KATHRYN'S POV:
"OH MY GOSH! Sorry, i'm late!" i said as soon as i stepped in the room. Okay, nakatingin na silang lahat sa kin.
My eyes flew to Enrique's way. He was focused on his laptop - mukhang tapos na ang ginagawa nila, nag iinventory na sya.
Nakaayos na din sa floor lahat ng na-repack na goods para sa mga pamilyang nasunugan sa baranggay malapit sa campus. Parang gusto kong maiyak sa sobrang hiya.
Heaven came near me and tapped my back. "Okay lang yan. Mukhang puyat ka yata. Help ka na lang dalhin 'to sa pick-up truck."
Kumuha na sya ng ilang bags ng bigas at noodles. Sumunod na din sa kanya sina Jeron at Sam na mas maraming binitbit. A little later, lahat sila, nakalabas na ng room - kami na lang ni Enrique ang naiwan. I was still keeping my head low, inilapag ko yung bag ko sa table. I did not hear him typing anymore. Nakatingin na lang sya sa monitor. I picked up a couple of plastic bags when he spoke.
"Why are you late?"
I bit my lip. Hindi ako makatingin sa kanya. "N-napuyat lang."
"Telebabad?"
Oh God, please let me disappear now!
Alam nya. For sure, nakita or narinig nya si Quen kagabi.
"You know, it's okay to be late. We're all volunteers here. Hindi naman tayo binabayaran ng lahat ng tinutulungan natin." Tumayo na sya and nag start na din na kumuha ng mga repacked goods. "But i hope you know your priorities."
Doon na ko sumagot. "I'm sorry. Pero alam ko naman yung priorities ko. Alam mo din na this is my first time to be late sa mga activities natin -"
"Oo, i know. And unfortunately, i also know why you are now." His eyes were coldly staring at me.
And right there, i knew i was hurt. I was hurt because of the accusation in his stare. I was hurt because he was always doubting my intentions and my ability. I was hurt because what he says and what he thinks matter to me.
Naramdaman ko na lang na biglang may tumulo sa kamay ko. When i realized that they were tears, i immediately wiped my face. Kumuha pa ko ng ibang plastic bags and dere-derecho na ko sa pick-up.
Hindi ko na sya tiningnan ulit after that. Ginawa ko na lang yung trabaho ko. Pigil-pigil ko yung sarili ko na mapaiyak, baka mas may masabi nanaman sya sa kin - na ang arte-arte ko and masyado akong sensitive.
Maya-maya, narinig ko na lang syang nagsalita ulit.
"Guys, pasok muna ko sa class. Balik na lang ako after." Naglakad na sya palabas ng office. "Sam, pa-receive na lang nung 5 boxes na dadating mamaya. Galing kay Chancellor yun."
"Yes, boss." Sumaludo pa si Sam sa kanya.
Tuloy-tuloy lang ako sa pagbitbit ng mga kailangang ilagay sa sasakyan. Nung matapos na, inayos ko naman yung mga natitirang kahon at sako na hindi pa nare-repack.
"Kathryn, tama na muna yan. Kanina ka pa nagwowork. Baka pagod ka na," saway ni Ces sa kin.
I just smiled at her. "Mas pagod kayo, ang aga nyo pa dito."
"Maglulunch na nga kami eh. Tara na, sabay ka na."
Umiling naman ako. "Hindi pa naman ako gutom. Go ahead."

BINABASA MO ANG
Twin Hearts
AcakThey are the most popular twins in the campus. Kath, a consistent dean's lister and her twin sister Kathryn, the pageants' sweetheart. Quen, a hiphop dancer and his twin brother Enrique, the head of an outreach organization. Who's for who? Will they...