Prologue

30K 501 5
                                    

Prologue

Sa loob ng isang underground arena ay may naglalaban-labang mga grupo upang makamit ang pinakamataas na titulo. Sa dami ng grupong lumaban ay dalawang grupo na lang ang natitira kaya mas lalong nag ingay ang mga manonood.

Dalawang grupong nagpapatagisan ng galing. Ang isa ay kilala sa pag gamit ng maruming paraan makamit lamang ang minimithing titulo samantalang ang isang grupo ay nakikipaglaban ng patas at walang halong pandaraya. Maraming mas pabor na manalo ang grupo ng limang kalalakihan. Mas lamang sila sa liksi, lakas at diskarte kumpara sa kabilang grupo na walang ibang ginawa kung 'di ang mandaya.

Isa lang ang batas na pinatupad para sa labang ito.

No killing!

Ngunit hindi ata naintindihan ng kabilang grupo ang ibig sabihin niyon o mas pinili na lamang nilang magbingi-bingihan.

Everyone cheered when the group a member of Five Knights knocked out the two member from the other team. Walang humpay na pagwawala at pagiingay ng pangalan ng grupo nila ang maririnig sa buong arena.

"Fuck, I'm tired. Can't we just finished this?" Reklamo ni Tres.

"Not so fast!" Sigaw ni Fourth ng subukan siyang isahan ng kalaban.

Mabilis siyang umikot para linlangin ang kaharap at ng tuluyang kumagat ang kalaban ay walang kahirap-hirap niya itong napatumba at nailabas sa nagsisilbi nilang ring.

"Another down," nakangising sambit nito.

Masamang tingin ang ginawad ng kabilang grupo ng malagasan na naman sila ng miyembro.

"Let's finish this,"

Iyon ang matagal ng inaantay ng bawat miyembro ng Five Knights kaya ng banggitin ng kanilang pinuno na si Uno ang mga salitang iyon ay walang pag aalinlangang tinapos ang laban.

Kahit pagod dahil sa tagal at dami ng nakalaban ay hindi pa rin magawang pantayan ng kabilang grupo ang bilis at lakas ng Five Knights. Pulido ang bawat atake na mas lalong nagpamangha sa mga manonood.

"Five Knighs! Five Knights!"

"Uno! Uno!"

"Ubusin niyo ang mga mandarayang 'yan!"

"Dos! Dos! Dos!"

Hiyaw ng mga manonood na mas nagpatindi ng kagustuhan nilang tapusin na ang laban. Ngunit ang hindi alam ng lahat ay may balak ng isakatuparan ng kabilang grupo ang masaman nilang balak.

Unti-unti nilang nilabas ang patalim na mas lalong nagpagalit sa mga manonood. Hindi man lang nakakitaan ng pangamba at takot ang Five Knights ng makita ang mga armas na nilabas ng kalaban.

Mas lalo silang sumeryoso. At nagulat na lang ang lahat at napanganga sa sabay-sabay na pagkilos nila. Hindi nasundan ng lahat ang mga nangyari ngunit isa lang ang napagtanto nila. They are beast.

Nanahimik sandali ang arena ng bumagsak sa sahig ang pinaka pinuno ng kabilang grupo, naliligo sa sariling dugo.

"We can't kill you but we can only let you to stay in the hospital for the rest of your life," malamig na litanya ni Uno.

Nanginig sa takot ang lahat nang marinig ang binitawang salita ni Uno. Hindi sila nakapagsalita. Natahimik ang lahat. Ilang segundong namayani ang katahimikan ng sabay-sabay nilang isigaw ang pangalan ng grupo nila.

"Congratulations to our new strongest gang! The Five Knights!" Sigaw ng MC.

Walang humpay na sinisigaw ng mga manonood ang pangalan ng bagong pinakamalakas na gangster sa buong Pilipinas.

This story is a work of fiction. Names, characters, some place and incidents are the products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, place, or persons, living or dead is entirely coincidental.

Copyright © 2018

The Mafia Lost Heir
by itsmeshielalabels

All rights reserved.

No part of this story maybe reproduced in any form or by any electronic or mechanical means including information storage and retrieval systems without permission from the author.

The Mafia Lost Heir [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon