KATHRYN'S POV:
PASSED 5PM na and tapos na lahat ng classes ko for the day kaya bumalik ako sa office ng org para makatulong sa pag aayos ng bagong dating na donations. Exactly, paalis pala si Sam.
"Kathryn, will you stay here?" he asked, parang restless at nagmamadali.
"Oo. Why? Okay ka lang?"
Kinuha nya na yung mga gamit nya sabay abot ng keys sa kin. "Sorry, i really have to go. May emergency kasi sa bahay. Okay lang ba kung ikaw na yung bahala dun sa bagong dating na boxes?"
Parang na-alarm din ako dahil sa itsura nya. "Sure, ako na bahala dito. Sige na, go na."
"Thank you. Tawagan ko na lang si boss mamaya."
"Sige sige. Ingat ka ha?"
"Thanks. Bye."
It must be really important, i thought. Tiningnan ko yung hawak kong mga susi ng office pati yung mga kahon na nasa tabi pa ng pintuan.
Since hindi naman ako nakatulong masyado nung umaga, naisip ko na ito na ang chance ko na mag 'extra mile' para sa org. Sinimulan ko nang itulak papasok yung 2 boxes ng sardinas at 3 boxes ng noodles. I searched for the plastic bags na pwedeng paglagyan ng mga goods na ire-repack. Naupo na ko sa isang monobloc chair katabi ng iba't-ibang kahon and started repacking.
Habang ginagawa ko yun, napansin ko din yung mga gamit na hindi na nakaayos sa cabinet. Pag pagod na kasi yung officers sa activities, minsan iniiwanan na lang yung mga papel at tarps na nakapatong kung saan-saan. Medyo na-OC naman ako kaya iniwanan ko muna yung mga goods at nagligpit ng mga gamit.
After a while, may narinig akong nagbukas ng door. Nilingon ko yung dumating.
Si Enrique.
Wala akong nasabi kasi hindi ko ine-expect na dadaing sya. Mukhang nagulat din naman sya na nandoon ako.
"Si Sam?" he asked.
"Uhm, umalis. May emergency daw sa kanila. Hindi ka tinawagan?"
He checked his phone. "Hindi. Bakit andito ka?" tumingala ulit sya sa kin.
Then i realized, nakatungtong pala ako sa upuan dahil sa mga itinatabi kong tarps sa taas ng cabinet. "Ah, kasi wala na kong class. So naghanap ako ng pwedeng gawin dito. Sakto naman, kailangan nang umalis ni Sam."
"Ibinigay sayo yung susi?"
"Oo," i pointed to the table. "Nandyan."
"Ano bang ginagawa mo dyan?" nagsimula nanamang magsalubong yung kilay nya.
I looked at myself. I was wearing a tank top and pedal pants. Naka-paa lang ako habang nakatungtong sa monobloc. "May inaayos lang dito."
He looked at the repacked goods habang naka pameywang. "Ikaw din gumawa nito?"
"Yeah."
Bababa na sana ako sa upuan at mabilis naman syang nakalapit. He offered his hand para makapitan ko. But i did not take it. "Kaya ko naman. Salamat."
Binaba nya na lang yung kamay nya. "Til what time ka dito?"
"Until..." hinanap ko yung wall clock. "Magse-seven na pala. Hindi ko napansin."
![](https://img.wattpad.com/cover/11833369-288-k250809.jpg)
BINABASA MO ANG
Twin Hearts
RandomThey are the most popular twins in the campus. Kath, a consistent dean's lister and her twin sister Kathryn, the pageants' sweetheart. Quen, a hiphop dancer and his twin brother Enrique, the head of an outreach organization. Who's for who? Will they...