NFWYE Ten

169 5 3
                                    

Author's Note: Hanggang chapter 20 lang 'to. So 10 more chapters to go before the epilogue. Pero malay natin, baka magbago pa isip ko at habaan ko pa 'to. Let's see.

•|||•|||•

"Leave. Wala na kayong sasabihin, diba? Kaya makakaalis na kayo." Utos ko sa kanilang dalawa. Tinignan ako ni Yenny ng masama habang napapailing na lamang si Jayden.

"But---"

"No buts, Jayden. Mamili ka, aalis ka o aalis ka?"

"That's not fair, Zoe. We're here to apologize kaya please lang, pakinggan mo naman ang sasabihin namin." Sagot ni Jayden.

"Leave" Utos ko at nagkunwari na lamang ako na wala akong narinig sa sinabi niya. Sawa na ako. Sawa na akong makinig sa mga paliwanag niya. Paano ko gugustuhin na pakinggan ang side niya kung hindi niya kayang intindihin ang point ko?

Lalo akong nainis nung bumulong si Jayden sa friend niya bago sila umalis. Really? May pabulong- bulong pa silang nalalaman? Ano 'yon, ayaw nilang marinig namin ni Yenny yung sasabihin nila sa isa't isa?.

"Really, Zoe. Really?. Hindi mo ba narinig yung paliwanag nung friend ni Jayden?. Sinabi niya sayo na may boyfriend na siya pero pinaalis mo lang sila?. Gosh, I can't believe you. " Naiinis na sabi ni Yenny.

"Tch, maniwala. Baka sinabi niya lang 'yon para patawarin ko na sila at saka, did you saw what they did in front of us?. Naglalandian pa sila. " Galit na sagot ko.

"Zoe, bumulong lang si Jayden at hindi 'yon landi. Nagiging OA kana talaga."

"At ako pa talaga ang OA? Naiinis ako sa kanila, lalong- lalo na dun sa babaeng kasama niya"

"Hay naku. Hindi kona alam ang gagawin ko sa'yo. Mamaya, iiyak kana naman. " Aniya pero tinaasan ko lamang siya ng kilay.

Okay, hindi na ako iiyak. Baka nga naubos na lahat ng luha ko dahil sa kakaiyak ko kanina. Pero masisisi ba nila ako? Nasaktan lang naman ako ng sobra at kahit sabihin pa ng iba na nagiging OA ako e wala akong pake. Alam ko ang nararamdaman ko.

Nasaktan ako dahil sa ginawa ni Jayden at nasaktan ako dahil dalawang beses niya akong iniwan at mas pinili yung babaeng 'yon. Sino ba naman kasing babae ang hindi maiinis sa ginawa niya?.

Oo, alam ko na lalo lang akong masasaktan sa mga ginagawa ko. Oo, alam ko rin na nagiging selfish na ako sa desisyon ko but what can I do?. I was hurt at hindi ko man pinapakita pero sa totoo lang ay gustong- gusto ko ng yakapin, halikan at sabihin ang mga katagang 'mahal na mahal kita, love' pero hindi pa kasi ngayon ang tamang oras para dyan.

God knows how hard it is for me to tell them to leave. Maaaring naiinis ako kay Aubrielle pero dahil 'yon sa sobra akong nagseselos. Nagseselos ako dahil sobrang close nilang dalawa. Nagseselos ako dahil parang may chance na maagaw si Jayden sa'kin. Kung nakakamatay lang talaga ang selos ay matagal na akong namatay dahil sa lintik na selos na 'yan.

Ayoko ko rin naman na husgahan si Aubrielle dahil unang una ay wala akong karapatan para siya'y husgahan pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi siya husgahan.

"Yenny, sana naman maintindihan mo ang rason ko" Mahina kong sabi.

Tumingin naman siya sa'kin saka niya ako yinakap. "I understand you pero sana wag mo rin masamain ang sinabi ko. Ayaw lang kitang masaktan dahil parang kapatid na rin kita"

JAYDEN's POV

Pagkalabas namin sa condo ni Yenny ay dun na ako napaiyak. Nasasaktan ako sa pagtrato ni Zoe sa amin. Nasasaktan ako dahil parang wala na syang plano na balikan ako. But no-- I won't give up. Titiisin ko lahat ng masasakit na salitang sasabihin ni Zoe sa'kin para mapatawad niya ako.

Ayoko ng ganito. Namimiss kona yung dati. Dati na masaya pa kami, yung dati na walang problema at walang awayan. I miss her so much.

Alam ko na balang araw ay mapapatawad niya rin ako dahil nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Marami pang rason para hindi ako sumuko.

"Don't give up, okay?" Pagpapalakas ni Aubrie sa loob ko.

"I won't. I'm willing to do everything or anything and that's how I love her" Sagot ko.

"Ang swerte niya sa'yo."

Umiling- iling ako saka ako ngumiti at sinagot ang sinabi niya. "No. I'm lucky to have her"

Nginitian na lamang niya ako saka kami sumakay sa kotse ko. Inihatid ko muna siya sa kanila bago ako dumiretso sa bahay ko.

Pagkatapos akong kausapin nung Jared na 'yon ay dali- dali kong tinawagan si Aubrie para ako'y samahan. Hindi sa hindi ko kayang mag- isa, mismong si Aubrie ang nagrequest sa'kin na kapag pupuntahan ko si Zoe ay sasama siya dahil gusto niya rin daw humingi ng tawad sa kanya.

Nadismaya lang talaga ako dahil ang buong akala ko ay mapapatawad na ako ni Zoe but I guess, I need to wait. Kailangan kong maghintay na mawala ang galit niya sa'kin. But I don't care. Kahit gaano pa katagal ay kakayanin ko.

Pagkarating ko sa bahay ay naisipan kong gawan siya ng letter. A letter of forgiveness. Nung masigurado kong ayos na ang ginawa ko ay agad ko itong itinago. Bukas na bukas ay pupunta ulit ako sa kanya para siya'y suyuin.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para ipaghanda si Zoe ng cupcake. Alam kong paborito niya 'to kaya sana may maitulong 'tong cupcake na gagawin ko. Hindi ko alam kung paano mag bake pero dahil sa online videos ay dun ako natuto. Hindi naman pala ganun kahirap kaya't mabilis kong natapos ang paggawa.

Nagpadeliver pa ako ng bouquet of roses para naman complete package, diba? Bago ako dumiretso sa bahay ni Zoe ay sinigurado ko muna na dala kona lahat ng kailangan ko at nun nga makasiguro na ako na wala akong naiwan ay dun na ako nagmaneho ng mabilis.

God, please guide me.

Sana lang talaga maging successful 'tong pagpunta ko pero kung sakali mang hindi e hindi parin ako susuko.

NFWYE Book2: Loving My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon