Thanks, AlienPrince26 para sa idea nung "Highschool Sweetheart" XD. It's Jasmin's time to shineeee~ dun nasi sa chap two na entitled "Jasmin" eh pinakilala lang naman siya dun.
Pero this time, magsha-shine na si Jasmin!
°°°°°
#MCBTheHighschoolSweetheart
R EN Z O ' S
"Sure ka?" Sabi ni Elaine sa akin. Nandito kami sa tapat ng locker ko sa school at sinasabihan siya na mauna na kasi may practice pa kami sa basketball. Lagot na ako kay coach kung pati ngayon di pa ako a-attend sa practice eh.
"Oo nga. Kulit mong tomboy ka." Sabi ko naman at sinamaan niya naman ako ng tingin saka tinaas yung kamao niya na parang sasapakin na ako. "Oh awat! Haha!" Sabi ko bago pa niya ako masapak. Amazonang tomboy tss.
"Ewan ko sa'yo. Uwi na ako! Bye!" Sabi niya sabay alis. Ahaha! Ang cute talaga nung tomboy na yun pag inaasar ko siya na tomboy siya. Sino ba naman kasi ang di siya aasaring tomboy, eh kung manamit kala mo lalaki siya eh. Ewan ko ba bakit naging ganyan yan. -,-
Sinarado ko na yung locker ko at saka dumiretso sa gym. "Yow, Renzo!" Bati ni Yuan sa akin. Nakipag-bro hug naman ako sa kanya. "Ang saya nung birthday ni Tibs noh?" Sabi niya habang naka-ngiti. Napa-tss nalang ako.
"Tss. Masaya ka lang kasi nandun si Summer eh!" Sabi ko at saka tumawa lang siya. "Seryoso, Yuan. May gusto ka kay Summer noh? Napansin ko, tingin ka ng tingin sa kanya nung birthday ni Elaine eh." Sabi ko habang papunta kami sa kabilang side ng gym.
"Yun? Magugustuhan ko? Pwe! Eh ang taray-taray nun eh! Isa pa, pre. Tingin ko walang puso yun eh." Sabi niya kaya napa-tingin ako sa kanya. "Nung natapunan ako ng juice, di man lang ako tinulungan. Tinawanan pa ako! Tska nakita ko siya isang beses, may lumapit na batang kalye sa kanya, pero pinagtabuyan niya lang. Kaya malabo pre. Malabo akong magka-gusto sa ganon." Sabi niya naman sabay kuha ng water bottle.
Napa-tss na lang ako sa sinabi ni Yuan. Di daw mag-kakagusto eh tingin ng tingin kay Summer nun. Tsaka para lang alam niyo, sinabihan niya ng maganda si Summer. Di ako naniniwala dito kay Yuan. Malaki ang posibilidad na magustuhan niya si Summer.
"Tss. Osige. Sabi mo eh." Sabi ko naman sabay inom din ng tubig. Tinawag na kami ni coach at saka nag-simula yung practice. Pinagalitan pa nga ako ni coach kasi wala ako nung last game eh ako pa naman yung MVP nung game bago yung last. Gets nyo? Haha!
Oh dba? Magaling talaga ako mag-basketball. Si tomboy lang naman nakakatalo sa akin eh. Haha!
Pagkatapos ng practice, nag-bihis na ako ng school uniform. Pawis na din kasi ako kaya ayun, nagbihis na ako. Bumaba na ako sa ground floor. Habang nag-lalakad ako, may bigla akong narinig.
O_o
HALA ANO YUN??? T_T
Ay. Yung tibok lang pala ng puso ko na sumisigaw ng Elaine.
Ay joke.
Umiiyak pala yung naririnig ko. Okay. Umiiyak lang pal— Umiiyak? Napa-hinto ako sa paglalakad. Teka? Bat may umiiyak? O_o medyo madilim na din kasi 6:35 pm na. Napa-lingon ako ng dahan-dahan sa likod ko pero wala namang tao.
Napa-lunok ako nung mapansin ko na ako lang yung tao aa hallway. Ohhhhhh~ umaatake na naman pagiging matatakutin koooo~ huminga ako ng malalim. Hindi, Renzo. Wag kang magpaka-bakla. Ano ba! Arghhh! Matapang ako! This is sparta!
BINABASA MO ANG
My Corny Bestfriend ✓ COMPLETED
Teen Fiction[COMPLETED] "Ikaw lang at wala nang iba. I want a life with you. I love you, baby. At mamahalin kita hanggang kabilang buhay pa." -Renzo Austria Elaine Felize Sanchez is just a normal girl with an abnormal bestfriend. Bakit? Eh saksakan lang naman...