Chapter Thirty: Forever, Baby

339 10 3
                                    

Last chap na! Next na nito epilogue! Salamat sa mga patuloy pa ding nagbabasa at sumusuporta. Hold on to where you are. Magiging malupit ang chap na 'to.


°°°°°

#MCBForeverBaby




"Sige na kasi, Elaine. Wag ka ng KJ!" Pagpipilit pa din ni Yuan sa akin. Nandito kami ngayon sa bar niya at birthday niya ngayon. Pinipilit niya ako na payagan si Renzo na sumama sa birthday party niya mamaya. Mag-iinuman kasi sila eh. May masama kasi akong memory sa pag-lalasing ni Renzo.




"Oo nga naman, Elaine. Once in a year lang naman eh. Payagan mo na. Di naman hard drinks yung iinumin eh." Sabi naman ni Summer. Huminga ako ng malalim. Napa-tingin ako kay Renzo. Sabi niya kanina, ayos lang daw sa kanya kung ayoko o gusto. Pero alam ko naman na, gustong sumama ni Renzo eh. Hay.




"Hay. Sige na nga! Basta wag hard drinks ah!" Sabi ko at napa-sabi naman ng "ayos" si Yuan. Nilingon ako ni Renzo sa kanya. Hinawakan niya yung pisngi ko.




"Sure ka ba na ayos lang sa'yo?" Sabi niya at tumango naman ako sabay ngiti. Once in a year nga lang naman mag-birthday si Yuan. Isa pa, blessing 'tong isa pang year sa buhay niya ah. "Basta wag kang mag-lalasing masyado ah?" Sabi ko at tumango naman siya at saka hinalikan ako ng mabilis sa lips. Natulala na naman ako. Lagi na lang ako natutulala sa tuwing hahalikan niya ako.




Pumunta si Renzo sa may counter kung nasaan si Yuan. Gabi na din at medyo madami ng tao sa bar. Nag-paalam si Summer kay Yuan at Renzo na mamasyal daw muna kami. Ayoko sana sumama kasi ayoko iwan si Renzo pero, pinilit ako ni Summer eh. Sabi naman ni Yuan siya na daw bahala kay Renzo.



Sana nga di masyado malasing si Renzo. Ayoko na manguari ulit yung dati.




°°°°°

Kinabukasan....





Kanina pa ako palakad-lakad dito sa kwarto. Dinadial ko yung phone ni Renzo pero di niya sinasagot. Argh! Ano na bang nangyari dun?!




Pagdating kasi namin kagabi ni Summer sa bar, wala ng gaanong tao at naka-tulog na sa counter si Yuan. At wala na si Renzo. Tinanong namin sa bartender kung nasaan si Renzo, at ang sabi niya, inuwi na daw ng kapatid niya.




ANG BOBO NAMAN! WALANG KAPATID SI RENZO NA NANDITO SA PINAS!




Kaya ngayon nag-alala na ako. Nasaan na ba kasi siya? Bakit wala pa din siya hanggang ngayon? Baka mamaya kung sino na yung kumuha sa kanya tapos... Tapos kung ano gawin sa kanya! Bwiset!




Dinail ko ulit yung number ni Renzo. Di ulit sinagot. Dinial ko ng dinial hanggat sa wakas! Sinagot na din!




"Renzo! Renzo naman! Asan ka na ba ha?! Nag-aalala na ako sa'yo! Renzo! Sino ba yung kumuha sa'yo kagabi?! Sumagot ka!"



["Hi, Elaine!"]



Nap-tulala ako sa narinig ko. Hindi si Renzo yung sumagot ng tawag. Kundi... Kundi isang babae. And worst... Y-Yung boses, alam ko. Alam ko na si Jasmin ang nagmamayari nun.





"Jasmin?"

["Oh! Nakaka-alala ka na? Nice! Haha! Buti naman nakilala mo yung boses ko."]

"Bakit ikaw yung sumagot? Bakit na sa'yo yung cellphone ni Renzo?"

["He's with me, right now. Nasa condo ko siya. Particularly, in my room. Specifically, in my bed."]





My Corny Bestfriend ✓ COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon