Yieeeee na-miss ko yung ka-cornihan at banat ni Renzo eh. Kaya etue pue! Sana kiligin kayo mga besh! :*
Samahan niyo na din ng background music. Para feeeelzzsseuuu!
°°°°°
#MCBBanatAlaRenzo101
Makalipas ang ilang linggo....
Madalas! Madalas talaga di ko na alam anong gagawin ko sa lalaking 'to eh! Mali! Di pala siya lalaki! Bakla siya! Bakla!
"Eto pa. Yung prof natin sa isang subject? Si Sir Dante? Alam mo ba na isa siyang parte ng bahay?" Sabi niya. Kanina ko pa siya sinasamaan ng tingin. Isa pa, Renzo. Isa pa talaga. Humanda ka ng mapunta sa Mars.
"Paano naman siya naging parte ng bahay?!" Sabi ko. Sa sobrang inis ko naisisgawan ko na din siya. Putek! Sino ba di maiinis? Eh ikaw kaya jokan ka ng sandamakmak na corny jokes, di ka maiinis? Grrrrr!
"Hag-Dante. Ladder. Boom! Hahahahaha!" Sabi niya sabay dab at tawa. Napa-tiim bagang nalang ako. ANG MEMA NUN! PUTEK! Huminga ako ng malalim. Ayos lang yan, Elle. Ayos lang yan.
"PUTEK KANG LALAKI KA!!!!" Sigaw ko at bago ko pa siya masapak eh naka-takbo naman siya agad. Haluhhh??? Paano niya nalaman na sasapakin ko na siya eh naka-dab pa siya kanina.
Tumakbo siya at hinabol ko naman siya. Hah! Oo, mabilis siya pero di siya uubra sa akin. Triathlete kaya nanay ko dati! Napa-tigil naman ako bigla sa pag-takbo.
Teka.... Sinabi ko ba na triathlete yung nanay ko dati? Napa-tulala ako. Teka... Wala akong alam sa nanay ko! Paano ko na-alala yun?! Teka... D-Di kaya... N-Nag-sisimula ng bumalin yung mga alaala ko? "Huy, Elle. Ayos ka lang?" Rinig kong sabi ni Renzo na nasa harapan ko na pala.
"Huy, bat ka umiiyak? Ayos ka lang?" Sabi niya pero imbes na sumagot ay niyakap ko lang siya. Ang saya ko... Ang saya ko sobra! At least, at least may naalala na ako kahit konti! "T-Teka, huy... A-Ano bang nanagyayare sa'yo?"
Bumitaw ako sa yakap niya tapos hinawakan yung pisngi niya. "Renzo, na-alala ko na datong triathlete yung nanay ko! May na-alala ako, Renzo!" Sabi ko at pinipipit yung mukha niya. Pfft. Nagmu-mukha na siyang isda! Hahaha! "Ahahaha! Fish Renzo! Haha!" Sabi ko naman.
Tumawa ako pero napatigil din nung napansin ko na naka-titig si Renzo sa akin. Inalis ko yung kamay ko at nakita ko na ngumiti naman siya. "Masaya ako, Elle. Masaya ako na may na-alala ka na kahit konti. At... Masaya ako na makita ulit yang mga ngiti mo. Sana... Sana ma-alala mo na din ako." Sabi niya naman.
Nakita ko siya na naiiyak na. Ako din naiiyak na eh! Kaya bago pa kami magka-iyakang dalawa dito, pinalo ko siya sa braso. "Tara na! Kumokorni ka na naman eh!" Sabi ko sabay lakad palayo.
Sorry, Renzo. Kung di pa din kita ma-alala. Pinipilit ko. Kaso... Natatakot ako. Di pa siguro ngayon yung right time para ma-alala kita ulit.
"Tara! Kain tayo! Libre mo ah." Nagulat ako kasi bigla akong inakbayan ni Renzo. Napa-tingin ako sa kanya at nakita na naka-ngiti na siya at parang di siya nai-iyak kanina.
"Hanep ka din eh noh. Mukha kang libre!" Sabi ko sabay takbo. Bahala siya dyan. Habulin niya muna ako bago ko siya ilibre!
Sa loob ng ilang linggo, naging close kami ni Renzo. Tinutulungan niya ako na ma-alala yung nakaraan ko. Kinukwento niya sa akin yung past life ko. Pero hanggang ngayon, pa-onti onti palang yung na-alala ko.
BINABASA MO ANG
My Corny Bestfriend ✓ COMPLETED
Teen Fiction[COMPLETED] "Ikaw lang at wala nang iba. I want a life with you. I love you, baby. At mamahalin kita hanggang kabilang buhay pa." -Renzo Austria Elaine Felize Sanchez is just a normal girl with an abnormal bestfriend. Bakit? Eh saksakan lang naman...