#MCBIsThatHer
(A/N: Renzo's PoV pa din pue)
"Yow, pre!" Bungad ni Yuan sa akin pagka-pasok ko sa bar nila. Nakipag-bro hug ako sa kanya at saka pumunta dun sa usual spot namin.
"Bat ba ang tagal mo ah? Kanina pa kita inaantay eh." Sabi ni Yuan habang nilalagay yung alak at wine sa table sa harapan namin. Maka-lagay 'to ng alak at wine akala mo talaga pwede siya.
"Hay nako, Yuan. Para namang di mo alam yung daily routine niyan ni Renzo." Sabi bigla ni Summer na may dalang baso. Binati niya din ako at saka nakipag-beso sa akin. Umupo siya sa tabi ko.
"Hay. Pre, di ka pa din ba nakaka-move on?" Sabi ni Yuan habang naka-hawak sa balikat ko. Napa-tingin ako sa kanya. Siya yung numero unong nag-sasabi sa akin na mag-move on. Napaka-hirap kaya gawin!
"Yuan, di ikaw yung nawalan ng taong mahal, okay? Madali lang para sa'yo na mag-move on. Pero para sa akin, hindi." Sabi ko at saka nag-lagay ng alak dun sa isang baso.
"Pre, kaibigan ko din naman yung nawala. Alam ko naman na mahirap mag-move on, pero kasi, kailangan din natin na mag-move on. Panigurado, ayaw ni Elaine na ganito tayo. Na ganito ka. Na di pa din tayo maka-move on sa kanya." Sabi niya pero di ko siya pinansin at saka uminom lang ng alak.
"Tama si Yuan, Renzo. Isipin mo nalang, kung nasan man si Elaine ngayon, panigurado masaya na siya." Sabi naman ni Summer. Napa-buntong hininga nalang ako. Pinag-tulungan pa talaga ako.
"Masaya ba talaga siya? Nasa langit nga ba talaga siya?" Sabi ko habang naka-tingin sa basong hawak ko. Di pa din ako maniniwala na patay ka na, baby. Hanggat di 'to nakikita ng dalawang mata ko.
"Pre. Umaasa ka pa din na buhay pa si Elaine?" Sabi naman ni Yuan na para bang di maka-paniwala. Di ako sumagot at uminom nalang ulit.
"Renzo, 3 years. 3 years na ang naka-lipas. Wag ka na umasa." Sabi naman ni Summer. Huminga ako ng malalim. Parehas naman silang dalawa eh. Parehas naman silang di naniniwala sa amin. Eh pare-parehas lang naman kami na di naiita yung bangkay ni Elaine.
"Paano ako di aasa? Eh ni di ko nga nakita yung bangkay ni Elaine eh. Kahit kayo! Diba di niyo din naman nakita?" Sabi ki habang tumitingin sa kanilang dalawa. "Basta na lang ba kayong maniniwala kay Kyle? Panao kung di siya nagsasabi ng totoo? Paano kung tinatago niya si Elaine sa atin? Hahayaan nalang ba natin yun?" Sabi ko ulit. Napa-yuko naman sila.
"Wala naman akong nakikitang dahilan para itago ni Kyle sa atin ang totoo. Isa pa, kung buhay si Elaine, edi dapat matagal na siyang nagpakita sa atin diba?" Sabi naman ni Summer. Napa-tingin ako sa kanya at saka bumuntong hininga nalang.
Nilapag ko yung baso at saka tumayo na. "Woy pre. San ka pupunta?" Sabi ni Yuan. Lumingon ako sa kanya. "Wala ka ng pake dun." Sabi ko sabay alis. Aalis na lang ako dito, tutal di din naman sila naniniwala sa akin.
Pingatutulungan lang nila ako. Imbes na paniwalaan nila ako, tumututol pa sila. Sinasabihan pa nila ako na mag-move on. Napaka-dali para sa kanila na sabihin yun. Kasi di naman sila yung nawalan ng taong mahal mo eh.
Panigurado ako, kung sila man mawala yung isa't isa, ganito din yung mararamdaman nila.
Huminto ako sa harap ng sasakyan ko nung nag-vibrate yung phone ko.
From: Jasmin
Hey babe! Tara, lunch? Pleaseeeee~!
Napa-buntong hininga naman ako. Ang desperada niya pa din talaga. Nag-type ako ng reply na sinasabing pumapayag ako. As if naman kasi na may choice pa ako. Kung hihindi ako, magbabanta na naman siya. Psh.
"Elle (eli)! Pumayag ka na kasi! Opportunity na 'to oh!"
"Sarah, ayoko nga. Pag tinaggap ko yang opportunity na yan, kailangan kong tumigil sa pag-aaral. Sayang naman diba? Isang taon na lang ga-graduate na ako, tapos matitigil pa."
Napa-tigil ako sa pag-tatype at nanlaki yung mata ko. Yung boses na yun.... Napa-lingon ako sa likod ko para makita kung nandun pa ba yung mga babaeng nag-uusap kanina. Pero pagka-kita ko, wala sila. Luminga ako sa paligid pero wala akong nakita.
Isa lang ang option na pwede nilang puntahan. Sa bar nila Yuan.
Tama ba yung narinig ko? O ilusyon ko lang? Pero, imposible eh! Malinaw yung narinig ko! Malinaw pa kesa sa relasyon nyo! Alam ko. Alam ko narinig ko yung boses niya.
°°°°°
S O M E O N E ' S
"Tapos, sasabihin mo pa sa akin na tanggapin ko yung opportunity. Eh pano ka na kung wala ako? Baka gawin mo ng bahay yung bar." Sabi ko kay Sarah.
Nandito kami sa isang bar. Ewan ko ba. Mukhang hinihila talaga ng mga bar 'to si Sarah eh. Masyado na siyang na-aadik sa bars. Nung una ko siyang nakilala, nasa bar siya at lasing.
Nung naging mag-kaibigan kami, pinatigil ko siya. Malapit na sana niya maka-limutan na nage-exist pa pala ang mga bars ng makita niya 'tong bar na 'to. Kaya eto kami. Hays. Mukhang babalik na naman yung dating Sarah. Wag naman sana.
Ang daldal at ang kulit niya kaya malasing! Grrr.
"Elle naman eh! Ngayon na nga lang ako ulit pupunta sa bar! Pagbigyan mo na nga yung kaibigan mo!" Sabi niya naman sabay upo sa isang upuan sa may counter. Napa-iling nalang ako sa kanya. Oo nalang ako.
Nag-paalam ako sa kanya na magc-CR lang ako. Pumunta ako sa pinaka-dulong cubicle. May narinig pa ako na may pumasok pero wala na akong pake kung sino man yun. Pagkatapos ko ay dumiretso ako sa lababo at sakto naman na may tumawag.
"Hello?"
["Elle! Bakla ka ng taon! Nasan na ba kayo ni Sarah ha? Diba knows mo naman na may party nga ditey! Why naman kayo nag-ala MIA bigla?"]
Si Julian—este Julianna pala. Kaibigan kong bakla.
"Bakla ka! Oo alam namin na may party. Eh, nung papunta na kami dyan, nakakita si Sarah ng bar. Eh alam mo naman na nama-magnet 'to sa mga bar eh!"
["Dehins ko tatanggapin ang mga reason galor mong bakla ka! Kailangan niyo pumunta ni Sarah ang munting prinses ditey! Now na! Bago pa mawala ang mga hotties!"]
Napa-irap naman ako. Baklang bakla talaga.
"Aish. Oo na! Oo na! Puro ka hotties eh. Ge na, bye."
Lumabas na ako ng CR pagkatapos nun. Hay. Goodluck sa akin kung mapapaalis ko agad si Sarah dito.
°°°°°
S U M M E R ' S
O_o
Si.... Si E-E... S-Si.... Si Elaine ba y-yung.....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Si Elaine ba yung narinig ko?
°^°^°^°
Gimme your reactions.
Sorry for typos and such. Thanks for reading! :*
BINABASA MO ANG
My Corny Bestfriend ✓ COMPLETED
Teen Fiction[COMPLETED] "Ikaw lang at wala nang iba. I want a life with you. I love you, baby. At mamahalin kita hanggang kabilang buhay pa." -Renzo Austria Elaine Felize Sanchez is just a normal girl with an abnormal bestfriend. Bakit? Eh saksakan lang naman...