabi niya.
Why can't she understand my point!?
"Zoe, please. Can't you understand it? I told you everything and yet, here you are again. Complaining and acting like a kid. Just for once, Zoe. Stop being childish." Inis kong sagot
"At ako pa talaga ang hindi makaintindi?. Jayden, why don't you try to understand my point?"
Sinubukan kong kalmahin ang sarili ko pero napataas parin ang boses ko nung sinabihan ko syang tumigil na. Nung maramdaman ko ng tutulo na ang mga luha ko ay agad na akong tumalikod saka naglakad palayo. Ayokong makita ni Zoe na mahina ako.
"YEAH, ENOUGH! ENOUGH BECAUSE I'M SO DONE! SH*T THIS FEELING. AND JUST SO YOU KNOW, I'M BREAKING UP WITH YOU!" Sigaw ni Zoe at dun ako napatigil sa paglalakad.
Kasabay ng pagsigaw niya ay ang pagdurog ng puso ko.
BINABASA MO ANG
NFWYE Book2: Loving My Enemy
JugendliteraturIs their love enough to face the hard challenges? or would they give up? Book two of Never Fall With Your Enemy...Kindly read the book 1 before reading this para hindi kayo maguluhan