NFYWE Five

195 7 5
                                    

A/N: Sorry for taking so long. Sana patuloy niyo parin 'tong suportahan. Medyo naging busy lang kasi ako saka kailangan ko pang mag- isip ng kasunod. I'm trying to make this more better than the last four chapters. Para kasing medyo may pagka corny sa last four.

***

Naramdaman ko na lamang ang pagpatak ng mga luha mula sa'kin mga mata. Oo, aaminin ko, simula nung naging kami ni Jayden ay hindi ko maiiwasan ang selos. Laging nandyan yan e, ewan ko nga ba kung ba't siya lapitin ng mga babae. Pero itong pagseselos na 'to, iba. Ibang- iba sa mga pinagselosan ko dati.

Nakakaramdam ako ng takot. Takot na baka sa isang iglap ay mawala siya sa'kin. Natatakot ako na baka may posibilidad na maagaw niya si love sa'kin.

Kinakabahan at ramdam ko rin ang panginginig ng buong katawan ko nung mapagdesisyunan kong bumalik ulit sa loob. Kahit ayoko ay kailangan. May kailangan pa kasi akong balikan dun.

Pero nung pumasok ako ay dun ako nagsisi. Sana pala hindi nalang ako bumalik dito. Nakatayo lamang ako sa kinatatayuan ko dahil alam kong lalo lamang akong masasaktan pag lumapit pa ako sa kanila.
Ramdam ko rin ang pagtingin ng mga customers sa'kin dahil sa mga pesteng luhang 'to na wala na atang balak tumigil. Kitang- kita ko ang pagkunot ng mga noo nila na parang naguguluhan. They think I'm crazy and yes, they are right. Baliw na nga ako. Baliw na baliw na dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Nag-aalala naman na lumapit si Jared sa'kin saka niya ako mabilis na hilahin palabas sa cafe. Pagkalabas namin ay dun ko na naibuhos lahat ng sa'kit. Yakap- yakap ko si Jared habang umiiyak na parang bata. "Sshhh, just cry. For now, I'll be your crying shoulder, okay?. Ilabas mo lang ang lahat"

"Ang saya- saya nila. Ni hindi man lang ako napansin ni love nung pumasok ako. Akala ko ba ako ang first priority niya? Pero bakit sa pinakita niya ngayon ay parang walang katotohanan ang sinabi niya sa'kin?. " Nauutal kong sabi habang patuloy parin sa pagpatak ang mga luha ko.

Kumawala ako mula sa pagkakayakap saka ko siya tinignan. Hinawakan niya ang mukha ko saka niya unti- unting pinunasan ang aking mga luha. Ngumiti siya saka tinignan niya ako sa mga mata "Magiging okay rin ang lahat. Bakit hindi mo siya kausapin?. Zoe, siguro mas mabuti kung pakinggan mo muna ang side niya. Hindi naman ata niya sinasadya ang pagkalimot niya sa'yo. Kilala mo ba yung babaeng kausap niya?" Kalmadong tanong niya sa'kin.

NFWYE Book2: Loving My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon