Chaps 19-20 ay magiging short uds lang. Kdot shr hahaha!
°°°°°
#MCBEvenIfItHurts
Di ko alam na umiiyak na pala ako. Patuloy lang sa pag-tulo yung luha ko. Wala akong masabi. Wala akong magawa. Di ako makagalaw. Wengya, kala ko ba ubos na 'tong lechugas na luha ko? Bat ba kasi ako uminom ng tubig kanina! Na-refill tuloy.
Diko namalayan na naka-clench na yung mga kamay ko. Naka-hawak na ako ng mahigpit sa dulo ng suot kong shorts. Naka-tingin lang ako sa ginagawa nila habang umiiyak.
Gusto kong i-iwas yung tingin ko. God knows kung gaano ko ka-gusto! Pero ewan ko ba. Sa di ko malamang dahilan, di ko magawang alisin yung tingin ko sa kanila. Kahig sobra na ang sakit na dinudulot sa akin.
Tumigil si Jasmin sa pag-halik kay Renzo at umalis sa ibabaw nito. Nasabi ko ba yung pwesto nila? Naka-higa si Renzo sa sofa at naka-patong si Jasmin sa kanya habang hinahalikan siya. Nakaka-wengya.
Napa-tingin si Jasmin sa akin. "Oh, hey there, Elaine. Nandyan ka pala? Di kita napansin." Sabi niya habang naka-ngiti pa. Wengya niya! Di napansin, sa laki kong 'to?! Bwiset ka, Jasmin. Akala ko mabait ka. Kala ko kaibigan kita.
Kaaway at kaagaw pala.
"You bitch. Go rot in hell." Madiin na sabi ni Summer. Yumuko nalang ako habang umiiyak. Ang sakit. Sobrang sakit. Kailangan niya ba talaga gumanti?
"Oh yeah. Wanna join me, Summer?"
"No thanks. I don't go with cheap whores."
Umiyak ako lalo at saka tumakbo palabas. Ayoko na. Sobrang sakit na ng nararamdaman ko. Talaga bang, ako nalang lagi ang iiyak? Ako nalang lagi ang nasasaktan? Lord, bakit po?
Dumiretso ako sa taas. Binuksan ko yung pinto ng kwarto ko at papasok na sana nung may biglang humigit sa akin. "No. Hindi ko na hahayaan na mag-kulong ka na naman dyan." Sabi ni Summer kaya napa-upo nalang ako sa sahig habang umiiyak.
Niyakap ako ni Summer. "Sige. Ayos lang yan, iiyak mo lang." Sabi ni Summer habang hinahagod yung likod ko. Umiyak lang ako ng umiyak. Diko alam kailan mauubos yung luha ko... Sana maubos na sila. Pagod na pagod na akong umiyak na lang lagi eh.
Ang sakit-sakit lang. Yung makikita mo siya na may kahalikang iba? Siguro ganon din yung naramdaman niya nung naiita niya kami ni Kyle. Pero pre! Mukha pa siyang sarap na sarap eh!
At isa pa, kailangan ba talaga niya gumanti?! Kailangan niya ba talaga ako gantihan? Para malaman ko kung gaano siya nasaktan nung siya ang nasa posisyon ko?
Well, nag-tagumpay siya. Nag-tagumpay siya kasi sobra na din akong nasasaktan ngayon. Sobra akong nasasaktan to the point na gusto ko ng sumuko.
Nakaka-puta. Nakaka-puta lang talaga.
°°°°°
"Sige na, Summer. Okay lang nga ako." Sabi ko kay Summer. Pinipilit ko siya na umalis na. Ilang araw na siya na dito nags-stay sa bahay ko. Baka mamaya nag-aalala na yung parents niya sa kanya.
"Pero, Elaine..." Sabi niya naman. Napa-buntong hininga nalang ako. May pagka-sa makulit din pala 'to si Summer eh noh. "Paano kung... Paano kung puntahan ka ni Jasmin? Paano kung... Umiyak ka na naman? Kaya mo ba na mag-isa?" Sabi niya.
"Summer, kaya ko yun. Matapang din naman ako noh. Di nga lang kasing tapang mo pero, matapang ako. Kaya ko na yung sarili ko." Sabi ko at siya naman ang napa-buntong hininga.
BINABASA MO ANG
My Corny Bestfriend ✓ COMPLETED
Teen Fiction[COMPLETED] "Ikaw lang at wala nang iba. I want a life with you. I love you, baby. At mamahalin kita hanggang kabilang buhay pa." -Renzo Austria Elaine Felize Sanchez is just a normal girl with an abnormal bestfriend. Bakit? Eh saksakan lang naman...