Chapter Three: Birthday

424 17 0
                                    

Hey, Lolong Alien na Chocolate Byuntae! Dedicated sa'yo ang chap na itu!

Tinatamad talaga ako mag-type ng bagong chap eh. Hahaha pinilit ko lang. So, sorna agad kung sabaw.

:*

°^°^°^°

#MCBBirthday



"Si Spongebob!" Sabi ko pagka-pasok namin sa bahay ko. Nasa isang apartment lang ako naka-tira. Wala na akong magulang. Actually, meron pa.




May tatay pa ako. Pero may iba na siyang pamilya eh. Iniwan niya kami dati ni mama para sumama sa babae niya. Mayaman sila. Namatay naman yung mama ko dahil sa sakit. Di naman ako pinabayaan ng tatay ko kahit na may iba na siyang pamilya.



Every month, nagpapadala siya dito ng food supplies. Ng pera na para sa isang buwan. Siya din ang nag-papaaral sa akin. Binibigay niya yung pangangailangan ko. Mga material na bagay. Pero di niya mabigay yung pinaka-kailangan ko.





Isang ama. Isang tatay na gagabay sa akin at makakasama ko. Alam niyo yung feeling na, nandyan nga siya pero parang wala? Simula nung nagka-pamilya siya, wala na siyang paje sa akin. Basta ba nabibigay niya yung pangagailangan ko, sapat na yun para di siya ma-guilty sa pag-iwan sa amin.




Para lang siyang may pinapakain na alagang hayop eh. Napupuno nga niya yung mga material at pinansyal na pangangailangan ko, pero yung pagmamahal ng isang tatay, hindi niya maibigay.





Pero natutunan ko na lang din na tanggapin yun. Basta may nakakain ako at nakakapag-aral ako, okay na yun sa akin. Iisipin ko nalang na wala na din akong tatay.





"Oo nga pala. Adik ka nga pala kay Spongebob. Bat ba di ko naisip na si Spongebob lang din si SB?" Sabi bigla ni kumag kaya napa-tigil ako sa pag-iisip. Binuksan ko yung TV at nilagay yung DVD. Saka nanuod ng Spongebob: The Movie!




Tahimik lang akong nanonood. Mygahd Spongebob! Wala ka talaganag kupas! No one's old enough when it comes to cartoons! Naramdaman ko naman na may biglang tumabi sa akin.




"Uy paks." Sabi ni kumag at kaya lumingon ako ng saglit sa kanya. "Wala ka bang na-aalala na mahalagang okasyon bukas?" Sabi niya ulit. Napa-isip naman ako. Bat? Ano ba meron bukas?




Naka-kunot ang noo na umiling ako sa kanya. "Wala naman. Bakit ano ba meron?" Sabi ko naman tapos parang na-dissapoint siya sa sagot ko.




"Ah. Wala. Sige, uwi na ako ah? Bye." Sabi niya sabay tayo at labas ng apartment. Huminga ako ng malalim. Hirap naman mag-panggap! Syempre noh! Diko makakalimutan yung mahalagang okasyon bukas!



Kailangan ko lang talaga na mag-panggap na nakalimutan ko na birthday niya bukas kasi may surprise ako. Wengya. Sorry na agad kumag! Kailangan ko lang talaga.




Kinuha ko yung cellphone ko at saka dinial yung number ni Yuan. Matapos ang ilang ring, sinagot niya agad. ["Yow, Laine!"] Bati niya sa kabilang linya.




"Hello, Yuan. So ano? Okay na ba yung pinapa-handa ko sa'yo?" Sabi ko naman. Kakuntsaba ko kasi 'tong si Yuan para sa surprise na gagawin ko.




["Areglado, Tibs! Okay na okay na!"] Sabi niya naman. Napa-tss naman ako. Tinawag na naman akong tibs! Buset 'to! "Anong tibs? Di sabi ako tibo eh!" Sabi ko naman at narinig ko yung tawa niya sa kabilang linya.



My Corny Bestfriend ✓ COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon