Prologue

1.4K 36 8
                                    

KATH'S POV:

MY YAYA used to tell me about the story of Twin Hearts, and the funny thing is, ako pala ang bida doon.

Sabi nya, noong 3 years old pa lang ako, pumunta sina Mommy at Daddy sa isang wedding somewhere in Batangas. According to her kwento, gusto ko daw mamitas ng flowers sa garden ng church pero pinagbabawalan nya ko. Kaya out of frustration, tumakbo daw ako palayo sa kanya and unfortunately, nadapa ako.

Tapos, may isang mestizong batang lalaki daw na lumapit sa 'kin habang iyak ako nang iyak. Mas malaki daw sa kin 'yung batang 'yon and tina-try daw akong itayo at patahanin. Hindi ko naman daw pinapansin. Lumapit na sa 'kin si yaya and pinapatigil din ako sa pag-iyak pero ayaw ko daw tumigil.

And how nice of that tisoy, he gave me his ice cream on cone daw. Bawas na daw pero keber lang. Kinuha ko naman and bigla daw akong tumahan.

Nasaan ang twin hearts doon?

Eto nga: nakita daw nung isang wedding coordinator 'yung nangyari. Sabi ni yaya, natuwa at na-cute-an daw sa min yung babaeng may pagka-hopeless romantic yata. Binigyan nya daw kami nung tisoy ng tig-isang heart shaped colored paper mula sa basket nya ng wedding props. Sabi pa, kami daw nung batang 'yon ang magka-destiny. So ito namang yaya ko, tinago 'yung papel na 'yon and binigay sa kin nung nag-school na ko. At palit-ulit nyang kinuwento sa 'kin 'yung nangyari. Naging favorite bedtime story ko nga growing up eh.

As for tisoy, syempre hindi namin alam kung anong nangyari sa kanya and kung nasaan na ang papel na puso nya. Basta ako, until now, i'm keeping mine. I don't know kung umaasa pa ba talaga ako na makikilala sya... it's been 15 years already. Ang galing kasi ni yaya, hindi man lang inalam 'yung name nung bata. Umalis daw kasi at pumasok sa loob ng simbahan. So nganga.

Where are you, my destiny?

Twin HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon