CHAPTER 30

7.9K 262 9
                                    

ELLA POV

"Baby girl, magiingat ka dito sa bahay ah. Tumawag ka sakin kapag nagkaroon ng problema" paalala ulit ni mama sakin.

Kanina nya pa sinasabi sakin yan, naka ilang ulit na nga sya eh.

Kasalukuyang nasa sala kami ni mama, nakahanda na ang lahat ng dadalhin niya for business trip. Huwag ko na lang daw siya ihatid baka daw kase hindi sya matuloy dahil mamimiss nya daw ako.

Psh. Isip bata talaga.

Tumayo na nga siya at binitbit ang mga gamit niya palabas. Hinatid ko na lang sya palabas ng bahay hanggang sa kotse nya.

"Magiingat ka--" hindi ko sya pinatapos sa sasabihin niya.

"Ma, alam ko. Kanina mo pa sinasabi yan" putol ko sa sinasabi niya.

Pumasok na nga sya sa kotse nya at pinaharurot ito.

ELAINE POV

Nakaalis na ako ng bahay namin. Bago ako dumiretso sa airport ay may dinaanan na muna ako.

Pagpasok ko pa lang sa lugar na iyon ay sumunod na sa akin ang secreatry ko.

"Maam, andyan na po sila" sabi niya sakin habang naglalakad.

"Okay" seryoso kong sabi.

Agad na akong nagunta sa loob ng office ko, nakasunod lang naman sakin ang sekretarya ko.

Pagpasok ko sa Office ay nagsitayuan naman agad sila.

"Hindi na ako magpapaliguy ligoy pa, I want you to protect my daughter while I'm a way" tapos inabot ko sa kanila ang hawak na envelope kanina ng sekretarya ko.

"Andyan na ang paunang bayad ko sa inyo at ang information niya. Kayo ng bahala ang dumiskarte paano nyo mapoprotektahan sya. Alam kong kaya niya ang sarili niya pero pag marami na sila baka hindi niya kayanin pa" sabi ko .

Naglakad na ako palabas ng pinto at napahinto ng may maalala pa pala ako.

"Ahh. Wait" napahinto naman sila sa mga ginagawa nila. "Malakas makiramdam ang anak ko, kung mahal nyo pa ang buhay nyo iwasan nyong maramdaman nya ang mga presensya nyo" kumindat pa ako sa kanila bago umalis.

Lumabas na nga ako ng office at pumunta sa kotse ko. Dumiretso na ako sa airport agad agad dahil baka malate pa ako sa flight ko.

***

FRANCE, EUROPE

I'm already here. After so many years. I'm back in my home town.

Paglabas ko ng Airport ay pumara agad ako ng taxi. Sinabi ko naman agad sa kanya ang address.

Mukhang nag alangan naman sya ng sabihin ko iyun.

"Maam, they are not allowed-"

"Its okay" pinutol ko na ang kung ano man ang sasabihin niya dahil alam ko kung ano ang ibig nyang sabihin.

Nagsimula na nga syang mag drive. Habang nasa byahe ay pinagmamasdan ko ang paligid. Masyadong malaki na ang pinagbago ng lugar na ito. Wala na sana akong balak pang bumalik sa lugar na 'to pero alam kong kakailangan ko ang tulong niya. Hindi namin kaya ang kalaban kung kami kami lang.

Napansin ko naman na wala ng masyadong building itong dinadaanan namin. Alam kong malapit na kami sa lugar na iyon.

Kakaiba ang lugar na ito, meron itong ilusyon na pwedeng magpaligaw sa mga taong gustong pasukin ang teritoryo ng pamilya namin. Kaya maraming takot ang dumaan sa lugar na 'to dahil kapag nakarating ka sa dulo nito ay hindi ka na makakalabas.

The Mafia Lost Heir [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon