CHAPTER 33

9.5K 272 22
                                    

ELLA POV

It's already monday at nakakatamad bumangon. Hanggang ngayon ay parang ayaw ko pa ring pumasok. Yeah! You read it right! Hindi na ako pumasok simula ng insidente sa park. Nakakatamad pumasok at dinahilan ko na lang na may sakit ako para excuse sa pag absent.

Kahit pa na tinatamad ako ay bumangon na ako dahil tanghali na din. Kung pwede lang sana ang umabsent, aabsent na lang ako kaso ngayon ang official opening ng foundation week at bukod dun ATTENDANCE is a MUST!

Nagasikaso na ako dahil alas diyes na pero andito pa rin ako sa bahay. Bahala sila sa buhay nila, Late na nga ako magkamadali pa ba ? Tsk!

Matapos maligo at magbihis, hindi na ako kumain. Umalis na agad ako ng bahay at hanggang ngayon ay wala pa rin si mama at hindi ko alam kung nasaan.

***

Pagdating ko sa campus ay dumiretso na ako ng cafeteria. Andun na ang mga iyun for sure. Habang naglalakad ako papasok ay may mga napapatingin pa rin sakin at hindi ko na lang sila pinansin.

Pagpasok ko pa lang ng cafeteria ay narinig ko na ang mga ingay ng bawat estudyante maging ang mga boses nila.

Nanlaki naman ang nga mata ko sa akin nakita nang mahanap ko ang puwesto nila. 'Kailan pa sila nagsama sama? Ilang araw lang akong di pumasok ganito na agad ang makikita ko?' nakita naman ako kaagad ni Claire at kumaway sa pwesto ko dahilan para mapatingin silang lahat sa'kin.

Tss! I hate attention.

Naglakad na ako papunta sa pwesto nila.

"What is this?" tanong ko kaagad ng makarating sa pwesto nila.

"Ahh .. Ella kasi .. ano eh .." hindi niya matuloy tuloy ang kung ano man ang sasabihin niya.

"Ahhm. Ella, naisipan kasi naming pagbigyan sila. Ang kukulit, ayaw kaming tigilan at minsan pa ngang sinundan nila kami hanggang kaya akala namin kung sino ang sumusunod. Para matigil na lang ay pinagbigyan na namin sila" mahabang paliwanag ni Sarah sakin. Sabay sabay naman silang tumango.

"Natakot na kasi ako simula nung makuha kami ng nga gustong kumuha sayo, akala ko sila ulit ang sumusunod sakin" bigla naman akong nakonsensya dahil sa sinabi niya dahil alam kong kasalanan ko ang mga iyon.

Tumango na lang ako sa kanila na siyang ikinaliwanag ng mga mukha nila.

"Where are the others?" I'm refering to the three of those.

Jared POV

"Where are the others" tanong niya kila Claire. 'Bakit ba hinahanap niya pa ang wala. Tss'

"Actually hindi ko din alam, simula ng 'di ka pumasok. Ganun din sila, akala ko nga magkakasama kayo at nagdadahilan ka lang" sagot naman ni Claire.

"Siya nga pala Ella, sinabi na kanina kung ano ang mga games na gaganapin for this whole week" sabi naman ni Sarah sa kanya. Tinignan ko lang muna siya bago nagsalita.

"What games are you planning to join?" tanong ko sa kanya at napalingon naman silang lahat sa'kin. Tinignan ko lang naman sila ng saying what-are-you-looking-at look.

The Mafia Lost Heir [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon