#MCBJasmin
*ringgggggg~!*
"Okay. Class dismissed." Sabi ng teacher namin. Pagkasabi niya nun ay nag-sitayuan na yung mga kaklase ko. Tumayo na dina ko at saka inayos yung gamit ko.
"Bilisan mo. Gutom na ako." Sabi bigla nung nasa likod ko. Alam ko na kung kaninong boses yun. Lumingon ako at sinamaan siya ng tingin. "Bakit? Hawak ko ba pagkain mo?" Sabi ko sa kanya sabay lagay ng bag ko sa likod ko.
"Hindi. Pero hawak mo yung pera pambili sa pagkain ko." Sabi niya sabay taas-baba ng kilay. Inirapan ko naman siya. Psh. Mukhang libre talaga 'tonf kumag na 'to eh! Kainiz.
Lumabas na kami ng classroom at nagulat naman ako ng may biglang lumapit sa akin. Tinignan ko yun at si Kyle pala. "Hi, cutie." Sabi niya habang naka-ngiti na naman. "H-Hi." Sabi ko na lang.
Wengya! Anong tawag niya sa akin? Cutie?! Yucks! Kadiri!
"Uh, can I invite-" di na natapos ni Kyle yung sasabihin niya ng biglang nag-sumabat si kumag. "Hindi pwede. May sampung projects kami na kailangan ipasa bukas. Gagawin pa namin yun. Sige." Sabi ni Renzo sabay hila sa akin palayo.
O_o Wengya! Anong sampung projects sinasabi nito?! Tumigil kami sa tapat ng locker niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Anong sampung projects? Pito lang kaya yung subjects natin." Sabi ko at nag-shrug naman siya.
"Mukha naman siyang uto-uto eh. Kaya ayos lang yun." Sabi niya sabay bukas sa locker niya. Napaka-wengya! Babatukan ko na dapat siya nung bigla na namang bumaha yung locker nya.
Bumaha ng love letters, actually.
Napa-nganga na lang kami ni Renzo. Anong araw ba ngayon? Tinignan ko yung phone ko. Ahhh! Wednesday pala ngayon! Ngayon pala yung araw na pwedeng mag-lagay ng love letter sa locker ni Renzo.
Yups! Kahit ang kumag niyan, napaka-dami niyang admirers. Ewan ko nga kung alam ba nila na ang corny niya mag-joke eh. Dati, araw-araw siyang may love letter sa locker niya. Kaya sa sobrang inis niya, nag-lagay siya sa labas ng locker niya ng note.
"Hey girls! Napupuno na ng love letters niyo yung locker ko. Baka di ko na makuha books ko niyan T^T Kaya! Every Wednesday nalang kayo mag-lagay ng love letters niyo ah? Pag may love letter sa locker ko tapos hindi Wednesday, itatapon ko. K, girls? :*"
Yan yung naka-lagay sa note. Eh di naman namin ineexpect na sobrang dami niya palang admirers. Puno yung locker niya ng love letters every Wednesday! Pero wengya. Bat parang mas madami ngayon??
"Wengya. Di naman yan ganyan kadami last week ah?" Sabi ko. Tumango naman si Renzo na gulat pa fin sa dami ng nag-kalat na love letter sa sahig. May ilang napapa-tingin na din sa amin. Wengya kasi! Di namin alam paano 'to lilinisin! Ang dami masyadooo!
"Yow, pre!" Sabi ng isang boses kaya napa-tingin ako sa tabi ni Renzo. "Yow, Laine!" Sabi ni Yuan. Tinaguan ko siya sabay ngiti ng tipid. Tropa din namin yan si Yuan. Kaso di namin kaklase ni Renzo.
Napa-tingin din siya dun sa mga love letters. "Woah. Pre! Hahaha! Iba talaga karisma mo!" Sabi ni Yuan at tumawa naman si Renzo tapos nag-apir pa sila. Tss. Napa-iling nalang ako.
"So, paano natin lilinisin 'to?" Sabi ko at saka maman nag-labas si Renzo ng plastic bag sa bag niya. Tinulungan namin siya ni Yuan na ilagay yung letters sa plastic.
Nung nalagay na namin lahat, binitbit ni Renzo yung plastic at umalis na si Yuan. May pupuntahan pa daw kasi siyang importante kaya di na siya makakasabay sa amin.
BINABASA MO ANG
My Corny Bestfriend ✓ COMPLETED
Teen Fiction[COMPLETED] "Ikaw lang at wala nang iba. I want a life with you. I love you, baby. At mamahalin kita hanggang kabilang buhay pa." -Renzo Austria Elaine Felize Sanchez is just a normal girl with an abnormal bestfriend. Bakit? Eh saksakan lang naman...