💖👑💖
ZOE's POV
ZoDen's Cafe
Napangiti na lamang ako habang ako'y nakatitig sa sariling cafe ni love. Oo. May sarili na syang cafe. Nakakatuwa lang dahil pagkatapos nung surprise niya sa'kin ay pinagpatuloy niya na ang paggawa netong cafe. Apat na linggo na rin simula nung gawin niya yung surprise at dalawang linggo na rin ang nakakalipas simula ng mapatayo niya ang Zoden's Cafe. Pinagsamang pangalan ko at pangalan niya.
Pagkapasok ko ay dun ko nakita si love na abala sa mga customer. Umagang-umaga ay marami ng mga customer. Nung makita niya ako ay agad syang pumunta sa'kin saka niya ako yinakap. "I miss you, love" Saad niya. "I miss you too, love" sagot ko naman.
Halos dalawang araw kasi na hindi kami nagkita dahil nga abala siya dito sa cafe at naiintindihan ko naman 'yon. Dahil walang pasok ngayon, dahil nga bakasyon ay kailangan nyang pagtuunan ng pansin 'to. Madalas ay nandito rin ako para tulungan siya , kagaya ngayon araw napagisipan ko kasi na tulungan siya tutal naman gusto ko syang makita.
"Anong gusto mo?" Tanong niya. Napangiti na lamang ako dahil kahit marami na syang customer ay hindi parin siya nawawalan ng oras para sa'kin at laging ako pa rin ang inuuna niya.
"Love naman, wag mo dapat akong unahin dahil marami kang customer at isa pa nandito ako para tumulong sa'yo" Sagot ko.
"Love, ilang beses ko bang dapat sabihin sa'yo na ikaw ang first priority ko kaya kahit ilang customer pa ang nandyan eh ikaw at ikaw parin ang uunahin ko. Saka hindi mo naman kailangan tumulong eh dahil alam kong mapapagod ka kaya halika" Saad niya at hinila niya ako papunta sa isang bakanteng upuan at pinaupo niya ako.
"Anong gusto mo? Libre ko." Saad pa niya at natawa na lamang ako.
"Lagi naman akong libre dito eh saka alam mo na rin kung anong gusto ko" Natatawang sagot ko.
"Syempre , love kasi kita" Aniya at hinalikan niya ako sa noo saka siya naglakad palayo sa akin.
Kinuha ko na lamang ang librong binabasa ko. Kasalukuyan akong nagbabasa nung may tumawag ng pangalan ko kaya naman napatingin ako sa taong kaharap ko na tumawag sa'kin.
"Jared?"
"Long time no see, Zoe. Kamusta na?" Tanong niya
"Okay naman ako" Sagot ko. Si Jared nga pala, pinsan ni Yenny. Grabe matagal-tagal narin simula nung magkita kami. Ang huli ata namin pagkikita ay nun bago pumunta si Yenny sa probinsya. Sobrang close ko rin sa kanya na napagkakamalan kaming magboyfriend/girlfriend pero kahit kelan naman ay hindi kami napamahal sa isa't isa dahil nga kahit na noon palang ay may iba kaming gusto. Nakilala ko siya ,ilang taon na ang nakakalipas, nung naging kaibigan ko si Yenny ay dun ko na siya nakilala.
"Ikaw? Kamusta na kayo ni Ailecm (pronounce as Ay-lem)" Tanong ko
"Hindi pa ba nasasabi sa'yo ni Yenny na matagal ng wala kami?" Tanong niya at nagulat naman ako.
"Talaga? Akala ko kayo parin hanggang ngayon"
"Yeah. Matagal na rin naman akong nakamove on at saka may boyfriend na yun" Pagpapaliwanag niya.
Si Ailecm , isa rin siya sa mga naging kaibigan ko nun pero hindi kami ganun ka-close.
"Namiss talaga kita " Saad niya.
"I mi---" Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko dahil nga biglang dumating si love. Uh-oh mukhang nagseselos na naman siya. Tinignan niya si Jared ng masama kaya alam kong sa tingin na 'yon ay may ibig sabihin.
"Sorry kung natagalan" saad niya saka niya linagay sa mesa ang Caramel Frappe na ginawa niya. Akala ko uupo siya sa tabi ko pero nadismaya ako nung bigla nalang siya umalis.
Nagseselos nga siya. Hay, eto na naman ang pagiging seloso niya.
"Puntahan mo na siya" Napatingin naman ako kay Jared
"Mukhang boyfriend mo yun, tama ba ako? Kung makatingin kasi siya sa'kin ay parang gusto niya akong patayin. " dagdag pa niya.
"Sige. Maiwan muna kita, okay?" Sabi ko at tumango tango naman siya. Kinuha ko muna ang mga gamit ko kasama narin nung Caramel Frappe saka ko siya sinundan. Lumabas siya kaya lumabas rin ako.
Nung tumigil siya sa paglalakad ay dun ko siya tinignan at saka ako nagsalita. "Hay, napaka-seloso talaga ng boyfriend. Love, pati ba naman yung pinsan ni Yenny eh pagseselosan mo?"
"Hindi naman ako nagseselos eh" Saad niya at dun ako natigilan. Okay. So nag-aasume ako, ganun?. Maling akala, ganun? Oh edi ako na ang napahiya.
"Eh ba't ka biglang umalis kanina?" Tanong ko
"Zoe, maraming customer" Sagot niya. At ngayon naman hindi niya ako tinatawag na love? Tch ang gulo niya.
"Fine!. Sorry kung naistorbo kita. Sige babalik na ako sa loob" Pagpapaalam ko.
"Mag-uusap pa ba kayo?" Tanong niya
"Oo. Okay lang naman sayo yun, diba? Kagaya nga ng sabi mo hindi ka nagseselos " Sarcastic kong sagot saka ako naglakad palayo. Bubuksan ko na sana yung pinto, papasok sa loob nung bigla akong hinila ni Jayden at bigla niya akong yinakap.
"Sorry and yes, love. Nagseselos ako. Sobra-sobrang selos ang naramdaman ko nung makita kitang kausap siya. Ayoko lang aminin sa'yo dahil nga baka mag-away pa tayo dahil sa pagiging seloso ko." Pagpapaliwanag niya at dun lalo bumilis ang tibok ng puso ko.
Kahit pala minsan ay naiinis ako dahil sa pagiging seloso niya ay hahanap-hanapin ko pa rin 'yon. Mas matutuwa pala ako kapag nagseselos siya. Nasanay na kasi ako sa pagiging seloso niya.
"Kailangan mo pa ba talagang balikan siya?" Tanong ni love kaya naman tumango-tango ako.
"Oo eh pero wag kang magseselos, okay? Kakausapin ko lang siya ng mabilis" Saad ko
"Mabilis lang?" Tanong niya kaya't tumango ulit ako.
"Sige."
Papasok na sana kami sa loob ng biglang may tumawag sa pangalan ni love. Pareho kaming napalingon at nagulat na lamang ako nung biglang tumakbo si Jayden palapit sa babae at bigla niya itong yinakap.
Teka anong ibig sabihin nito?
Narinig ko pang nagsabihan sila ng 'I miss you' at lalo akong nagulat nung hinalikan ng babae si Jayden , pero ang kinaiinis ko ay parang wala lang 'yon kay Jayden. Sa tingin ko rin ay nakalimutan na ata ni love na nandito pa ako kaya naman pumasok na lamang ako sa loob.
Parang dinurog-durog ang puso ko nung makita ko kung gaano sila kasaya.
Pero alam niyo yung mas masakit?
Yung pakiramdam na bakit sila lang dalawa ang nasa paligid? Ba't parang wala ako dito na nakatayo? Ba't parang sa isang iglap ay nawala ako sa isip ni Jayden? Nasaktan ako nung pumasok sila sa loob ng cafe at iniwan nila ako dito sa labas.
And then....... I felt jealousy.
BINABASA MO ANG
NFWYE Book2: Loving My Enemy
Teen FictionIs their love enough to face the hard challenges? or would they give up? Book two of Never Fall With Your Enemy...Kindly read the book 1 before reading this para hindi kayo maguluhan