Chapter Twenty-Five: The Transferee and His Tour Guide

228 9 0
                                    

#MCBTheTransfereeAndHisTourGuide


"Well, Ms. Mendoza, mukhang magka-kilala naman na kayo ni Mr. Austria, why don't you tour him around the campus? Be his tour guide for today."


Napa-tingin ako kay Miss nung sinabi niya yun. Nanlaki yung mata ko. Napa-turo ako sa sarili ko. "Ako po?" Gulat na sabi ko. Tumango naman si Miss. "Oo. May iba pa ba akong kausap?" Sabi ni miss. At napa-iwas na lang ako ng tingin.


Wengya nito ni tanda. Nag-tatanong lang naman ako eh! Pilosopohin daw ba ako. Tsssk! Nag-simula na siyang mag-lesson pero wala akong maintindihan. Hindi nga ako nakikinig eh.


Tumunog ang bell hudyat na lunch na. Yizzzzz! Kanina pa ako nagugutom eh. Tumayo ako at saka inayos yung gamit ko. Palabas na sana ako ng classroom ng bigla akong hinawakan ni Renzo saa braso.


Napa-tingin ako sa kanya. Di ko pinahalata na apektado ako sa hawka niya. "A-Ano ba?! Bitiwan mo nga ako." Sabi ko at saka inalis yung kamay niya sa braso ko. Aalis na sana ako nung bigla niya na naman akong hawakan. "Uy, teka!" Sabi niya.


Napa-tingin ako sa kanya at inalis ulit yung kamay niya. "Ano? Problema mo?" Sabi ko at nilagay niya naman yung kamay biya sa bulsa ng pantalon niya.


"Tour guide kita ngayon diba? Ito-tour mo ako sa buong campus."

"Psh. Kaya mo na yan! May mga paa at mata ka naman diba? Isa pa, marunong ka naman mag-basa eh! Kaya mo na yan!"

Aalis na sana ako ulit ng bigla na naman niya akong higitin.

"Ano na naman?!"

"Miss Tour Guide, i-tour mo na ako. Baka mamaya, maligaw ako dito eh. Sige na." Napa-irap naman ako.

"Tsss! Miss Tour Guide mo mukha mo! May pangalan ako! Elle. Elle ang pangalan ko at hindi Tour Guide."

"Elle?" Sabi niya naman na parang nagulat siya. Oh diba? Sabi senyo eh! Magugulatin siya!

"Oo. Bakit? Ngayon ka lang ba naka-rinig ng Elle?" Sabi ko at aalis na sana kaso bigla na naman niya akong hinigit at isinandal sa pader.


Natulala ako sa ginawa niya. Hinarang niya yung dalawang braso niya. Naka-tulala lang ako sa kanya. Ang lapit ng mukha niya sa akin. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Di ako maka-hinga ng ayos.


"Wag ka na kasing alis ng alis para di ako higit ng higit. Kausap pa kita eh." Shete! Lord! Bakit ang bango po ng hininga niya! Sa sobrang lapit ng mukha niya naamoy ko na yung hininga niya. Shet! Di ako maka-galaw.


"Elaine..." Sabi niya at dun lang ako natauhan. Elaine?! Anong Elaine?! Elle hindi Elaine! Amp! Tinulak ko siya at dun lang ako naka-hinga ng ayos. "Elle! Elle, hindi Elaine!" Sabi ko sabay alis na. Buti naman at di na niya ako hinabol pa. Tungunu niya kung hahabulin niya pa ako.


Naka-rating ako sa cafeteria. Naabutan ko naman sila Sarah at Julian na kumakain na. Umupo ako sa harap nilang dalawa na naka-busangot ang mukha. Kaka-badtrip amp!


"Oh? Bat ganyan mukha mo, Elle?" Sabi ni Sarah habang nilalantakan yung fries. "Oo nga. Chaka ka na nga, lalo ka pang na-chaka dahil sa busangot mong look." Sabi naman ni Julian kaya sinamaan ko siya ng tingin.


"Ang weird kasi nung transferee! Nakaka-badtrip!" Sabi ko naman at nakita ko na nakuha ko yung atensyon nla.

"Transferee? Gwapo daw yun sabi nila. Nakita mo na?"


My Corny Bestfriend ✓ COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon