NFWYE Eighteen

170 4 0
                                    

ZOE's POV

Pagkatapos nung araw na 'yon ay hindi na siya nagpakita sa'kin. I tried calling and texting him but he won't answer. Nagpunta pa ako sa kanila pero hindi niya binubuksan ang pinto.

2 weeks. It's been two weeks at hanggang ngayon wala parin akong naririnig tungkol sa kaniya. Dalawang linggo na niya akong hindi kinakausap o kinakamusta. Dalawang linggo na rin akong nagdurusa.

Ilang beses kong sinabi sa sarili ko na baka may importanteng rason siya, na baka babalik rin siya kaagad pero sa tuwing nag- iisip ako ng rason para man lang mabawasan ang sakit na nararamdaman ko ay parang lalo ko lang pinapahirapan ang sarili ko.

Reality hurts, ika nga. Ang katotohanan na baka hindi na siya bumalik, katotohanan na baka iniwan na niya talaga ako ng tuluyan.

Ngunit ano bang nagawa kong mali para iwanan niya ako? Pinagkatiwalaan ko naman siya. Hindi ko siya pinagdudahan. Iniintindi ko siya pero ba't ganun?

May nahanap na ba syang mas higit sa'kin sa lahat ng bagay? Mas maganda, mas mapagmahal, mas sexy, mas sweet. Mas--

"Zoe" Tawag sa'kin ni Yenny na nakapagpatigil sa'kin sa pag- iisip.

Tumingin ako sa kanya "Bakit?" Tanong ko kaagad.

Hindi niya ako sinagot bagkus ay linabas niya ang phone niya saka niya 'to binigay sa'kin. "Panoorin mo yan" Utos niya sa'kin.

Tinignan ko naman ang phone niya at nakita ko nga na may video. I pressed the play button and then I started watching it.

"Do you want me?" Tanong nung babae na nasa video, hindi ko gaanong makita ang mukha nung nagsalita dahil nga hindi masyadong klaro ang video.

Ngunit pamilyar sa'kin ang boses nung nagsalita. Para bang kaboses ito nung childhood friend ni Jayden. Is it Aubrielle? Siya ba ang nagsalita pero kung siya nga ba't 'to ipapanood ni Yenny sa'kin?.

Gusto niya bang ipakita sa'kin ang ibang side ni Aubrielle?. Nagpatuloy lang ako sa panonood at nakita ko nga na naghalikan na yung babae at lalake sa video.

Hindi ko masyadong makita yung mga mukha nila dahil nga hindi klaro at medyo magulo ang pagkakavideo. Ang alam ko lang ay naghahalikan na silang dalawa at napansin ko rin na wala ng suot yung lalake na pang- itaas.

NFWYE Book2: Loving My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon