CHAPTER 13

8.5K 266 5
                                    

ELLA POV

Susugod na sana silang lahat sa akin ng biglang may dumating at nagpalipad ng mga kunai sa pwesto namin na agad ko namang iniwasan.

"F*ck" rinig ko pang mura nila habang iniiwasan ang mga nagliliparang mga Kunai. Ilang saglit lang ay tumigil na nga ang mga nagliliparang kunai. Tinignan ko sila at nakita kong may mga galos at sugat na nga sila.

May tatlong tao akong naaninag mula sa dilim at ng tamaan sila ng liwanang na nagmumula sa mga Lights ay gayun na lang ang panlalaki ng mata ko.

'tsk. anong ginagawa nila dito'? tanong ko sa aking isip.

"Anong meron dito ? Mukhang may laro ah. Pwede bang sumali?" tanong nya sa mga ito at bigla na lang lumingon sakin at kumindat. I almost rolled my eyes in annoyance.

At nagsimula na nga silang kalabanin ang mga kalaban namin kanina. Habang pinagmamasdan ko sila ay wala pa ring kupas sa pakikipaglaban. Masasabi kong lumakas sila at lalong nagmature ang mga mukha. Ilang minuto ang lumipas ay nakita kong nakahandusay na silang lahat sa sahig.

Tumingin naman sya sa pwesto nila Claire at tinignan ko naman agad 'yun. At nakita ko ang itsura ni Claire na nanlalaki pa rin ang mga mata habang nakatakip ang mga kamay sa kanyang bibig. Lumingon naman sya sakin at-

"Till next time" pagkatapos nyang sabihin ay bigla naman silang umalis.

Hanggang ngayon ay nakatulala pa rin si Claire kaya nilapitan ko na sya at pinitik sa noo.

"Aray! Ang sakit ah" reklamo pa nya.

"Kanina ka pa nakatulala. Umalis na sila" wala sa mood kong sabi sa kanya.

"Ell-" naputol ang sasabihin nya ng unahan ko sya.

"Alam ko. Just shut up! Tulungan mo na lang kami mabuhat sila para madala natin sila sa hospital at iwan na yang limang pangit"

Umalis na nga kami at buti na lang kotse ang dala nila Sarah at doon pinasakay yung limang lalaki. Sumakay na ako sa motor ko, ganun din ang ginawa ni Claire at dumiretso na nga ako sa bahay namin. Alas dose na rin naman ng gabi eh.

Claire POV

Nagulat na lang ako ng may biglang nagliparang mga kunai mula sa kung saan. Agad ko naman iniiwasan ang mga ito at ginawan ng paraan para hindi madamay sila Lhea at Camille. Mabilis din naman nakaiwas si Sarah.

Nang maramdaman kong tapos na pagpapalipad nila ay may nakita akong tatlong bulto ng tao. Nagsimula namang maglakad ang mga ito papunta sa'min at ng masinagan sila ng liwanag mula sa ilaw ay biglang nanlaki ang mga mata ko.

'What the hell are they doing here? Kelan pa? Kelan pa sila bumalik? Waaaahhh! Bakit di ko ito alam?'

Nanlalaki pa rin ang mga mata ko at nakatulala lang sa kanila.

"Aray! Ang sakit ah!" sigaw ko kay Ella ng maramdaman kong pinitik niya ako. Agad ko naman inilibot ang paningin ko sa paligid. 'Hala! Nasan na sila?'

"Kanina ka pa nakatulala. Umalis na sila" parang bored lang na sabi niya.

Ell-" naputol ang sasabihin ko ng unahan niya ako.

"Alam ko. Just shut up! Tulungan mo na lang kami mabuhat sila para madala natin sila sa hospital at iwan na yang limang pangit" sabi niya at mabilis na kumilos.

Tulong tulong naman kami sa pagbubuhat sa kanila at isinakay sa kotse ni Sarah.

SARAH POV

"Sa ****** mo kami dalhin huwag sa hospital" rinig kong sabi ng isa sa likod namin.

"Huh!? Bakit doon pa ? Kailangan nyong dalhin sa ospital dahil malala ang kalagayan nyo" tanong ko sa kaniya habang nagdadrive.

"No. It's okay. We can handle this atsaka may sarili naman kaming doctor doon"

"Ahhh. Okay" iniliko ko na nga papunta dun sa HQ nila. Paano ko nalaman na HQ nila yun ? HAHAHA!
Syempre ako pa ba? I have my sources. Alam ko lang yun kung saan pero hindi ko pa nakikita.

Pagkadating namin doon ay nakita ko ang isang malaking bahay. Grabe! Ang laki naman nito. Bago ako pumasok sa gate, binaba ko muna yung window sa side ko. Ganun din yung ginawa nung nasa likod ko. Pagkatapos makita kung sino sila ay tumango na lang yung guard at binuksan agad yung gate. Pumasok na nga ako ng tuluyan at masasabi kong napakalaki talaga ng HQ nila . Pagdating ko sa Entrance ay may nakita akong dalawang nakalab gown at mga men in black. Bumababa ako at tinulungan sila na buhatin kaya lang hindi na ako pinatulong kase kaya naman na yun ng mga men in black nila. Bago sila pumasok ay nagpaalam na ako na uuwi na ako at di na papasok. May pasok pa kase bukas.

Umalis na nga ako at dumiretso pauwi. Habang nasa byahe pauwi sa bahay ay napangiti na lang ako. 'So they are here' sabi ko sa aking isipan habang inaalala ang mga nangyari kanina.

---

Don't forget to vote and share this story.

The Mafia Lost Heir [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon