Chapter Five: I'm Sorry

336 16 0
                                    

Naiiyak talaga ako pag nababasa o nakikita ko yung word na "I'm sorry" or "Sorry". Walangya! Kshr. Basa na! XD

This is a short update mga besh ;)

°°°°°

[A/N: Play "Will Last Forever" by AKMU. Kung wala, edi wala XD]

#MCBImSorry

Tumakbo ako pababa ng floor at palabas ng school. Tinanong pa ako ni kuyang guard kung saan ako pupunta, sinabi ko na lang na emergency kaya pumayag na siya na lumabas ako.

Nasa labas na ako ng may biglang humawak sa braso ko. "Elaine..." Sabi ni Renzo pero marahas ko lang na inalis yung kamay niya sa braso ko. Tumingin ako sa kanya at nakita ko na umiiyak na siya. Di ko pina-halata na nagulat ako kasi umiiyak na din siya.

Hindi madaling umiyak si Renzo. Yung tiping kahit sobrang nakakaiyak na talaga yung pinapanood niyo hindi pa din tatalab sa kanya. Yung halos maubusan ka na ng tubig sa katawan kakaiyak, siya wala. Kahit na isang patak, wala. Bilang lang yung times na naikita ko siyang umiyak.

Kaya nakakagulat na umiiyak siya ngayon. Hindi ko maexplain yung nararamdaman ko. Gusto ko na agad siyang patawarin pero nanaig pa din sa akin yung galit sa kanya. "I-I'm sorry..." Sabi niya at napa-hilamos na lang ako sa mukha ko.

"Hindi ko lang kasi maintindihan eh! Bakit ba kailangan mo pang mag-sinungaling sa akin ha?! Alam mo ba na nasayang yung mga efforts ko para sa'yo! Nasayang yung pag-aalala ko sa'yo!" Sabi ko habang umiiyak at tinutulak-tulak siya.


"Sorry... Sorry. Pinapapunta ako ni Y-Yuan sa bahay mo kahapon n-nung naka-salubong ko siya. P-Pero di ako pumunta. Sinabi niya din sa akin na... Na m-may hinanada ka p-para sa birthday ko. N-Na-guilty ako k-kasi, a-akala ko talaga n-nakalimutan mo..." Sinabi niya habang humihikbi. Lalo lang akong nainis at naiyak.


"Sa tingin mo talaga makakalimutan ko?! Renzo, 10 years! Sampung taon na tayong mag-kaibigan at ni isang beses hindi ko naka-limutan yung birthday mo o kahit anong okasyon sa buhay mo! Alam ko kung kailan ka tinuli! Alam ko kung kailan yung graduation mo! Alam ko kung kailan ka unang nagka-gadget! Talagang naiisip mo na nakalimutan ko yung birthday mo?! Hah! Renzo, joke ka ba?!" Tuloy-tuloy na sabi ko.


"Sorry... N-Nainis lang talaga ako sa'yo kasi a-alam mo naman na yung birthday ko ang pinaka-importante para sa akin... K-Kaya naunahan ako ng inis ko nung d-di mo na-alala... Sorry." Umiiyak pa din na sabi niya. Basang-basa na yung mukha namin kaka-iyak.


"Sa sobrang inis mo, naisip mo na sumama sa iba kaysa kausapin ako kung naka-limutan ko ba talaga?" Sabi ko at napa-tingin naman siya sa akin. Umiling siya ng dahan-dahan. "At sa sobrang inis mo, nag-dahilan ka pa talaga para hindi ako makita. Ang sakit nun, Renzo. Yung bestfriend mo ayaw kang makita? Para naman akong may nakaka-hawang sakit. Bakit ganun ha? Hindi mo din sinasagot yung mga tawag at text ko. Ganon mo ba ka-gusto na maka-layo sa akin?" Sabi ko at lalong naiyak.


Umiling siya ulit ng dahan-dahan. Mag-sasalita na sana siya nung bigla kong pinutol yung sasabihin niya. "Ako, nandito, nag-aalala sa'yo! Isip ako ng isip kung ano na bang nangyayari sa'yo! Kung nasan ka na ba! Halos mabaliw na ako! Tapos ano? Ikaw? Nandun, masaya? Hindi naman sa sinasabi ko na wag kang magpaka-saya pero sana naman naisip mo ako! Kahit i-text mo lang ako at sabihin mo lang na okay ka lang, ayos na sa akin eh! Pero hindi eh! Mas pinili mo akong baliwalain! Mas pinili mo akong iwasan..." Sabi ko at umiyak lang siya ng umiyak.


"Tapos, nag-sinungaling ka pa sa akin. Alam mo kung gaano ko kaayaw sa mga sinungaling! Bakit hindi mo naoang sinabi yung totoo?! Bakit di mo nalang sinabi na kasama mo pala siya para sana di na ako nag-handa! Walang efforts ang nasayang! Walang taong aasa!" Di ko na napigilan at napa-upo ako sa sahig habang umiiyak.


Ang sakit sakit lang kasi. Yung mabaliwala yung efforts mo. Yung mabaliwala ka ng bestfriend mo. Yung mag-sinungaling siya sa'yo. Yung wala na siyang pake kung nag-aalala ka ba sa kanya o ano.


Yung iniisip niya nalang na maka-iwas muna sa'yo. Sobrang sakit lang kasi ng ganon. Di niyo naman din maiintindihan kasi wala kayo sa posisyon ko.


Naramdaman ko na umupo sa harap ko si Renzo. Hinawakan niya yung magkabilang pisngi ko and as if on cue, biglang umulan. Wengya. Timing besh! Timing!


"Bakit? Bakit Renzo? Isa ka din ba sa mga taong parati ng mag-sisinungaling sa akin?" Sabi ko habang naka-tingin sa mata niya. Para sa akin kasi, once na nag-sinungaling ang isang tao, kayang-kaya niyang gawin yun ulit. Na-trauma ako sa ginawa ng tatay ko. Kaya hanggang ngayon, yun ang pinaniniwalaan ko. Na ang mga taong nag-sinungaling na sa akin, kayang-kaya akong lokohin sa future.


Umiling ng dahan-dahan si Renzo. Umiiyak pa din siya. Diko alam kung lalo ba siyang umiyak o nadagdagan lang ng ulan yung basa sa mukha niya. "Hindi Elaine... Hindi." Sabi kiya at saka niyakap ako. Bumigay na ako. Humagulgol nalang ako habang yakap ako ni Renzo.


"Sorry... I'm sorry..." Sabi niya habang yakap-yakap ako. Hinampas ko yung likod niya ng isang beses. Tapos hinampas ko ulit. Hinampas ko ng hinampas hanggang sa tumigil na ako at niyakap nalang ulit siya.


Wala na kaming pakialam kung nababasa na kami ng ulan.



°^°^°^°

Sorry na kung sabaw!!! T^T Sisihin niyo si X. Ahahaha sorna! Broken pa din si Miss A eh ;) So ayun na nga! Babawi ako promise! Sa next chap maybe? Haha!

Sorry kung short. Di nga umabot sa 1000 words na limit ko eh. Ays lang yan mga people. Babawi ako pwamis!

Sorry for typos and such. Thanks for reading! :*













My Corny Bestfriend ✓ COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon