Epilogue

358 13 3
                                    

#MCBEpilogue


“Kung magkakaroon ako ng sariling planeta, gusto ko ikaw ang axis nito, para sa iyo lang iikot ang mundo ko.” Sabi ng batang si Riley sa batang si Denise. Naiirita naman na inirapan ni Denise si Riley.

"Argh! Stop it, Riley! You're really annoying me!" Sabi ni Denise at saka tumayo at pumasok sa loob ng bahay kung saan nag-uusap ang mga magulang niya at ang magulang ni Riley.


"Mommy! Riley is really annoying me! He's saying absurd things!" Sumbong ni Denise sa kanyang nanay na si Summer. Napa-ngiti nalang sila ng dahil sa sinumbing ni Denise. Hindi na bago sa kanila ang ganitong mga sumbong ni Denise.


Kapwa 9 years old palang sila Denise at Riley. Si Denise ang anak ng mag-asawang Summer at Yuan. At si Riley naman ang anak ng mag-asawang Elaine at Renzo. Palaging nagsasabi ng corny joke at banat si Riley kay Denise. Nagmana sa tatay -,-


"Denise! Teka lang! May joke pa ako oh!" Sabi ni Riley pagka-pasok sa loob ng bahay. Tumingin si Riley sa ama at kumindat dito. Kinindatan din siya no Renzo.


"Alam mo ba na may mga kapatid si Ed Sheeran?"

Nag-taka naman si Denise pati na din ang mga magulang nila. "What? Ed Sheeran dosen't have any siblings."

"Meron! Si Ed Sheewalk at Ed Sheejump!" Sabi ni Riley sabay dab.


Napa-tulala ang lahat sa corny na joke ni Riley. Tanging si Renzo at Riley lang ang na-tawa. "Aish! Pa! Sabi ng wag niyo ng tinuturuan si Riley ng bad words eh! Argh!" Sabi ng panganay ni Elaine at Renzo na si Elle. Para sa kanya, bad words = corny jokes.

"Havey kaya!" Sabay na sigaw ng mag-ama. Nag-apir sila pagkatapos.


"Oh talaga? Kailan ka pa nagkaron ng havey na joke, Renzo?"

°°°°°

"Ma, tara na." Sabi ni Elle. Tumango naman ako at sinabi na saglit lang.

Tinuon ko ang pansin ko sa laptop ko. Kakatapos ko lang na mag-type ng bagong blog entry ko.

▨ ElaineFelize (@ elaineaustria) posted a blog entry ▨

▨ Date: March 28, 20××
▨ Time: 12:45 pm
▨ Location: Pasay, Manila, Philippines

⇨ "Sa mundo, walang taong perpekto. Walang tao na yung tipong, nasa kanya na lahat ng good qualities. Gwapo, mayaman, matalino, matangkad, habulin, matangos yung ilong, maputi, at kahit ano pang magaganda.

Kahit na gaano pa kadami ang good qualities na nasa isang tao, may mga flaws pa din sila na pilit na itinatago mula sa iba.

Pero meron talaga na nag-iisang tao, na tatanggap sa mga flaws mo. Na tatanggapin kung sino ka talaga. Na hindi ka iiwan kahit anong mangyare.

Yun kami ni Renzo sa isa't isa. Tanggap niya ako sa kung ano ako. Tanggap ko siya sa kung ano siya. Tanggap ko siya kahit ang corny-corny niya.

Oo, walang taong perpekto. Walang buhay na perpekto. Pero bakit ganon? Para sa akin, perpekto si Renzo. Perpekto ang buhay ko basta kasama ko sila ng mga anak ko.

Your love ones can make your life perfect. For me, it's Renzo and my kids who makes my life perfect.

Piliin mo yung taong handang hawakan ang kamay mo anuman ang sitwasyon. Siya kasi yung taong handang iparamdam sayo na kahit hindi na maganda ang nangyayari hinding hindi ka niya bibitawan.

Kahit ano pa ang manyari, kahit ma-aksidente ako ulit at mawalan ng memorya, alam ko. Alam ko na si Renzo lang ang pipiliin ko. Alam ko na siya at siya lang ang mamahalin ko. Siya at siya lang ang baby ko.

Kahit hanggang kabilang buhay pa yan. :*

Eh kayo? Para sa inyo? Sino ang perpektong tao sa buhay niyo?

Renzo Dale Austria. Thanks for making my life perfect. Thanks for loving me no matter how many flaws I have. Thanks for being at my side always. Thanks for being a perfect husband/baby for me.

I love you. And I will always be. Forever, baby." ⇦



"I love you, too. And I will always be. Forever, baby." Rinig kong sabi ni Renzo at saka niyakap ako sa likod. Loko! Binabasa pa blog ko.


"Ang hirap talaga pag kulang, katulad ng bahay na walang ilaw, ng adobo na walang sitaw, itlog na walang dilaw. At katulad ng AKO na walang IKAW." Sabi niya sabay halik sa pisngi ko.

"Ang corny-corny mo talaga noh?" Sabi ko habang naka-ngiti. Sinarado ko yung laptop at saka umupo naman siya sa tabi ko. Hinawakan niya yung mukha ko.

"Mahal mo naman." Sabi niya kaya napa-ngiti lang ako lalo.

"Tsss. Oo na mahal na nga kita kahit ang corny-corny mo."


"I love you so much, wife. Forever, baby." Sabi niya sabay smack kiss sa lips ko.

"I love you sooo much, hubby. Forever, baby." Sabi ko at nag-smack kiss din sa lips niya. Napa-ngiti naman siya at saka dahan-dahan na nilapit yung mukha niya sa mukha ko at saka hinalikan ako.

Lumalalim na yung halikan namin ng may marinig kaming nag-salita. "Ma! Pa! Male-late na tayo sa graduation ko! Geeez! Live show!" Napa-tigil kami ni Renzo at tumingin kami sa pintuan at nakita namin si Elle na kasama si Riley. Naka-takip yung kamay ni Elle sa mata ni Riley.

"Ang corny-corny nyo talaga, Mama at Papa. Hays!" Sabi ni Elle at kahit di naman nakita ni Riley yung nangyare, nag-salita pa din siya.

"Mas corny kami ni Denise! Forever ko si Denise babe!" Sabi naman ni Riley kaya napa-tawa nalang kami at napa-irap naman si Elle. Kay Summer ko ata pinag-lihi 'to eh.

"Tsss! Corny kayo lahat." Sabi kiya kaya napa-tingin kaming lahat sa kanya na may seryosong mukha. "....pero, mahal ko naman kayo. Kahit na ang corny-corny ng pamilya ko. I love you, guys." Sabi niya naman at lumapit sila sa amin at niyakap kami.

"Corny ko na din tuloy. Geez."












My Corny Bestfriend ✓ COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon