Chapter Eighteen: I Thought He Loves Me

278 9 3
                                    

#MCBIThoughtHeLovesMe



Sinundan ko si Renzo nung bigla siyang nag-walk out. Hindi! Iba yung iniisip niya! Baka mamaya, iniisip niya na nakikipag-landian ako kay Kyle. Hindi ko naman ginusto yung halik na yun eh!



Ang bilis niya mag-lakad amp! Hinabol ko siya hanggang sa maka-labas siya sa gate. Dumiretso siya sa kotse niya pero bago pa siya makapasok ay hinawakan ko siya sa braso. "Renzo! Renzo saglit..." Sabi ko at sinara naman niya yung pinto ng kotse niya.



"Renzo... Y-Yung nakita mo kanina... Wala lang yun! H-Hindi totoo yung iniisip mo. Maniwala ka sa akin! H-Hindi ko ginusto yun..." Sabi ki habang umiiyak. Napa-tingin naman siya sa akin at halata ko yung galit sa mata niya.




"Tangina, Elaine! Nakita kita na may kahalikan na lalaki! And worst si Kyle pa! Tapos anong hindi mo ginusto?! Kitang kita ko na hindi ka pumalag! Ni hindi mo nga man lang tinulak si Kyle! Hinayaan mo lang siya!" Sigaw niya kaya lalo akong naiyak. Paulit-ulit akong umiling.




"H-Hindi sa ganon! G-Gusto ko siyang itulak! Gusto ko siyang sampalin! Pero... Pero di ko magawa! D-Diko alam kung bakit pero d-di ako maka-galaw!" Sabi ko sa kanya pero nag-fake laugh lang siya.




"Pero di mo pa din ginawa, Elaine. Kung gusto mo talaga gawin yun, magagawa mo yun! Pero hindi, Elaine eh! Para bang nung nahalikan ka niya, parang naka-limutan mo na, na may boyfriend ka! Parang nakalimutan mo na ako bigla!" Sabi niya naman. Lalo lang akong naiyak. Bakut ba ayaw niya maniwala sa akin??? Umiling-iling ako.



"Ano ha? Na-enjoy mo siguro yung halik na yun noh?" Sabi niya kaya napa-tingin ako ng diretso sa kanya. "Masarap ba siya humalik ha?! Sa sarap nakalimutan mong may boyfriend ka ha?!" Sabi niya kaya sinampal ko siya. Sa lakas nung sampal ko, napa-baling sa kabilang side yung ulo niya at namula yung pisngi niya.




"Bakit ba di mo ako paniwalaan?! Ganon na ba yung tingin mo sa akin, Renzo?! Ganon na ba yung tingin mo sa akin na basta-basta na -ang nakikipag-halikan sa kahit sino?! Renzo, alam mo na mahal kita! Alam mo na hindi kita kayang lokohin!"



"Mahal mo nga ba talaga ako, Elaine? Tangina di mo ako mahal! Di ka makikipag-halikan sa iba kung mahal mo ako! Di ka magbibigay ng motibo sa iba kung mahal mo ako! Makukuntento ka sa akin kung mahal mo ako!"



"Pero hindi eh! Hindi ka nakuntento sa akin! Nanliligaw na ako sayo dati pa pero pumapayag ka pa din na hawakan ni Kyle yung kamay mo! Boyfriend mo na ako pero nakikipag-halikan ka pa din sa iba!" Nagulat ako. Sino-stalk niya ba ako?



"Di lang ito yung unang beses na nahalikan ka ni Kyle diba? Sa pisngi ka niya hinalikan nung unang beses. Pinag-kwento kita nun kung anong nangyare sa pasyal niyo, pero di mo sinabi na hinalikan ka niya sa pinsgi. Ngayon sabihin mo! Sabihin mo na mahal mo ako! Na hindi mo ako kayang lokohin! Tangina, Elaine! Kung muntikan mo ng magawa yung dati, kaya mong magawa na yun sa susunod!"


Napa-iyak na lang ako. Umiiyak na si Renzo ng sobra-sobra. Nasasaktan na kami parehas ng sobra-sobra. "Mabuti pa... Mabuti pa wag muna tayong mag-kita." Sabi niya kaya napa-tulala ako.



"A-Ano?" Sabi ko. Nanginginig na ako. Tapos para pa akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. "A-Anong ibig mong sabihin?"




"Layuan mo muna ako. Layuan muna natin ang isa't isa. Kailangan ko muna mag-isip." Sabi niya sabay sakay sa kotse niya. Agad akong pumunta sa tabi ng kotse niya at hinampas yung bintana.



My Corny Bestfriend ✓ COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon