Chapter One: Corny

966 26 0
                                    

#MCBCorny


Madalas sa minsan, di ko na talaga alam ang gagawin ko sa kumag na 'to. Hayyyys!




"Oh, eto isa pa," sabi niya at tinignan ko naman siya ng masama na para bang sinasabi ko sa kanya na "isa pang corny mong joke, malalagot ka sa akin." Pero tinawanan lang ako ni kumag.



"Alam mo yung blue?" Sabi niya at napa-kunot naman yung noo ko. "Kulay. Tss. Di mo alam?" Sabi ko naman at bigla niya namang pinitik yung noo ko. Napa-hawak ako sa noo ko. Wengya! "Alam ko noh. Joke kasi 'to." Sabi niya. Sinamaan ko na lang siya ng tingin.



"Eto na nga kasi. Yung blue," sabi niya with matching pa-bitin effect pa. Sapakin kita dyan eh! Wengya. Masakit yung pag-kakapitik niya ah!



"TV show yun." Sabi niya ulit with matching taas-baba ng kilay. Kumunot naman yung noo ko. Pano naging TV show yun? "Alam mo kung anong TV show? Pinoy Big Bluether." Sabi niya sabay tawa at dab.



This time, napahampas na ako sa noo ko. Omaygad. Jusko! Gabayan niyo po ang kumag na 'to! Malala na po ang saltik niya sa utak! Tinignan ko siya na para bang alien siya.


Paano siya nakakatawa sa mga ganitong sitwasyon na namatay na naman yung joke niya? Wengya.


Tawa lang siya ng tawa. Yung tipong naka-hawak na siya sa tyan nya tapos may kasama pang hampas sa lamesa. Tumingin ako sa paligid at may iba na naka-tingin sa amin. Wengya! Kakahiya talaga kasama 'to!



"HAHAHAHAHA! Kakatawa talaga! Big Bluether! Wahahaha putek! Ahhh! Hahahaha sakit sa tyan putek!" Sabi niya habang para na siyang malalagutan ng hininga kakatawa.



"Sige, tawa pa. Mamatay ka na sana." Sabi ko. Unti-unti naman siyang huminto sa pag-tawa. May pa-punas punas ng mata pa yan akala mo talaga may luha! Wengya. "Kakahiya ka talaga kasama eh." Sabi ko ulit.



Tumayo naman siya at saka tumabi sa akin tapos inakbayan ako. "Eto naman. Paks! Suportahan mo naman ako kahit minsan! Sige na oh." Sabi niya. Tinignan ko na naman siya na parang ang alien niya.

"So,anong gusto mo? Tawanan ko jokes mong dang corny?" Sabi ko at tumango naman siya sabay taas-baba na naman ng kilay. Yucks. Nag-mumukha siyang manyak pag ginagawa niya yun.


"Paks. Ang hirap gawin nun. Namatay na nga yung joke mo, tatawanan ko pa? Hindi naman ako ganun ka-sama." Sabi ko sabay kain ng fries. Wengya. Malamig na tuloy -,-


*pak!*


"Ahrhay!" Sabi ko sabay hawak sa ulo ko na binatukan niya. Wengya! Kumakain ako tapos mambabatok?! Bastusan eh! Nilunok ko yung pagkain ko at tinignan siya ng masama.

My Corny Bestfriend ✓ COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon