Chapter Eleven: Tameless Heart

306 8 2
                                    

#MCBTamelessHeart



"Wag ka na umiyak, okay?" Sabi niya habang hawak yung pisngi ko. Tumango ako at saka pinunasan yung luha ko. Ngumiti nalang ako para di na ako maiyak.




"Akyat ka na. Mag-bihis ka. Yung magmumukha kang tao." Sabi ni Renzo kaya nag-taka naman ako. Kumunot ang noo ko. "Bakit? Saan pupunta?" Sabi ko naman pero ngumiti lang siya at tinulak-tulak ako paakyat. Maka-tulak 'to!





Kahit na naguguluhan ako, umakyat nalang din ako at saka nag-bihis. Di ko maiwasang mapa-ngiti. Di ko alam kung anong nangyayari sa akin. Para bang nagkukusa yung mga labi ko na ngumiti? Ganun.




Nag-bihis ako ng natural kong sinusuot pag umaalis ako. Jeans, checkered na may sando sa loob. Converse. Tapos braided hair. Bumaba na ako pagkatapos ko mag-bihis.




"Oh ano na. Saan punta?" Sabi ko pagka-baba ko. Naka-tingin lang sa akin si Renzo at saka tinignan ako mula ulo hanggang paa. Tinignan ko naman siya na parang nag-tataka. Problema nito??




Inakbayan niya ako matapos niya akong tignan mula ulo hanggang paa. "Ganyan na talaga pormahan mo habang buhay noh?" Sabi niya habang natatawa pa. Tumawa nalang din ako ng mahina. Bakit? Ano ba masama sa porma ko? Ang astog nga eh.




"Tara na't mag-celebrate!" Sabi niya habang hinihila ako palabas ng bahay. Ano daw? Celebrate??





°°°°°



Akala ko saan kami pupunta. Mamasyal lang pala. Pumunta kami sa mall pagka-galing namin sa bahay. Wag ka! Himala 'to! Lubre ni kumag lahat! Saan kaya nakakuha ng pera 'to? Sa tatay niyang mayaman? Tssk. Kala ko ba di sila close nun.




Nag-punta kami sa sinehan. Horror pa yung pinanood namin. Eh may pagka-matatakutin pa naman 'to si Renzo. Di lang noya inaamin pero bakla talaga siya, gais.




Habang nanonood kami, nakikitili din siya dun sa mga nagtitilian sa palabas. May mga instances pa na napapa-dikit siya sa akin. Tapos yayakapin ako. Kung di ko lang bestfriend 'to, iisipin ko na na nan-chachansing siya eh.



Nung matapos kami sa panonood, pumunta kami sa isang kainan. Jollibee lang naman. Haha! Wag kayo, ito yung fave resto namin ni Renzo. Jollibee is heart. Obese na bubuyog na chef is heart.



"Kumain ka ng madami ah?" Sabi niya habang nilalantakan ko yung fries. Sa dami ng ginawa namin kanina, nagutom ako kaya baka nga mapadami yung kain ko ngayon. Napa-tingin ako sa kanya.


"Renzo? Kailan ba di madami yung kinain ko? Alam naman na ang takaw-takaw ko eh! Pero mas matakaw ka, wag kang papatalo!" Sabi ko sabay kain ulit. Natawa naman siya sa akin. Ang saya nito ngayon ah?



"Haha! Oo nga alam ko yun. Sinasabi ko lang. Madami pa kasi tayong pupuntahan pagkatapos nito." Sabi niya kaya nag-taka naman ako. Saan pa daw kami pupunta? Dami niya atang datung (pera) ngayon.



"Wow. Dami mo atang pera ngayon, paks? Saan mo nanakaw yan ah? Sama mo naman ako minsan oh!" Pabirong sabi ko sa kanya. Natawa na naman siya sa akin. "Di ko 'to ninakaw ah! Pinaghirapan ko 'to noh." Sabi niya naman. Pinag-hirapan? Tatanungin ko na dapat siya kung nag-trabaho ba siya pero bigla niya akong pinasakan ng burger sa bibig at sinabing kumain nalang ako.



Bastusan talaga. t(-_-t)


°°°°°


Pagka-tapos namin sa mall, sumakay na kami sa kotse niya at pumunta sa kung saan. Tamo yan! May pa-kotse pa si kumag! Saan niya naman kaya nahiram 'to? Nagtataka na talaga ako ah.


My Corny Bestfriend ✓ COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon