KATH'S POV:
"Kath! Baby Love!"
Oh my goodness, i know that voice.
Binilisan ko na lang yung lakad ko papunta sa Math class ko, as if walang naririnig. But the guy wouldn't stop and he kept on calling out.
"Hey, Kath! Wait!"
Mas binilisan ko pa yung lakad ko.
Pag ako nadapa dito at napahiya, masasakal ko talaga ang lalaking 'to!
Until i heard his voice was louder already. Ayun pala, halos katabi ko na sya. There, inabutan nya ko. So tumigil na ko sa paglalakad at hinarap sya.
"What?!"
He was standing but both his hands were on his knees, parang pagod na pagod and still catching his breath. Actually, ako din, medyo naghahabol ng hininga. Pero mas lalo sya, tumakbo ba naman eh.
"Wait, wait lang," he signaled his hand in front of me. "Whew!"
Hinintay ko lang syang matapos huminga. Oo, matapos talagang huminga, para mahimatay na sya at makapasok na ko sa first class ko. It would start in 15 minutes!
"Mawalang galang na, may klase pa po ako. Baka pwedeng pakibilisan ang paghinga mo?"
He stood straight already and faced me. "Ikaw eh.. Ang hirap na ngang huminga pag nakikita kita, pinahabol mo pa ko," his smile was very wide.
Creepy!
"Please, wala akong time makipagbiruan sayo -"
"Sorry, sorry, joke lang. Eto naman. I just wanna wish you luck on your Psy1 exam later," tinaas-baba nya pa yung eyebrows nya. "Sabi kasi ni Kathryn -"
I sighed and controlled my temper. "Tinawag mo ko dito sa gitna ng hallway, sinigaw-sigaw mo pa yang ipinaglalaban mong 'baby love' at hinabol mo pa ko, para lang mag good luck?" nakataas na ang isang kilay ko nyan.
"Yeah, why not? Syempre, concerned ako sa grades mo. Ayokong mawala yung pangalan na lagi kong tinitingnan sa Dean's List eh," he answered and even clipped my hair behind my ear. Nakita nyo yan, pati buhok ko, pinapakielaman. Sinong hindi mapipikon?
I moved my head away para tantanan nya ang nananahimik kong hair strands.
"Sana concerned ka din sa grades mo noh bago sa grades ko?" i said sarcastically. "Pumasok ka na nga." Umalis na ko at iniwan ko na sya. Hindi na sya humabol, kasi parang may mga tumawag din sa kanya.
"Bro, nandon na daw si Macaspac!" It was Rhovine i think, kasama nya din sa dance crew kaya familiar face.
But to my surprise, sumigaw nanaman si Distraction.
"Yes baby love! Papasok na ko!"
Hindi ko sya pinansin hanggang sa makarating ako sa dulo ng hallway papasok sa room ko... at umulit pa sya!
"Good luck on your exam ha! Promise, gagalingan ko din sa class ko!"
I glared at him bago pumasok sa classroom, where all of my classmates were looking at me, and said in chorus:
"Yiheee!"
Ugh.
I sat beside my bestfriend, and one of my very few friends, Loraine. Sa lahat ng tao sa room, sya lang yata ang hindi nang-asar. Of course she knew oh so well how i hate that Quen.

BINABASA MO ANG
Twin Hearts
RandomThey are the most popular twins in the campus. Kath, a consistent dean's lister and her twin sister Kathryn, the pageants' sweetheart. Quen, a hiphop dancer and his twin brother Enrique, the head of an outreach organization. Who's for who? Will they...