Habang kumakain si Zoe ay hindi ko maiwasan na tignan siya. Ang saya- saya ng pakiramdam ko ngayon dahil mismong ako ang naghanda sa kinakain niya ngayon. Maaaring hindi pa kami nagkakaayos sa ngayon pero ang masilayan ang maganda at nakangiti nyang mukha ay sapat na sa'kin.
"What?" Kunot- noo naman niya akong tinignan nung mapansin niya ang pagtitig ko. Tumawa na lamang ako dahil kitang- kita ko ang pagkailang niya dahil sa pagtingin ko sa kanya.
"Hindi kaba kakain?" Tanong niya.
"Hindi na. Busog na ako" Sagot ko pero sa totoo lang ay hindi pa ako nag-aalmusal, nabusog lamang ako dahil sa pagtitig ko sa babaeng mahal na mahal ko. Makita ko lang siyang kinakain ang inihanda ko ay busog na rin ako.
Napatigil ako sa pag- iisip nung may iniabot siya sa'kin na cupcake. "Eto, kainin mo." Aniya.
Ramdam na ramdam ko ang pag-aalala sa kanyang boses kaya't mas lalo akong napangiti. Kinuha ko naman 'yon saka ko mabilis na kinain. Siguro kung magugunaw man ang mundo ngayon ay ayos lang sa'kin. Yung kasama ko siya hanggang sa huli kong paghinga ay sapat na sa'kin. This is all enough for me but, of course, it would be much better kung bibigyan na niya ako ng ikalawang pagkakataon.
Hindi ko naman siya minamadali. At saka hindi ko rin naman siya masisisi kung bakit siya ganito makintungo sa'kin. Alam ko naman na walang kapatawaran ang ginawa ko kaya handa akong maghintay. Kung may maipapangako man ako sa kanya ay yung hindi- hindi na 'yon mauulit. Hinding- hindi na mauulit ang ginawa kong katangahan.
"Anong tinitingin- tingin mo dyan?" Nakakunot noo nyang tanong.
Umilinh- iling naman ako "Wala. Ang ganda lang kasi ng love ko e"
"Tse, hindi mo ako makukuha sa ganyan." Saad niya.
Tumango na lamang ako saka ngumiti. "Alam ko naman 'yon. Sinasabi ko lang yung totoo. You're the most beautiful girl that I've ever met"
Besides, Alam kong kailangan kong gawin ang lahat ng makakaya ko para ako'y mapatawad niya. Willing naman ako eh. Sana lang talaga willing din siyang bigyan ako ng second chance.
Napatigil lamang ako sa pagtitig sa kanya nung biglang naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko. Agad ko naman 'tong kinuha saka ko tinignan kung sino ang tumatawag.
Aubrie calling...............
Nagdalawang isip pa ako kung sasagutin ko ba ang tawag o hindi. Baka kasi importante ang sasabihin niya pero kailangan ko rin naman isa-isip ang mararamdaman ni Zoe.
Alam kong nagseselos siya sa kanya kaya kung malalaman nyang tumatawag sa'kin ni Aubrielle ay tiyak na magagalit yun sa'kin. Ayokong magselos na naman siya at mag- isip ng kung ano- ano.
"Hindi mo ba sasagutin yang tawag?" Tanong niya kaya napatigil ako sa pag- iisip at bigla akong kinabahan. Dali- dali kong pinatay ang tawag saka ko binalik ang phone sa bulsa ko.
"Uhmm. H-hindi 'yon importante"
"Sure ka? "
"Oo"
"Eh ba't parang kinakabahan ka?" Tanong pa niya at nagulat na lamang ako nung bigla nyang kunin ang phone ko. Sinubukan kong pigilan siya pero sadyang huli na ako dahil alam na niya kung sino ang tumatawag.
Sh*t. Eto yung kinakatakot ko.
"Kaya pala dika mapakali kasi tumatawag sa'yo yung childhood friend mo, ba't di mo sagutin? Diba importante siya sayo"
Eto na nga ba ang sinasabi ko. Obviously, she's jealous again. Sa tono pa lang ng pananalita niya e ramdam mo na ang inis niya. Wrong timing naman kasi yung tawag, kung kailan medyo nagiging okay na kami saka naman darating yung tawag, tch.
Wala na akong nagawa kundi ang sagutin ang tawag, nakita na niya e kaya no choice. Sagutin ko man o hindi ay alam kong magseselos parin siya. Nung sinagot ko ang tawag ay hindi na ako lumayo.
"Loud speaker?" Sarcastic nyang tanong nung pinindot ko ang loud speaker.
"Yeah, para maipakita ko sa'yo na wala ka dapat ikaselos" Sagot ko
["Hey, Jayden"] Rinig kong sabi ng nasa kabilang linya
"Aubrie, what's up?"
["Busy ka?"]
Hindi ko muna sinagot ang tanong niya bagkus ay tinignan ko muna si Zoe na nakatingin rin sa'kin at mukhang hinihintay niya rin ang isasagot ko.
"Yeah. Why?"
["May sasabihin lang sana ako pero sabi mo nga busy ka, kaya next time nalang. "]
"Kung importante yang sasabihin, okay lang naman sa'kin na magkita tayo"
["Really?. Ang sweet naman ng bestfriend ko"]
Sasagutin ko na dapat ang sinabi niya nung maramdaman ko ang pag- alis ni Zoe kaya naman mabilis ko syang hinabol. "Stay" Utos ko
She mouthed 'w-h-a-t?' kaya't napapailing na lamang ako. Hindi na naman niya pinatapos ang sasabihin ko.
"Yeah. Zoe will come. Alam mo na, kailangan present siya dun para mapatunayan ko na siya lang talaga ang babaeng mamahalin ko at wala ng iba" I said as I ended the call.
"That doesn't change a thing" Aniya
"Sasama ka sa'kin. We'll go together para wala ka ng masabi."
"No" Pagmamatigas niya
Hay, hindi ko alam na ganito pala kahirap suyuin ang isang babae. Pero hindi ako susuko. Never.
"I don't take 'no' as an answer. We'll go together and that's final" Ma- awtoridad kong sagot.
"Ayoko parin" Muling pagmamatigas niya.
"Zoe, naman. Wag ng makulit. Nakakainis kana"
Kita ko ang galit sa mukha niya nung sinabi ko 'yon at dun ko lang na realize na naging tanga na naman ako. Ba't ko kasi 'yon sinabi?. Lalo lang syang magagalit sa'kin dahil sa sinabi ko.
"Nakakainis na ako? Then, fine. Leave me alone and don't ever come back. "
"Zoe-"
"Nakakainis na ako, diba?. Kaya mas mabuti kung umalis kana lamang. Sorry, ha?. Sorry kung ganito yung ugali ko kasi gusto ko lang naman na suyuin mo ako. Oo na, napaka- OA ko na pero may gusto lang kasi akong malaman. Gusto kong malaman kung hanggang kailan mo kayang magtiis. Jayden, kung alam mo lang na miss na miss na kita. I badly want to hug you, kiss you------" I cut her words and that's when I kissed her.
Darn it. I'm so inlove with this girl. Sa isang iglap, nawala lahat ng lungkot at pangungulila. "Ssshh, I'm sorry. I love you, Zoe. I really do."
Yinakap lamang niya ako at dun ko narinig ang paghikbi niya. Umiiyak na naman siya and for the second time, pinaiyak ko na naman siya. "Give me another chance, love. I'm begging you"
Kumawala siya sa yakap saka niya ako tinignan sa mata. "I will and I love you too, love"
Hindi ko na napigilan ang luha ko nung tinawag niya muli akong 'love'. I've been waiting for this day. Nakakamiss talaga. At sa bawat pagbigkas niya ng salitang 'love' ay pakiramdam ko na parang nasa langit ako.
Thanks, God.
BINABASA MO ANG
NFWYE Book2: Loving My Enemy
Novela JuvenilIs their love enough to face the hard challenges? or would they give up? Book two of Never Fall With Your Enemy...Kindly read the book 1 before reading this para hindi kayo maguluhan