Chapter 8

800 32 12
                                    

KATH'S POV:

PATAPOS na kong magbreakfast nung bumaba si Achi. She went directly to the ref, got a bottled water, drank on it, tapos sumandal lang sa ref. At parang hindi nya ko nakikita, so tinitingnan ko din lang sya. Medyo tulala eh.

"Achi?"

"Uy," she responded and looked at me.

I raised my eyebrows. "Okay ka lang?"

"Oo naman. Why?"

"Puyat ka ba?"

"Ah.." naging malikot yung eyes nya. "Medyo. Bakit?"

"Mukha kang bangag eh. Anong oras ka ba umuwi?"

She sat and started getting food and putting on her plate. "Mga 9PM yata. Tulog ka na nung sinilip kita sa room mo."

Uhhh... nakatulog nga pala ako habang nagbabasa ng handouts. Or not. Honestly, nakatulog ako habang nakatitig sa handouts pero walang na-absorb ang utak ko. Hanggang sa nag hibernate na lang ako. "Ginabi ka sa org?"

"Uhm, oo. Maraming ginawa eh."

I just nodded and stood up already. Niligpit ko na yung utensils ko. "Aalis na ko ha. Male-late na ko pag hinintay pa kita."

"Okay lang. Leave that sa sink, ako na jan." Nagsimula na syang kumain. Iniwan ko naman yung pinagkainan ko as she said. Tapos nag ayos na ko para makaalis na.

Pagdating sa campus, naglakad lang ako papunta sa Humanities building. Maaga pa naman and para exercise na din. Nasa side walk ako nung matanaw ko si Quen from afar. Nakaupo sila sa tambayan nung dance crew nya. Dumerecho lang ako; mukha namang busyng-busy sila magkwentuhan. Mukhang hindi nya naman mapapansin na dadaan ako.

Pero nung mapatapat na ko sa area nila, i could not help glancing at them again. Wala lang, napadaan lang ng tingin. Pwede naman yun diba? Kaso, saktong pagtingin ko sa kanya, napatingin din sya sa kin. I honestly didn't know what to do.

Mag i-smile ba ko? Kakaway? Mang i-snob ulit?

I decided to continue walking and binalik ko na lang yung mata ko sa daan, as if hindi ko sya nakilala.

"Baby love!" I heard him called not too far behind.

Nilingon ko naman sya. At parang na-hold yung paghinga ko ng ilang microseconds. He looked... fresh. Hindi sya naka cap like his usual get up. And parang nag iba yung color ng hair nya, parang may shade of brown under the sunlight. Naka checkered polo sya pero folded yung sleeves. Naka black maong pants sya. Vans yung shoes nya, if i'm not mistaken, hindi sya naka rubber shoes. Kakaiba yung aura nya... mukhang manliligaw.

Oh. Manliligaw.

I just forced a smile for him, yung labas lahat ng ngipin. "Hi, Quen."

He wasn't running towards me like what he usually did. He was just walking. Parang slow motion pa nga eh. Ano bang nangyayari sa isang 'to? Or anong drama nanaman kaya ang pinapauso?

Nung nakalapit na sya sa harap ko after 48 years, he combed his 'bangs' with his fingers. "Good morning," and he smiled exposing his dimples.

"Nagpapa-cute ka ba?" naka-plaster pa rin yung awkward smile ko, at hindi ko napigilan ang katarayan sa paglabas.

"Aw, obvious ba?" tinaas-baba nya pa yung kilay nya.

Twin HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon