Epilogue

377 10 11
                                    

    After TWO years...........
Her POV

"Love, kanina mo pa tinititigan ang wedding picture natin" Saad ko nung mapansin kong kanina pa tulala si Jayden habang nakatingin lang siya sa litrato namin dalawa nung kakatapos lang namin ikasal.

"Masaya lang kasi ako, love" Sagot naman niya.

Pati rin naman ako ay masaya. Sino ba naman kasing mag- aakalang yung dating kinaiinisan ang isa't isa ay ngayo'y nagmamahalan na.

Dalawang taon na simula nung makasal kami. Aaminin ko, sa dalawang taon hindi maiiwasan ang pag- aaway namin at dahil sa selos nagsisimula ang lahat. Hindi naman kasi maiiwasan yung ganun. Yun bang makita lang ni Jayden na may kinakausap akong lalake ay nagseselos na siya kaagad o di kaya'y pag nakita ko syang nakikipagngitian sa babae ay nagseselos rin ako.

Pero hindi ko naman pinagsisisihan ang pagsagot ko ng I do sa tanong nung pari kung handa ba akong mahalin siya hanggang sa mawalan na kami g hininga. Simula nung makasal kami last year ay naging mas masaya na ang pagsasamahan namin ni Jayden.

Kung noon, ako lang ang babaeng mamahalin niya, ngayon ay dalawa na kami. Dalawa na kaming tinatawag niya ng mahal at dalawa na kaming inaalagaan niya. Oo, nagkaanak kami ni Jayden.

Nung makarinig ako ng iyak mula sa kwarto namin ay agad akong napatigil sa pag- iisip. "Love, ako na pupunta" Sabi sa'kin ni Jayden kaya tumango na lamang ako pero sinundan ko rin siya kaagad.

Pagkarating ko sa kwarto ay nakita ko si Jayden na karga- karga si baby. "Pasado na ba ako, love?." Pagbibiro nyang tanong.

"Oo naman. Natigil nga sa pag- iyak si baby dahil sa'yo" Sagot ko naman.

"Good. Pagkatapos nito gawa ulit tayo, okay?" Pagbibiro niya.

"Ikaw talaga. I love you, love" Sagot ko.

"I love you too at syempre mahal ko rin si baby" Sagot naman niya.

Napapangiti ako habang inaalala ko ang mga pagsubok na sumukat kung gaano namin kamahal ang isa't- isa ni Jayden.

Pero masaya ako dahil lahat 'yon ay nalagpasan namin. Siguro nga, binigay ng diyos ang mga pagsubok na 'yon hindi para paghiwalayin kami kundi para lalong lumalim ang pagsasamahan namin.

Maaaring sinisi ko ang diyos nun dahil sa mga nangyayari sa amin pero ngayon, naiintindihan ko na ang lahat. Naiintindihan ko na ang mga plano niya para sa amin dalawa.

Maraming beses na nasaktan namin ang isa't- isa ngunit nagpapasalamat ako sa panginoon dahil binibigyan niya kami ng lakas para lumaban pa.

May mga bagay na hindi namin inaasahan na mangyayari ngunit parte rin 'yon ng plano niya para mapagtibay kaming dalawa

Ngayon, sigurado na ako na pangmatagalan na ang kasiyahan na aming nadarama. Kung darating man ang panahon na may susubok ulit sa amin ay handa kaming harapin ang mga 'yon ng magkasama, lalo na ngayon na may sarili na kaming pamilya.

Mahal na mahal ko ang pamilya ko at gagawin ko ang lahat para walang makasira sa pamilya namin.

Nagmamahal,
Zoe (Wife of Jayden)

°°°°°°

A/N: Yes, you heard it right. Hanggang dito nalang ang kwento ng pag- iibigan nila Zoe and Jayden. Alam kong hindi 'to gaanong mahaba pero for some reasons, kailangan ko na 'tong tapusin. Pero kung gusto niyo pang magbasa ng mga kwento ko ay may sinusulat ulit akong kwento na para bang second generation ng NFWYE.

Title: It Ain't Me.

Maganda 'yon, promise. Love story ito ng anak nila Zoe at Jayden. Oo, may love story na agad yung anak nila. Kung napapansin niyo hindi ko pa nilagay ang pangalan ng anak nilang babae dahil nga hanggang ngayon ay kailangan ko pag- isipan kung anong ipapangalan ko sa new character.

Super thanks💕💕💕💕

NFWYE Book2: Loving My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon