NFWYE Eight

184 6 2
                                    

#HisFeelings
***
Kasabay ng pagsigaw niya ay ang paghinto ng mundo ko. Nakatayo lamang ako dito sa kinatatayuan ko at diko rin namalayan na papalapit si Aubrielle sa'kin. Paglapit niya ay kunot noo pa niya akong tinignan pero agad rin niya akong yinakap.

"She left me" Pagsumbong ko sa kanya na parang bata na ninakawan ng laruan at nagsusumbong sa magulang. Lalo nyang hinigpitan ang yakap niya sa'kin dahil sa sinabi ko.

Wala na akong pakialam sa iisipin niya at sa iisipin ng ibang tao na nakatingin sa amin. Isipin na nilang baliw ako, wala akong pakialam dahil totoo naman eh, konting konti nalang ay mababaliw na ako. Ayokong magmukhang mahina sa harapan ni Zoe at sa harapan ng mga tao pero talagang hindi ko na nakayanan ang sakit kaya kailangan kong maibuhos 'tong nararamdaman ko.

"Aubrie, she left me" Pag- uulit ko habang patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko. Inalalayan niya ako papasok sa loob ng cafe. Pumasok na lamang kami sa may pintuan sa likuran ng cafe na mga empleyado lamang ang nakakapasok. Pagpasok namin ay dun niya ako pinaupo at binigyan ng tubig para kalmahin ko ang sarili ko.

"Now, tell me everything" Utos niya.

"She left me" Pag- uulit ko

"Enough with that. Okay, she left you but what really happened?" Tanong niya habang nakatingin siya sa'kin ng seryoso.

At dahil dun nakalimutan mong may girlfriend ka na kasama mo?

It ain't me, love. Hindi pala ako ang first priority mo dahil para sa'yo isa lang akong second option. Makulit na kung makulit pero masakit eh. Masaya ka dahil muli mo syang nakita?, naiintindihan ko naman 'yun eh pero ang iwan akong mag-isa at basta na lamang akong kalimutan?. Yun ang hindi ko maintindihan.

Tama ba naman kasing basta mo nalang iwan ang girlfriend mo at basta kana lang sumama sa ibang babae? Jayden, nag- expect ako eh. Nag assume ako na hahabulin mo ako at agad na magpapaliwanag pero ano? Mas inuna mo pa ang pakikipagtawanan sa babaeng 'yon?

Paulit ulit na nagflashback sa'kin ang mga binitawan nyang salita. Unti- unting nadudurog ang puso ko habang naaalala ko lahat ng sinabi niya sa'kin. It was all my fault. Ako ang may kasalanan kung ba't niya ako iniwan. Ako ang may kasalanan kung ba't siya nagalit.

"Aubrie, it was all my fault. Sana binalikan ko siya kaagad. Hindi ko kasi alam na magseselos siya. Hindi ko kasi alam na big deal para 'yon sa kanya tapos nainis pa ako sa kanya kanina tapos----- she left me. She broke up with me. Aubrie, wala na kami." Sagot ko.

"Jayden, wala kang kasalanan kung may dapat man sisihin dito e ako 'yon. Dapat nagpakilala mun ako sa kanya. I'm so sorry, Jayden. Dahil sa'kin nasira ang pag-iibigan niyo. It was all my fault not yours."

"I will talk to her. Kakausapin ko siya para maliwanagan siya. I know she's hurt and I know how it feels. " Pagpapakalma niya sa'kin pero tila atang hindi umubra ang pagpapakalma niya dahil sa sobrang takot ko. I'm scared that I might lose her. Natatakot ako na baka hindi na niya ako balikan.

Iyak lang ako ng iyak at iniisip ko kung paano ako mapapatawad ni Zoe. Galit siya at kasalanan ko 'yon. Pakiramdam niya'y walang katotohanan ang sinabi ko sa kanya nun na siya ang first priority ko. Ba't ba kasi ang tanga- tanga ko at hindi ko man lang naisip ang mga maaaring mangyari nung iniwan ko lang siya dun. Darn it! Kasalanan ko lahat. I'm too stupid.

"Aubrie, paano kung hindi na niya ako balikan?"

"I'll make sure that it won't happen. Babalikan ka niya. Trust me, I got your back." Aniya saka siya nagpaalam na aalis na siya dahil may aasikasuhin pa daw siya.

Napabuntong hininga na lamang ako habang iniisip ko parin kung paano ko susuyuin si Zoe. Lumabas muna ako saglit para tignan kung maraming pang customer at nung makita ko ngang nagsiuwian narin lahat ng tao sa loob ay dun na ako nagkaroon ng pagkakataon para isara ang coffee shop. Wala akong balak magtrabaho ngayon lalo na't hindi kami ayos nung taong inspirasyon ko. Inilagay ko na lamang ang sign na closed saka pumasok muna ako sa loob para dun magisip- isip.

Dahil sa pag- iisip ko ay hindi ko napansin na may tao na pala sa harapan. Tinignan ko 'to at laking gulat ko nung makita ko ang isang taong pinagselosan ko lang kanina. Yung lalaking kausap kanina ni Zoe, anong ginagawa niya dito?

"What are you doing here?" Tanong ko

"I'm here for Zoe" Aniya

Zoe, the girl I love the most. Bakit niya kailangan si love? "Why?"

"She's mine, now" Kampante nyang sagot. What the heck!? Kung nakakamatay lang ang tingin ay matagal na syang nakahandusay sa sahig dahil sa tingin ko. Ang lakas naman ng loob netong lalakeng 'to para sabihan niya akong sa kanya na si Zoe.

"She's not yours. She's mine alone so back off, dude. Eto tatandaan mo, kahit kailan hindi mo siya makukuha sa'kin. Maliwanag?. Hindi siya sayo at kahit kailan hindi magkakatotoo yang sinasabi mo." Sagot ko at dahil sa inis ko ay tumayo na lamang ako saka akmang aalis na nung bigla niya akong pinigilan.

"Ano bang problema mo? Hindi ka ba makaintindi? Akin lang si Zoe, akin lang siya. She's all mine."

"Woah, chill dude. Kahit naman gusto ko siya ay hindi ko siya aagawin. Andito ako para pagsabihan ka. Mahal na mahal ka ni Zoe kaya sana gawin mo lahat para mapatawad ka niya." Aniya saka siya umalis.

What the hell is his problem? Of course, I'll do everything. I'm willing to do anything or everything just for the sake of our love.

Zoe, wait for me. I'll be there.

NFWYE Book2: Loving My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon