Chapter Seventeen: The Story Behind

249 6 1
                                    

I think this chap is going to be short. Hahaha! Diko sure. Basahin niyo nalang. Haha!

Soooo~ let's start! The story behind Renzo and Kyle's relationship ;)

°°°°°

#MCBTheStoryBehind



Naka-titig lang ako ng matagal kay Kyle. Di ko alam kung anong sasabihin. Para bang biglang umurong yung dila ko? Tapos para kakapusin ako ng hininga. Ano bang nanyayare sa akin?


Nung mag-sasalita na sana ako, nagulat naman ako sa sumunod na nangyare. Lalo akong na-stun sa kinatatayuan ko at nanlaki yung mata ko lalo.


H-He is kissing me. Kyle is kissing me in the lips! Di ako maka-galaw! First kiss ko 'to! Si.... Si Renzo dapat first kiss ko eh! Mali yung nangyayare pero di ko alam anong nanagyayare sa akin! Di ko siya magawang itulak o ano man! Nawalan ako ng lakas bigla.


Nag-simula ng gumalaw yung labi niya. Pero ako wala pa din. Naka-titig lang ako sa mata niya na naka-pikit. Maya-maya pa may bigla akong narinig na kalabog.


Dun lang ako natauhan. Lumayo sa akin si Kyle at napa-tingin dun sa pinangalingan ng ingay. Napa-lingon din ako at laking gulat ko ng makita ko si Renzo.


Naka-clench yung fists niya at masamang-masamang naka-tingin kay Kyle. Nanlaki ulit yung mata ko. A-Anong ginagawa niya dito? N-Nakita niya ba yung nangyari kanina??? "R-Renzo..." Sabi ko at nagulat nalang ako sa sunod na nangyare.


"Gago ka! Napaka-hayop mo! Bwiset ka!" Rinig kong sigaw ni Renzo habang sinasapak si Kyle na ngayon ay nasa sahig na. Natauhan naman ako kaya agad akong lumapit sa kanila.


"Renzo! Renzo tama na!" Sabi ko habang hinahawakan yung braso ni Renzo. Pero sadyang mas malakas siya kaya nag-patuloy lang siya sa pag-suntok kay Kyle. Nailag si Kyle pero nasasapak pa din siya ni Renzo. Di ko alam... Di ko alam anong gagawin ko!


"Renzo!! Tama na sabi!" Sigaw ko pero parang di niya ako narinig. Sigaw lang siya ng sigaw ng "gago" at patuloy sa pag-suntok. Naiiyak na din ako. Nakikita ko kasi na duguan na halos yung mukha ni Kyle.



Hanggang sa wakas ay gumanti na din si Kyle. Napa-subsob ako sa sahig at nakita ko nalang na sinusuntok na ni Kyle si Renzo. "Gago ka din! Bwiset ka! Wala kang karapatan na suntukin ako! T*ngna mo!" Sigaw ni Kyle habang sinusuntok si Renzo.



"Tama na! Tama na sabi eh!" Sigaw ko pero di nila ako pinakinggan. Bigla naman dumating yung mga guards ni Kyle at inawat sila parehas. Naramdaman ko naman na may nag-tayo sa akin. Tinignan ko at nakita ko na si Summer pala yun.


"Bwiset ka! Bwiset ka! Gago! Bakit ka pa ba kasi bumalik?! Bakit di ka nalang dun sa America?! Bakit bumalik ka pang gago ka ah?!" Sigaw ni Renzo.

"At bakit?! Anong pake mo?! Babalik ako dito sa ayaw at gusto mo!"

"Para ano!? Sirain na naman buhay ko?! Agawin na naman yung babaeng mahal ko?! Lagi ka nalang bang ganyan, Kyle ah?! Lagi mo nalang ba akong aagawan?!"

"Puta! Bakit?! Tingin mo ba ginusto ko na magka-gusto din sa mga babae na minamahal mo?! Kahit kailan di ko yun ginusto, kuya! Ikaw naman ang nanalo sa huli diba?! Ikaw naman lagi nanalo diba?!"




Kuya? Tinawag ba na kuya ni Kyle si Renzo?


"Tangina, Kyle! Pwede ba tumigil ka na! Tumigil ka na sa pang-aagaw! Kung alam mo naman na ako yung nanalo sa huli, edi tumigil ka na! Hindi yung kailangan mo pang manira para lang mapunta yung gusto mo sa'yo!"

"Ikaw nagturo sa akin dati na lumaban, kuya diba? Ikaw nag-sabi sa akin na wag kong hahayaan na matalo ako ng di lumalaban."

Umiiyak na ngayon si Kyle. Teka nga! Wala akong maintindihan!

"Pero Kyle yung pag-laban mo, wala na sa lugar eh! Girlfriend ko na yung taong gusto mo pero nilalandi mo pa din! Bakit ba di mo ma-tanggap yun?!"

"Eh ikaw nga di mo din na-tanggap agad dati na kami ang pinili ni Papa at hindi kayo ng nanay mo eh! Sige nga! Tatanungin kita! Bakit mo pinag-laban na magkakaron ka ng buong pamilya kahit alam mo namang imposible?!"



Papa? Pinili? Nanay ni Renzo? Ha? Ano bang nangyayari? Ano bang pinag-sasabi nila?!


Di nakapag-salita si Renzo. Tumingin ako sa kanya at nakita ko na umiiyak na din siya. "Oh ano? Lumaban ka din dati kuya diba? Kahit alam mong talo ka na, pinag-laban mo pa din. Yun lang din ang ginagawa ko. Kahit alam kong talo ako, lalaban pa din ako. Dahil ganon ko ka-gusto na sumaya. Sasaya lang ako pag kasama ko siya, kaya ipaglalaban ko siya. Sana ngayon, naiintindihan mo na ako." Sabi ni Kyle sabay alis nung mga kamay ng guards sa braso niya at pasok sa bahay nila.


Inalis din ni Renzo yung kamay nung mga guards sa braso niya. Lumapit ako sa kanya. Gulong-gulo ako na ang kailangan ko lang ngayon ay mga kasagutan.


"Renzo..." Sabi ko napa-tingin siya sa akin. Napa-pitlag ako sa paraan ng pag-tingin niya sa akin. Napa-lunok ako. Ang cold ng tingin niya... Para siyang hindi si Renzo na kilala ko.


"K-Kapatid mo ba si Kyle?" Tanong ko. Naka-tingin lang siya sa akin. Halata ko ang galit, sakit, at hirap sa mata niya. "Oo. Kapatid ko si Kyle." Sabi niya.


"Kapatid ko yung kahalikan mo kanina."



°^°^°^°

Told yah! Short lang dis ud. Hahaha! So anuena??? Sino tama??? Hahaha! Kala ko talaga sila dati eh. 😂

So ayun na. Sorry sa uncensored bad words.

Sorry for typos and such. Thanks for reading! :*















My Corny Bestfriend ✓ COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon