CHAPTER 51

5.3K 164 43
                                    


Claire's Point of View

Naglalakad ako papasok ng building namin nang mamataan ko si Sarah na papalapit sa akin. I stopped ang waited her.

"Namimiss ko na si Camille! Mabuti na lang at walang masamang nangyari sa kanya." Naka angklang sambit ni Sarah.

"Yeah, pero ang pinagtataka ko ay bakit hindi nila ginalaw si Camille? What's the purpose of the kidnapping? Hindi ko talaga maisip."

"Huwag mo na lang isipin. Atleast she's okay and nothing happened to her." Nakangiti akong tumango sa sinabi niya.

Pero hindi ibig sabihin no'n ay ayos na ang nararamdaman ko. Parang may mali. Iba 'yong nararamdaman ko. Parang may hindi magandang mangyayari.

Iwinaglit ko na lamang iyon saka naglakad patungo sa klase. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasan ang mapansin ang mga nagbubulungan sa paligid. Akala ko ako lang ang nakakapansin maging si Sarah ay napansin din pala.

"Anong mayro'n? Ba't parang ang daming bubuyog ngayon? Lunes na lunes tapos ang aga aga pa pero puro chismisan na agad."

"Baka naman nagenjoy lang sila sa weekend nila. 'Wag mo na lang pansinin." Nagkibilit balikat lang siya at nagtuloy sa paglalakad.

"Papasok na ba si Ella ngayon?"

"Hindi ko na siya ulit nakausap. Pag nagtatanong naman ako kay Brick o sa kanino man sa kasama ni Ella, walang mga matinong sagot. Palaging nililihis ang usapan."

"Bakit kaya? Alam mo ba ang dahilan?"

"Kung alam ko edi sana hindi na ako nagtanong diba?"

"Ang sungit mo naman. Nagtatanong lang eh."

"Pang tanga naman kasi 'yong tanong mo." Natatawang sambit ko.

"Grabe ka na—." Napalingon ako sa kanya sahil hindi niya tinapos ang sasabihin nya.

Humiwalay siya sa akin at sumilip sa ibaba. Nasa second floor na kami kaya kita ang mga taong nasa ibaba.

Sinundan ko ng tingin ang tinitignan ko at nagulat sa nakita. Kailan pa siya bumalik?

"Kilala mo?" Nagtatakang tanong ni Sarah sa akin.

"Yeah. Rhealyn Smith ex-girlfriend ni Jared." Wala sa sariling sagot ko.

"OMG!" Nakanganga siya nang balingan ko ito.

"Tara na! Huwag na natin pansinin 'yan." Tumango lang siya at nagpatianod sa hatak ko.

Pagdating sa room ay iilan pa lang kaming nandoon. Maaga pa naman kaya kaunti pa lang kami. I was thinking of what happened earlier nang sikuhin ako ni Sarah.

"Dumating na si Camille at Lhea. Pero hindi man lang tayo binigyan ng tingin ni Camille. At sa iba din sya umupo." Binalingan ko sya bago inilinga ang tingin sa paligid.

Magkasama si Camille at Lhea. Walang reaksyon ang mukha ni Camille samantalang nakatingin sa amin si Lhea na may pagsusuma sa mukha. Umiiling pa ito sa amin parang may gustong sabihin.

Lalapit sana ako sa kanila nang tumunog ang bell at sunod sunod na nagsipasukan ang mga kaklase ko. Wala pa ang grupo nila Jared. Hindi ko alam kung papasok ba sila o hindi.

Pinagmamasdan ko si Camille habang inaantay na dumating ang prof namin pero naka straight face lang sya. Ni hindi sya bumaling o ngumiti sa mga taong bumabati sa kanya. Something's wrong.

Pumasok ang prof namin kasunod ang taong hindi ko inaasahan. Rhealyn Smith.

"Okay class, we have new student. She came from Germany. Please introduce yourself."

The Mafia Lost Heir [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon