Chapter Twenty-Four: His Name Is Renzo

239 7 2
                                    

#MCBHisNameIsRenzo


(Puro girl PoVs ulit. Mas sanay ako sa girl PoV eh.)


"Help beat eneeeergyyyy~! Eneeeergyyyy~! Gap! Gap! Beeeaaaaat!" Paulit-ulit na kanta ni Sarah. Naka-akbay siya sa amin ngayon ni Julian at hinihila na siya papasok sa bahay. Eto na nga ba ang ayaw ko pag nalalasing siya eh! Ang ingay!

Hinagis namin siya sa sala pagka-pasok namin sa bahay. Hinagis talaga as in! Kanta pa din siya ng kanta. "Tumigil ka na!" Sabi ko pero ayaw talaga paawat oh!

Kanta pa din siya ng kanta kaya pinitik ko na yung noo niya. Edi ayun! Tulog. Psh. Pitik lang pala katapat nito eh. Ingay-ingay pa kanina bwiset.

Napa-tingin ako kay Julian na naka-yuko lang. "Julianna? Di ka pa ba uuwi? Alam kong pagod ka na." Sabi ko kaya napa-tingin siya sa akin. Ang lungkot na naman nung mata niya na parang anytime, iiyak na naman.

"Huy? Okay ka lang?"

"Elle.... Sorry." Sabi niya kaya nag-taka naman ako.

"Sorry? Bakit? May ginawa ka bang kasalanan?"

"Hindi wala. Sorry lang kasi... Kasi di ko sinasagot yung nga tanong mo tungkol sa nakaraan mo." Napa-buntong hininga nalang ako saka ngumiti.

"Ano ka ba, Lianna. Okay lang yun noh! Naiintindihan ko naman eh." Sabi ko at ngumiti nalang din siya at saka niyakap ako.

"Sorry talaga."


"Ayos lang nga! Ito naman. Ngayon pa nag-drama." Sabi ko at saka kumalas sa yakap niya. "Sige na, uwi ka na. Ingat." Sabi ko at nagba-bye naman siya skaa umalis.


Kumuha naman ako ng unan at saka nilagay sa ulunan ni Sarah. Pagkatapos ay pinunasan ko yung katawan niya tapos iniwan siyang natutulog dun sa sofa.

Umakyat na ako sa taas at saka naligo at nag-bihis. Alas-dyes na din ng gabi pero di pa din ako maka-tulog. Niyakap ko yung tuhod ko habang naka-upo sa kama.


Huminga ako ng malalim. Maka-kaalala pa ba ako? Ma-aalala ko pa ba yung mga tao sa nakaraan ko? Ma-alala ko pa ba kung sino ba talaga ako? Paano ba ako makaka-alala kung wala man lang ni isa sa mga taong nasa paligid ko ang nag-sasabi sa akin kung sino talaga ako.


Si Sarah at si Julian. Alam ko na may alam sila sa nakaraan ko. Pero bat ganun? Bakit di nila sinasabi sa akin yung alam nila? Bakit di nila ako hinahayaan na ma-alala yung dtaing ako? Yung dating buhay ko.


Aish! Ang daming tanong! Ang hirap magka-amnesia. Kaya kayo, wag nyong hahayaan na magka-amnesia kayo ah? Promise mahirap. Sobra.


°°°°°


"Arghhhh! Niniantok pa ako eh! Argh! Monday, I hate you!" Sabi ni Sarah habang naka-patong yung ulo sa balikat ko. Naglalakad kami ngayon sa school grounds. "Lahat naman ng school days, hate mo eh." Sabi ko naman at napa-argh lang din siya.


Ayaw na ayaw talaga nito na pumasok sa school. Ewan ko ba. May boyfriend naman siya. Pero ayaw niya pa din na pumapasok. Tss. Sayang lang yung pinapam-aral niya sa sarili niya. Kaya ako, pinagbubutihan ko pa din sa pag-aaral eh. Sayang naman yung pinagtatrabahuhan ko kung di ko aayusin yung pag-aaral ko.


After ng ilang kaladakaran, naka-rating na din kami sa floor namin ni Sarah. Magkaiba kami ng section kaya hinayaan ki na yung boyfriend niya na umasikaso dun kay Sarah.

Dumiretso ako sa pwesto ko at nagulat ako na may lalaki akong katabi. Naka-ubob yung ulo niya sa mesa at parang tulog. Haluh siya? Babae pa katabi ko last week ah? Ano nangyare? Nag-transform?

Hinanap ng mata ko si Marjorie, yung seatmate ko dati. Nakita ko naman siya na nakikipaglandian sa boyfriend niya sa likod. Agad ko siyang nilapitan. "Marj! Anong ginagawa mo dyan?" Sabi ko. Napa-tingin naman siya sa akin.


"Ah, naka-upo?" Sabi niya naman na parang yun na yung pinaka-obvious na bagay sa mundo. Inirapan ko naman siya. Tingin nito sa akin, bobo? Duh! Alam ko na naka-upo siya noh!


"Alam ko na naka-upo ka. What I mean is, bakit dyan? Isa pa, bakit may lalaking naka-upo dun sa pwesto mo?"

"Ah, transferee yan eh. Sabi niya kasi kanina, dun daw siya uupo. Eh gwapo naman kaya naisip ko na okay lang yun sayo."

Napa-irap nalang ako at saka bumalik sa pwesto ko. Basta talaga gwapo, Marj. Basta talaga gwapo.


Naupo na ako. Napa-tingin ako sa katabi ko, di pa din siya nagigising. Aish. Hayaan ko na nga siya dyan. Nilabas ko na lang yung phone ko at saka nag-basa sa wattpad.


Nasa part na magkasama sila Copper at Agatha sa rooftop ng biglang dumating ying prof nmin. Aishhhh! Napaka-wrong timing naman nito! Ganda na nung basa ko eh!


"Good morning, class." Sabi niya at sumagot din naman kami ng goodmorinig. Napa-tingin ako sa katabi ko at nakita ko na tulog pa din siya. Wengya nito ni kuya. Di niya ba alam ang sasapitin niya pag nahuli siya ni miss na natutulog? Tssk!


"Pssst. Huyy. Gising na. Kuya... Gising." Sabi ko habang tinataik-tapik siya. Ilang beses ko din yun ginawa pero di pa din siya nagigising. Haluh sya? Buhay pa ba 'to?


"Ayaw mo magising ha." Sabi ko sabay pitik sa tenga niya. Napa-aray naman siya at hawak agad sa tenga niya. "Pffft." Pigil na tawa ko. Yun lang pala katapat niya eh. Edi sana kanina ko pa siya pinitik.


Naka-tingin pa din ako sa kanya kaya napa-tingin siya sa akin. Nagulat naman siya nung nakita niya ako. Napa-kunot yung noo ko. Parang ang magugulatin niya ata? Lagi nalang siyang nagugulat. Mukha ba akong multo?


"Mr. Austria? Mr. Austria?" Sabi ni prof kaya napa-tingin ako sa kanya. Naka-tingin siya dun sa katabi ko. Kaya napa-tingin ako sa katabi ko na naka-tingin naman sa akin. Tulala ka na naman ha.


Pinitik ko ulit yung kabila niyang tenga kaya nabalik siya sa realidad. Napa-tingin siya ulit sa akin habang hawak yung tenga niya. "Tawag ka ni miss oh. Tulala ka kasi." Sabi ko at napa-tingin naman siya kay miss.


"Mr. Austria, please come here in front and introduce yourself." Sabi ni miss na sinunod naman agad nitong seatmate ko. Pumunta siya sa harap at pinakilala yung sarili niya.


"Goodmorning. My name is..." Ako lang ba o tumingin talaga siya sa akin? "Renzo Dale Austria. But you can call me Renzo. Thank you." Sabi niya sabay balik sa upuan niya.


Renzo?.... Renzo yung pangalan niya?


Tumingin ako sa kanya. "Renzo... Yung pangalan mo?" Sabi ko at tumango naman siya. Umiwas ako ng tingin. Di ko alam ano ba 'tong nangyayari sa akin.


Ano naman kung Renzo yung pangalan niya? Pwede namang, hindi siya yung nasa panaginip ko diba? Pwede namang, kapangalan niya lang.


Pero.... Paano kung siya nga yun? Siya yung nasa panaginip ko? Siya yung Renzo na matagal ko ng gustong malaman kung sino.


Bat ganto? Ang lakas ng tibok ng puso ko. Geez.


°^°^°^°

Yeyyyyy! Renzo and Elaine finally met again! Yieeeeez.

Sorry for typos and such. Thanks for reading! :*














My Corny Bestfriend ✓ COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon