NFWYE Nine

188 4 0
                                    

Zoe's POV

Nagising na lamang ako dahil sa ingay na narinig ko. Agad kong imunulat ang aking mga mata at ang puting liwanag kaagad ang una kong nakita. Am I dead? Silly me, ofcourse not.

"Pinag-alala mo ako buti gising kana. " Tumingin ako sa pinang-gagalingan ng boses at laking tuwa ko nung makita ko si Yenny. God knows how much I missed her. Hindi kasi kami gaanong nagkikita o nagkakausap dahil nga pareho na kaming nagiging busy.

"Sinong nagdala sa'kin dito?" Tanong ko.

Siguro nahimatay ako dahil sa pagod. Napagod ako sa kakaiyak eh. Basta ang alam ko lang ay naramdaman kona lang na unti- unti ng nanghihina ang buong katawan ko habang patuloy parin sa pagtulo ang mga luha ko. Siguro kasi hindi na nakayanan ng katawan ko ang sakit.

May mas sasakit pa ba sa nangyari kanina? Hiniwalayan ko ang taong kumukumpleto ng araw ko, ang taong nagiging inspirasyon ko sa lahat ng aking mga ginagawa. Masakit pero anong magagawa ko? Nasaktan ako ng sobra at kahit mahal na mahal mo ang isang tao kung sobra ka naman nyang sinasaktan ay kailangan mo syang i let go and that's what I did. Masakit. Sobrang sakit ng nararamdaman ko pero kailangan kong tiisin 'to. Choice ko to eh. Ako ang nakipaghiwalay, hindi siya.

Tama nga ba ang naging desisyon ko?

"Si Jared" Sagot ni Yenny. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung ba't nadismaya ako sa sagot niya. Sino ba kasi inaasahan ko? Si Jayden? Really, Zoe? Really?. Paano naman niya ako maihahatid dito kung busy siya sa childhood friend niya! Baka nga hindi niya pa alam ang nangyari sa'kin. Or maybe, I'm the only who's suffering from this break up.

"Naikwento ni Jared ang lahat sa'kin. Zoe, to be honest, I think Jared has a point. Kailangan mo munang marinig ang side ni Jayden bago ka manghusga. Wag padaloy- daloy " I looked at her as I raised my left eyebrow. Really? Ako na nga yung nasasaktan pero ako pa ang may kasalanan. Lahat nalang ba!? Lahat nalang ba ng nangyayari ngayon ay kasalanan ko?

"Ano pa bang kailangan nyang ipaliwanag? Na hindi niya sinasadyang iwan ako. Na hindi niya sinasadyang piliin yung childhood friend niya!? Ikaw, Yenny matanong kita, hindi ka ba magagalit kapag nakita mong mas inuuna pa ng boyfriend mo yung friend niya kesa sa sarili nyang girlfriend!? Why can't anyone understand my point!? "

"Zoe, hindi naman sa ganun. Naiintindihan kita kaso nga lang dapat intindihin mo rin si Jayden. Nasasaktan rin naman siya, hindi lang naman ikaw ang nasasaktan. "

Am I too selfish? Ako nga lang ba talaga ang nasasaktan o pareho kaming nasasaktan dahil sa desisyon ko?

Napasigaw na lamang ako habang nararamdaman kong naglaglagan na naman ang aking mga luha. Hindi ko na alam ang gagawin ko!. Anong ba talaga ang nararapat kong gawin? Kailangan ko ba talagang dinggin muna ang paliwanag niya bago ako magalit?.

Naramdaman kona lamang ang pagyakap sa'kin ni Yenny habang patuloy parin ako sa pag- iyak. Lagi nalang bang ganito? Lagi nalang ba ako iiyak?.

Natigilan lamang ako sa pag- iisip nung makarinig ako ng sigaw mula sa labas. I know that voice. Kilalang- kilala ko kung kaninong boses 'yon. Bumilis ang tibok ng puso ko pagkarinig ko ng boses niya. It was from Jayden.

"Wait here" Utos ni Yenny. Tumango na lamang ako bilang sagot saka niya ako iniwan.

'Love, kausapin mo naman ako' Rinig kong sigaw ni Jayden

Hindi ko alam pero pagkarinig ko ng boses niya ay parang may nagtulak sa'kin para tumayo at puntahan sila. Alam kong sinabihan ako ni Yenny kanina na dito lang ako pero sadyang makulit ata ako kayat naglakad na lamang ako papunta sa kanila.

"Love" Kitang- kita ko ang lungkot sa mata ni Jayden habang binabanggit niya ang tawagan namin. Napalitan ng inis ang nararamdaman ko nung makita ko kung sinong kasama niya.

Kailangan ba talaga nyang pumunta? "Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko

"Love, patawarin mo ako. Hindi ko alam na----"

"Umalis na kayo!" Utos ko sakanila saka ko sinara ang pintuan.

Pupunta nga siya dito para humingi ng kapatawaran pero talagang kasama pa niya yung friend niya?. Para bang pinarating niya sa'kin na hindi niya kayang mabuhay kapag wala yung babaeng 'yon sa tabi niya.

Narinig ko pang sumigaw siya pero hindi ko 'yon pinansin. Anong akala niya? Ganun kadali na patawarin ko siya? "Zoe" Tawag ni Yenny sa'kin pero nagkunwari lamang ako na parang wala akong narinig.

"Pagkakataon muna 'to para marinig yung paliwanag niya kaya ano pang ginagawa mo? You should talk to him" Saad niya

"Ayoko." Simpleng sagot ko kayat napapailing na lamang siya

"Zoe naman. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo dahil sa hindi pagpansin sa kanya. Pwede bang ibaba mo muna ang pride mo?"

Sagot niya at nagulat na lamang ako nung buksan niya yung pintuan saka niya pinapasok yung dalawang kinaiinisan ko. Tinignan ko si Aubrielle na ngayon ay nakatingin rin sa'kin. Tsk, kunwari mabait. Maganda siya pero mas maganda naman ako kaya't malabo naman atang mangyari na ipagpapalit ako ni Jayden dito pero hindi ko talaga maintindihan kung ba't parang mas importante pa siya kesa sa'kin. Siguro linandi niya si Jayden kaya ganun. Sa mukha palang ng babaeng 'to e halatang malandi siya.

"Hi" Bati nung babae pero inirapan ko lang siya. At talagang maarte pa ang boses niya. Tsk, malandi nga. Tunay ngang malandi siya.

"Gusto ko lang sanang humingi ng paumanhin" Aniya

"Naku, hindi mo kailangan humingin ng paliwanag dahil naiintindihan ko naman e" Sagot ko

Naiintindihan kong childhood friend ka niya kaya naman mas mahalaga ka.

Naiintindihan ko na ikaw ang first priority ng boy-- ex boyfriend to be exact.

"No. Alam kong galit ka sa'kin. Zoe, magkaibigan lang kami ni Jayden" Saad niya.

Yeah, right. Magkaibigan pero naglalandian naman, tsk. Saka bakit siyanagpapaliwanag? I didn't even asked her to explain. In short, I don't need her explanation.

"Sana patawarin muna kaming dalawa. Hindi naman sinasadya ni Jayden na iwan ka kanina. Hayaan mo syang magpaliwanag at maiintindihan mo ang kahat. Zoe, ikaw ang first priority niya at hindi ako. At saka isa pa, hindi ko siya aagawin sa'yo dahil may iba ng nagmamay- ari ng puso ko." Paliwanag pa niya pero wala akong pakialam sa mga pinagsasabi niya.

Tinignan ko muna siya ng masama saka ako nagsalita. "Wala kana bang sasabihin? Dahil kung wala na ay makakaalis na kayo."

NFWYE Book2: Loving My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon