KATH'S POV:
SINAMAHAN nga ako ni Enrique habang inaayos ko yung papers ko. We went to the Office of College Secretary then sa Department ng course ko. Awkward, pero kinakaya.
I got out after around 30 minutes of discussion with my adviser sa cubicle nya. Tapos pagdating ko sa lobby, wala na si Enrique.
"Tita Dianne, umalis na po yung kasama ko?" tanong ko sa frontdesk.
"Ay iha, parang pumasok din jan sa isa sa loob," turo nya sa mga cubicle ng professors.
Ite-text ko na sana sya pero naalala ko na wala nga pala akong number nya.
"Hey Kath, i'm here," i heard him spoke behind me.
"Uy, akala ko umalis ka na."
"Huh?" he chuckled. "Bakit naman kita iiwanan?"
I smiled at that too.
"Pumunta lang ako kay Sir Luis. Naging instructor namin dati sa isang subject."
"Ah.."
"Tara na?" tanong nya.
"Sige."
Lalabas na sana kami ng office pero may sinabi pa si Tita Dianne.
"Iha, boyfriend mo?"
I shook my head automatically. "Naku, hindi po.."
"Ah. Bagay kasi kayo," comment pa nya.
Whaaat?
Napatingin naman ako kay Enrique na natawa sa sinabi ni Tita Dianne. Since hindi naman pala sya na-offend sa comment, tumawa na lang din ako.
"Sige po. We'll go ahead," paalam na lang ni Enrique bago buksan yung pinto para makaalis na kami.
"Close kayo?" tanong agad nya sa kin nung makalabas na kami sa hallway.
"Hindi.. mabait lang talaga yun sa lahat ng students sa department. Yung sa min kasi yung pinaka maliit diba? Kaya halos lahat, magkakakilala."
"Ah."
"Sorry ha," i subconsciously rubbed my head. "Napagkamalan ka pa tuloy."
"Ano ba, okay lang yon," he smiled again. "Saan na tayo?"
"Uhm.. Wala na. Pwede na tayong umuwi."
"Okay. Babalik tayo sa tapat ng Registrar ha? Dun ako nag park."
"Sige lang."
Medyo mahaba-habang lakaran din yon kaya wala kaming choice but to talk.
"Kailan mo sasabihin kay Quen?" bigla nyang paalala.
Oh.. yeah. Si Quen.
"Ewan ko.. Mukhang hindi naman sya interested malaman." As bitter as i might have sounded, yun talaga ang naisip ko.
"But he has to."
I looked ahead of us while dismissing the thought. "Bahala na."
"Actually.." i noticed him stared at me from my peripheral view. "Kinausap ko sya kagabi."
Napatingin din ako sa kanya. "About..?"
"About sa inyo."
Mukhang hinhintay nya ko magreact, pero hinintay ko na lang din syang kumpletuhin yung kwento nya.

BINABASA MO ANG
Twin Hearts
AcakThey are the most popular twins in the campus. Kath, a consistent dean's lister and her twin sister Kathryn, the pageants' sweetheart. Quen, a hiphop dancer and his twin brother Enrique, the head of an outreach organization. Who's for who? Will they...