Chapter 10

747 30 30
                                    

KATHRYN'S POV:


EVERYONE'S busy para sa party-for-a-cause tonight. At long last, ito na yung pinagpaguran namin for weeks already. We have invited more than 20 academic and socio-civic organizations, and even fraternities and sororities, para magrequire ng mga members na pupunta sa exclusive event ng Real Life sa Hilton Bar, yung club nearest sa campus. Syempre, yung maco-collect na consumable entrance fee, yun ang magiging funds ng org for our future projects. Never pa daw nagawa ng org yung ganitong klase ng fand-raising activity before and i never thought that we could be open to this. Until nag-propose nga ang Y4L, yung org ng bruhang si Clariz.

Speaking of the witch, ayan, nakabuntot nanaman sya kay Enrique.

Nakakabwisit na ha! Three weeks ko na kayong pinagtitiisan!

Yeah, right. Simula nung mag execomm meeting kami 3 weeks ago para pag usapan ang event na 'to, palagi na namin kasama si Clariz. Kailangan daw ng presence nya for 'stronger partnership'. Duh, eh mukhang 'boyfriendship' naman ang habol ng babaeng 'to!

"Hoy, kilay mo salubong." Si Jam.

"What?" bingi-bingihan naman ako sabay alis ng tingin sa dalawang.

Then biglang may tumusok sa side ko. "Selos ka noh?" Si Heaven.

"Whaaat?! Ako, magseselos? Kay Enrique at Clariz? Please, spare me. Wala kaya akong pakielam sa kanila." Binalikan ko yung mga registration forms na inaayos ko.

Nagtinginan yung dalawa. And i was like, "Na-disappoint kayo noh? Saaarry. Hindi ko crush si boss. Hindi talaga."

They both shook their heads.

"Ang isda, sa bibig talaga nahuhuli." Jam even made that tsk-tsk-tsk sound.

"True. Wala pa kong sinabi, binuking nya na yung sarili nya." Heaven smiled big.

My eyes widened.

Did.. i.. say.. something? Nag deny naman ako diba? Tama naman yung sinabi ko?

"Miss Campus Darling, matagal ka na naming naamoy. Wag ka nang mag deny jan, hindi ka artista."

"Ano?" i clarified.

Wait - alam nilang crush ko si Enrique? Like... ALAM NILA?! Tinatago ko naman diba?

Jam laughed. "Oo. Obvious ka din eh."

Heaven spoke too. "In fairness, hindi naman namin napapansin nung una. Pero barahin mo ba naman nang barahin lahat ng suggestions ni Clariz sa meeting eh.." nalipat ang tingin ko sa kanya.

Sumagot nanaman si Jam which made me face her again. "Tapos panay killer eyes ka pa sa dalawa. Tuwing magkasama, palagi kang nakasimangot. Kulang na lang umusok yung ilong mo."

"Hep hep -" i stopped them. "Are you two accussing me?" Tinuro ko pa yung sarili ko.

"Tama na, huli ka na. Wag kang OA. Sa presinto ka na magpaliwanag," si Jam ulit. Tumatawa na lang si Heaven.

Napa-pout ako. "Seryoso ba 'to? Wala na kong secret?"

Ni-tap ni Jam yung balikat ko. "Okay lang yan, teh. Walang lihim na hindi nabubunyag."

I bit my lips habang napapaisip. "Alam na kaya nya?"

"Ewan ko," Heaven replied. "Pero tingin ko nga may crush din sya sayo eh."

Twin HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon