NFWYE Seventeen

88 2 0
                                    

ZOE's POV

"When you love, you'll experience the pain. Love is not all about happiness, it's also about pain. Love without pain is boring." Yenny said while reading a book about some complicated love story. Napapailing na lamang ako bilang hindi pagsang- ayon sa sinabi niya.

"But would you still call it love when you no longer happy? Pag- ibig pa rin ba ang maitatawag sa isang relasyong puno ng kalungkutan at kasawian?" Tanong ko. Napatulala naman siya sa sinabi ko pero agad rin syang nagkibit balikat.

Alam ko naman na parte na ng pag- ibig ang masaktan pero paano kung sobra- sobra ka ng nasasaktan at hindi kana nakakaramdam ng kasiyahan? That's not love, anymore. Right? Hindi na 'yon matatawag na tunay na pag- ibig kasi yung sakit ay hindi mo na kayang tiisin at gustong- gusto mo ng sumuko.

"If that's the case then I think you should let go of that person who's causing you so much pain. Kasi hindi mo yan deserve. We all deserve to be happy, Zoe." Sagot naman niya.

Araw- araw, tinatanong ko sa sarili ko kung kaya ko pa ba? Lalaban pa ba ako o susuko na?. "Should I give up?" Tanong ko.

"It's up to you. Sundin mo ang isip mo dahil mas alam niya ang nakakabuti para sa'yo. Hindi mo na kaya, diba? Kaya kung puro pasakit nalang ang naibibigay niya sa'yo ay kailangan mo ng sumuko." Seryosong sabi ni Yenny sa'kin.

Ramdam ko ang pag- aalala sa boses niya at gumaan ng konti ang loob ko dun. Alam kong kahit anong desisyon ang gawin ko ay mananatili parin siya sa tabi ko. She'll never left me, unlike him. He left me without saying any word. Hindi man lang siya nagpaalam sa'kin na hindi na niya ako babalikan.

"Kaso hindi ko kaya. Hindi ko kayang kalimutan siya. Yenny, paano pa ako mabubuhay kung alam kong tuluyan na niya akong iniwan?. He's my life. He's my everything so tell me how could I forget him?"

"Pero hindi siya kawalan. There's always a better reason kung ba't nangyari sa'yo 'yan."

"You really think so? Bakit? Ganun ba ako kadaling iwanan? Ganun ba ako kadaling kalimutan?" I asked.

"No, Zoe. Wag na wag kang mag- iisip ng ganyan dahil hindi mo alam na baka may rason pala siya kung ba't ka niya iniwan."

"Reason? Yeah, right. I'm not still enough, right? Iniwan niya ako kasi hindi pa ako sapat."

"No. I'm pretty sure that he got reasons. "

Umiling- iling ako dahil sa sinabi niya. I don't think so.

2 Weeks Ago........

Nagising na lamang ako nung maramdaman kong may humalik sa'kin noon. Iminulat ko ang aking mata at dun ko nakita si Jayden na seryosong nakatingin sa'kin.

"Love, I'm so sorry" Paghingi niya ng tawad sa'kin.

Hinawakan ko ang kanyang mukha saka ko siya hinalikan. "It's fine. Hindi ako galit sa'yo" Bulong ko.

NFWYE Book2: Loving My EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon